ASWANG HUNTERS

139 10 0
                                    

ASWANG HUNTERS
Isinulat ni Alex Asc
Fantasy/Horror

(Sorry kung ginamit ko ang cover photo ng Ghost fighter. Fan din kasi nila ako noong bata pa ako.)

Inasinta ni Zion ang kaniyang pana tungo sa aswang na lumilipad sa ere at lumalayo sa kanila. Kumawala iyon ngunit nang mapalapit ang bala sa aswang ay biglang nakaiwas ang aswang.

"Nakakatatlong tira ka na, pero wala pa rin..." may pambibirong wika ni Hans kay Zion.

Lumingon si Zion kay Hans. "Trip ko lang iyon. Tingnan mo kung paano ko tatamaan." Inasinta ulit ni Zion ang pana tungo sa aswang.

"Ano ba ang problema mo, kinakalawang ka na ba?" bulong nito sa sariling pana.

Kumawala ng mabilis at nalaglag ang aswang mula sa ere.

"Handa na ba kayo para sa susunod nating misyon?" wika ng kararating lang na si Bend, kasama ni Wamy.

"Nangangati na nga ang mga palad ko! Gustong-gusto ko nang kumitil nang maraming aswang!" nag-iinit na wika ni Elf.

Kakatapos lamang ng huling misyon nila sa lupain ng luzon. Naubos na nila ang mga aswang at doon na naman sila pupunta sa kalupaan ng bisayas.

Layunin ng grupo nila ang ubusin ang mapaminsalang mga aswang dito sa bansa. Katunayan may kaniya-kaniya silang tinataglay at sandata.

Si Bend ang namumuno na may maiksi ngunit kakaibang baril na handang sumunog sa aswang kapag natatamaan iyon. Taglay rin niya ang galing sa pakikipagsuntokan.

Si Wamy na isang babae at sa pamamagitan ng matalim na titig ay nakakalikha siya ng maliit na buhawi habang  ang sandata ay matulis na espada.

Si Hans na kakaiba sa bilis kong tumakbo habang dala lagi ay mahabang bakal na palaso na pinatulis ang magkabilang dulo.

Si Zion din ay babae. Sa tuwing sumisigaw ng malapitan sa katunggali ay nahihilo iyon sa pamamagitan ng kaniyang tinig habang laging nasa likuran nito ang pana.

At si Elf na malaking lalaki sa kanila at sandata'y palakol habang nagtataglay ng kakaibang lakas. Nagagawa niyang mapayanig ang lupa sa pamamagitan lamang ng kaniyang suntok.

Silang lima ang tinatawag na 'Aswang Hunters'. Ordinayong tao lamang sila ngunit may natatanging kakayahan.

Namulat sila sa paghahasik ng mga nilalang sa dilim. Kinagisnan ng bawat angkan nila ang bawat lagim ng kani-kaniyang kaaway na aswang. Naulila pareho, ngunit bata pa lamang ay naipamalas na nila ang kanilang natatanging taglay.

Si Bend, pitong gulang pa lamang siya ng makipagbuno siya sa aswang na dumakip sa kaniya. Hindi niya alam kung saan niya natutunan ang natatanging galing sa pakikipagsuntukan sa mga kalaban. At kung bakit ganoon na lamang kadali upang mapatumba niya ang mga iyon. 'Di kalaonan ay nakalikha siya ng kakaibang baril. Subalit ang baril na iyon ay nakakapag liyab lamang ng apoy tuwing siya ang gagamit sa mga aswang.

Si Wamy ay walong taong gulang pa lamang nang madiskubre niya ang natatanging kakayahan. Iniiyakan niya noon ang namatay na ina at biktima ng mga aswang. Sanhi ng galit na binubugso ng kanyang damdamin ay hindi maipaliwanag ang biglang namuong buhawi sa kapaligiran. Natakot ang mga tao at ang nasabi lamang nila ay may engkanto ang bata.

Si Hans ay labing dalawang taon na siya buhat nang malaman niya ang kakaibang bilis. Tumatakbo siya noon habang hinahabol ng aswang. Nag-aasam siya at nagnanais na makatakbo nang mabilis upang makaiwas sa mga aswang. Bigla na lamang tumulin ang kaniyang pagtakbo sanhi upang hindi siya masundan ng mga aswang. Akala niya'y tinanggap ng diyos ang kaniyang hinaing ngunit nang muli niyang subukan ay ganoon na din siya kabilis.

MGA KWENTONG KABABALAGHAN - Volume 10Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon