TABAKO NG KAPRE

266 15 1
                                    

TABAKO NG KAPRE
Isinulat ni Alex Asc

Nakasandal sa malaking puno ang Kapreng si Makaryo habang hinihintay nito si Jr.

Ilang sandali lang ay dumating ang lalaki na may dala-dalang basket.

"Kumusta, kaibigan? Ipagpaumanhin mo kung nahuli man ako ng dating," sambit ni Jr habang papalapit na sa Kapre.

Inilatag nito ang dalang basket at isinalin naman ni Makaryo ang isang sako ng sigarilyo mula sa sako.

Nangniningning na naman ang mga mata ni Jr. Madami na naman siyang yosi na maipagbibili sa palengki.

Para sa kaniya. Napakaswerti niya at nakakilala siya ng Kapre na may mabuting kalooban. Binibigyan siya lagi ng maraming sigarilyo na siya daw mismong Kapre ang gumawa. Libre at tulong daw ng Kapre kay Jr.

Dahil doon, pinagkakakitaan na ito ni Jr. Mabenta at masarap daw ang sigarilyo nito ayon sa mga namimili.

Nagpaalam na si Jr upang umuwi. Wala ng pakialam si Jr kahit saan pa man galing o sa kahit anong paraan binuo ng kaibigang Kapre. Basta, ayos na ayos dahil may instant kabuhayan siya, na walang hinihinging kapalit ang Kapre.

Samantala, tanaw pa rin ng Kapreng si Makaryo ang papalayong kaibigan. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang pisngi.

Mukang sandaling-sandali na lamang, ay magkakaroon na ng katuparan ang kaniyang minimithi.

Muling nananariwa sa kaniyang balintataw ang mga nangyari noon. Ang hinanakit na pinagdaanan niya, sa piling ng mga kauring Kapre.

Balang araw, ay papatunayan niya sa kanila, na may mararating siya. Na magiging pinuno siya at ibabagsak niya, ang kaharian ng mga Kapre.

Sa kaharian ng mga Kapre. Bawat kalalakihang Kapre ay sadyang nahihilig sa tabako. Maituturing iyong parang kanin sa mga tao. Kapag walang tabako, malungkot ang sandali, walang lasa ang pagkain at hindi kumpleto ang araw. Parang isa nang bisyo sa lahi ng mga Kapre.

Si Haring Torgoto ang pinuno ng mga kapre at namamahala sa kaniyang komunidad.

Maayos ang pamamahala niya. Nais niya'y puro kabutihan ang inaasal ng bawat kapre sa kaniyang pook. Mahigpit niyang tinututulan ang anumang panggugulo sa ibang lamang-lupa o sa mga tao. Naniniwala rin kasi sila sa paraiso at impyerno.

Ang mga pasaway ay pinaparusahan at ang masasamang Kapre ay walang lugar sa kanilang lupain.

May napakagandang Diwata na kinahuhumalingan ni Makaryo ngunit torpe at hanggang tanaw na lamang siya. Nang magulat siya dahil nilalapitan at kinakaibigan ni Karding.

Si Karding ang Kapreng mortal na kaaway ni Makaryo na labis niyang kinagagalitan.

Dahil sa pamboboso lagi ni Makaryo sa kinaiibigang Diwata, ay nahuli siya ni Karding. Isinumbong sa Diwata, kung kaya't nagreklamo ang pamunuan ng mga Diwata sa Hari ng mga Kapre.

Napatawan ng kaparusahan si Makaryo. At iyon ay hindi siya makakatikim ng Tabako sa loob ng isang linggo.

Ang Tabako kasi ay nasa tangan din lahat ng Hari. Ibinibigay lamang araw-araw sa bawat Kapre. Walang hinahayaang gumawa ng sariling tabako na wala sa pahintulot ng Hari.
Ang gumagawa naman ay ibinibigay sa kaharian at iniipon roon.

Sukdulan ang inis ni Makaryo kay Karding. Kung hindi lamang siya isinumbong, malamang nakakatikim pa siya ng Tabako.

Halos tulo laway siya sa nakikitang nagtatabako. Hinahabol pa niya ang usok na binubuga ng ibang Kapre at iyon ang pinagtitiyagaan. Kahit mabaho na at 'second hand' na ay ayos lang.

MGA KWENTONG KABABALAGHAN - Volume 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon