KRIMINAL
Isinulat ni Alex AscNagkakasiyahan ang buong staff ng isang kompanya sa arkilado nilang Hotel nang biglaan umanong pumasok ang isang 'di nakikilalang babae.
Pinagbabaril umano nito ang mga security guards. Tapos, naglakad sa hallway at bawat taong naroroon ay pinapaulanan nito ng putok.
Nagpapalit-palit pa umano iyon ng clip ng bala at nang halos maubosan ay saka na tumalikod at tumakas.
Iniwan ang maraming biktimang naliligo sa sari-sarili nitong mga dugo.
Dumating ang mga awtoridad pero hindi na nila nahuli ang naturang suspek. Ipinagtanong-tanong nila sa mga tao ngunit walang makapagturo ng maayos kung saan tumungo iyon.
Labis-labis ang sakit na dinarama nang mga kaanak ng biktima. Humihingi sila ng hustisya sa walang pusong kriminal na iyon.
Damang-dama ng Pulis na si Jerome ang paghihinagpis nila.
Agad tiningnan ang mga CCTV footage. Isa ngang babae ang may kagagawan sa krimen. Nakasuot iyon ng masikip na black leather Jacket at black skinny jeans. Maiksi lamang ang kaniyang buhok at may hawak na maikling riffle na mahaba ang lagayan ng magazine. Nakasuot din ng shoulder holster kung saan nakasiksik ang extra magazine nito.
Kakaiba at dinaig pa nito ang mga action star sa pormahan. Kung mamaril din iyon ay wari nasa shoot lamang ng isang palabas na gyera
Agad inimbistigahan kung sino ang naturang babae. Napag-alamang siya si Second Leutenant Hayden Disierto. Isang ex militar umanong babae na may malaking kaalaman sa larangan ng martil art.
Naging interesado si Police Leutenant Jerome Cagas sa kaso nang babaeng iyon kaya't hinawakan niya ang kaso.
Inusisa niya ang nakaraan ng babaeng iyon. Kung ano ba ang nangyari at nagawa nito ang brutal na krimen na ito?
Anim na buwan na raw na walang balita sa babaeng iyon. Katunayan, wanted iyon sa pagpatay sa ilang nurses na umaasikaso sa kaniya sa Psychiatric hospetal.
Ayon sa kwento ng buhay ng babae. Mayroon daw siyang nag-iisa at maliit na anak. Single mom umano. May malalang sakit ang bata na sanhi ng kamatayan niyon.
Labis na dinamdam ng babaeng si Hayden ang pagkamatay ng kaniyang anak. Ilang araw daw umanong wala sa sarili ang babae.
Hanggang sa natagpuan na lamang ng mga tao na nasa tuktok daw ng building at nakahanda ng tumalon.
Subalit pagkaraan ng ilang sandali ay hindi nito naituloy dahil sa namataang lalaki na biglang sumulpot roon. Hinablot ng taong iyon ang babae kung kaya't naisalba sa balak na pagpapakamatay.
Ngunit ang nakakapagtaka ay dumating roon ang mga rescuer na walang ibang taong naroroon bukod sa babaeng nakatihaya at nakatanaw sa kalangitan.
Itinatanong sa babae kung saan pumunta ang lalaking nagligtas sa kaniya, pero hindi nagsasalita ang babae. Tila tinakasan na ng katinuan.
Dinala sa hopetal para gamutin ang mga sugat nito. Nag-amok pa umano at kamuntikan pang makapatay. Kaya't itinuloy na lamang sa mental hospetal upang doon alagaan.
Pagkaraan ng ilang araw na pamamalagi roon ay naibalitang nakatakas umano ang babae. Ang masaklap pa nito ay napatay raw umano nito ang ilang nurses at security guards.
Sadyang nakakapagtaka raw paano iyon nakatakas gayung mahigpit sa pagbabantay ang mga guwardya. Ultimo kamera ay hindi rin raw gumana ng oras na iyon. Bagay na ipinagtataka ng mga namamahala sa Mental hospetal na iyon.
Sadyang nahihiwagaan si Jerome sa mga nangyari sa babaeng iyon. Ngunit baka naman dahil sa magaling iyon sa pakikipaglaban kaya't naging easy na lamang sa pagtakas sa hospetal.

BINABASA MO ANG
MGA KWENTONG KABABALAGHAN - Volume 10
HorrorVolume 10 ng mga Horror at Fantasy stories ni Alex Asc 1 - Buntis na aswang 2 - Tiyanak 3 - Tabako ng kapre 4 - Kriminal 5 - Zombie festival 6 - Laway ng halimaw 7 - Ang lobo at bampira 8 - Hasik ng aswang 9 - Mga nawawalang pahina 10 - Masaker 11...