BRUTAL

127 9 0
                                    

BRUTAL
Isinulat ni Alex Asc.
795 words

(Win entry at Iba't ibang group)

Natagpuan nang umagang ito ang nakakaawang sinapit ng bangkay. Halos hindi na makilala dahil sa pahirap na ipinaranas muna rito. Puno ng hiwa ng blade ang mukha. Dinukot ang mga mata. Putol ang ulo, mga tainga at pati ang ari.

Napag-alaman ang pagkakakilanlan ng biktima mula sa kaniyang Identification Card na nasa loob ng kanyang wallet.

Siya si Romero San Diego. Isa umanong suspek sa pagpatay kay Judith, ang kaniyang asawa. Kailan lang ay pinaghahanap ng pulisya ang lalaki ngunit nagtago iyon ng mahigpit.

"Teresa, pinapangako ko sa iyong hinding-hindi kita sasaktan katulad ng ginawa ko kay Judith." Ito ang sumpang binitawan ni Romero ng mga sandaling iyon. Galak namang hinalikan ni Teresa si Romero.

"Oo, mahal ko. Kahit ano pa mang kasalanan iyan, kayang-kaya kitang tanggapin at mahalin muli." Lihim na napangiti si Teresa.

Kahit nakapatay si Romero ay hindi nagbago ang pagmamahal niya. Katunayan, wala siyang pakialam dahil para sa kaniya, ang maangking muli si Romero ang pinakamasayang sandali ng kaniyang buhay.

"Mas mabuting wala ka na, Judith," ani Teresa sa sarili.

Ngayong gabi ang muling masaya nilang pagsasamang dalawa. Ang mga gabing inaasam ni Teresa na muling makakayakap ang minamahal na lalaki.

Binuhat ni Romero si Teresa patungo sa kama habang parehong tumatawa. Inihiga niya iyon. Hinalikan ang babae at ganoon din ang babae sa kaniya. Pinagsaluhan nila ang mainit na pagmamahalan.

Humihithit ng yosi sa may pintuan si Romero habang inaalala ang nangyari kanina. Naninindig pa rin ang balahibo niya dahil bigla na lang nagbago ang anyo ni Teresa. Nakita ni Romero kay Teresa ang anyo ni Judith. Ngunit naiisip ni Romero na baka namamalik-mata lamang siya.

Tumabi sa kaniya ang babae at pilit siyang hinihila muli sa kama. Idiniretso ni Romero ang tingin sa babae at ganoon na lamang ang gimbal niya.

"Hindi mo ba ako nami-miss?" wari pagtatampo ng babae.

Sinakal ni Romero ang babae. Mahigpit na mahigpit. "Hayop ka, Judith! Hindi ko matatanggap ang ginawa mo!"

"Ano'ng nangyayari sa 'yo?" tanong ng tumatangis na babae.

Pinagsasampal ni Romero si Judith. "Wala ako sa bahay habang nagpapakasarap kayo ng lalaki mo!" Hinawakan niya sa buhok ang babae at hinampas-hampas ang ulo sa sahig sanhi upang dumugo iyon. Nawalan ng lakas ang babae at bahagya na lamang sa pagdaing.

"Wala akong lalaki," mahina nitong bigkas. Hinawakan ni Romero sa paa ang babae at hinila't binuhat sa mahabang lamesa.

Hinablot niya ang gunting. "'Di ba gusto mo nito?!" Ginupit ni Romero ang kasuotan ni Judith. Nalantad sa paningin ng lalaki ang hubog na katawan ng babae.

Takot na takot ang babae habang pinapagapang ni Romero ang gunting sa maselang dibdib nito. Ibinuka ang gunting at tiniklop. Napasigaw ng sukdulan ang babae.

"Ano! Masarap ba?!" anang wari nababaliw na lalaki. Umiling-iling habang umiiyak ang babae.

Itinapat naman ng lalaki ang gunting sa tainga at sinimulang putulin. Walang paglagyan ang hinagpis ng babae.

"Maawa ka..." tanging nasambit ng babae.

Muling humablot ng bagay ang lalaki—isang martilyo. Itinapat niya iyon sa bibig ng babae at buong lakas na hinampas. Sanhi upang sumabog ang bunganga ng babae.

Hindi pa nasiyahan ang lalaki. Muli itong kumuha ng kagamitan. Isang matalas na blade. Sinimulan nitong hiwain ang bawat parte ng mukha ng babae.

"'Ayan... pangit ka na! Hindi ka na niya maiibigan!" Ang huling brutal na pagpatay ay dinukutan ng mata at pinutulan ng ulo ang babae.

Sadyang nakakaawa ang sinapit at brutal na kamatayan ni Judith sa piling ng kaniyang asawa.

Kinabukasan, natagpuan ang bangkay ni Romero San Diego. Nakita sa CCTV footage ang masayang lambingan ni Romero at ni Teresa. Makaraan ang ilang saglit ay sinimulan na ni Teresa ang krimen. Kung paano pinatay ni Romero si Judith ay ganoon din ang tinamo ni Romero mula kay Teresa.

Tandang-tanda pa ni Teresa kagabi. Nakikita niya sa pangitain niya ang malubhang sinapit ni Judith. At ang kaluluwang naghihiganti ang tuluyang gumamit sa kaniyang katawan upang paslangin si Romero.

Tumakas si Teresa matapos niyang maisagawa ang malagim na kamatayan ni Romero. Batid niya sa sariling hindi lang doon natatapos ang paghihiganti ni Judith.

Dahil siya lang naman ang puno't dulo kung bakit pinatay ni Romero si Judith.

Magkasintahan noon si Romero at Teresa ngunit nabighani sa iba si Romero. Iniwan niya si Teresa at pinakasalan si Judith. Ngunit ginawa ni Teresa ang lahat upang sirain ang masaya nilang pagsasama.

Nagbayad siya ng lalaking manggugulo sa dalawa. Nakunan ng litrato ang bawat tagpo ni Judith at ng lalaking nananakot sa kaniya. Pinainom nila ng pampatulog si Judith at nagtagumpay ang lalaking halayin iyon. Kinunan ng larawan ang pagniniig at ginamit ni Teresa upang sumiklab sa galit si Romero.

Nagmamadaling mag-impake upang magpakalayo-layo si Teresa nang harangin at lumitaw sa pintuan ang isang kaluluwa.

"Papatayin kita, Teresa! Hindi ka makakatakas!"

Wakas.

MGA KWENTONG KABABALAGHAN - Volume 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon