TIYANAK
Isinulat ni Alex Asc"You may kiss the bride," wika ng Pari sa groom na si Reynald. Inilapit naman ni Reynald ang labi sa labi ng bride na si Jane. Saka kumalawa ang halik.
Hiyawan ang lahat nang nakadalo sa engrandeng kasal nang dalawang anak mayaman.
Binuhat na ni Reynald si Jane upang dalhin sa naghihintay na kotse sa labas. Papunta sila sa fivestar hotel upang doon ituloy ang pagdadaos ng pag-iisang dibdib na ito. Patungo na rin roon lahat ng guest na um-attend sa kasal na ito sa simbahan.
Masayang-masaya si Jane sa pinakamahalagang araw na ito ng kaniyang buhay. Ang lalaking bestfriend at lover niya since young ay makakasama na rin niya sa wakas. Ika nga raw, ang tunay na nagmamahalan sa simbahan ang tuloy.
Kahit nagkaroon ng iba si Reynald. Kahit itinakas pa nito ang babae nito ay heto't bumalik na rin sa piling niya. Pinatawad naman niya ito dahil labis raw ang pagsisisi.
Ngunit, may kasama na itong sanggol. 'Di umano'y anak nila ng babaeng iyon. Pero wala iyon sa kaso ni Jane. Kaya niyang tanggapin ang bata at ituring na parang sa kaniya na rin. Basta't sumumpa si Reynald na hiwalay na talaga sila ng babaeng iyon.
Ayaw raw ni Reynald na iwanan ang anak nito sa ina ng bata. Nagkasundo raw silang mabibigyan niya ng magandang buhay ang bata sa piling niya. Kaya malugod daw na tinanggap nang babae ang desisyon niya.
After so many struggle ay heto nga't magkakaroon na rin ng forever si Reynald at Jane.
Habang buhat nang malakas na bisig ni Reynald si Jane at humahakbang palabas ng simbahan ay nananariwa sa isipan ni Reynald ang lumipas.
Bussness Tycoon ang pamilya ng dalawa. Nagmamay-ari ng ilang malalaking mall at Bussness sa bansa.
Dahil sa Bussness partner ang dalawang ama nito ay nagkasundo ang mga iyon na paglapitin ang dalawang anak. Hanggang sa nagka-ibigan nga.
Ngunit natural lang yata sa mga lalaki ang maakit minsan sa ibang babae. Tulad na lamang ni Reynald na 'di sinasadya ay nahumaling sa isang salelady lamang ng isa sa pwesto sa kanilang mall.
Naibigan niyang tingnan ang mga shades na naka-display at inasikaso naman siya ng isang salelady.
Napansin niyang madaldal ang babae at desidido itong makabenta kung kaya't magaling mag-sales-talk. Ang mas ikinatuwa pa n'ya sa simpling babaeng ito ay ang pambobola nito.
"Sir, ito... bagay na bagay sa iyo. Kapag sinusuot mo 'yan, nag-aala Tom Cruise ka. Lahat ng babae sa paligid, naaakit mo. Tingnan mo, nakatingin sila lahat," wika nito.
Napadako naman si Reynald sa paligid. Pero wala namang nakatingin. Bagay na mas ikinatuwa niya. Lahat talaga ng words gagamitin ng babaeng ito makabenta lamang, kahit wala naman pa lang nakatingin. Pero aminado naman siyang may kakaiba siyang look. Gwapo talaga siya.
Nagpatuloy ang babae sa pagsasalita habang suot ni Reynald ang itim na salamin. Hindi alam ng babae ay malagkit na ang titig ni Reynald at tila naaakit siya nito.
Hindi na naiwasan ni Reynald ang sarili. Lagi siyang dumadaan sa babaeng iyon. Katunayan nasa itaas lamang ng mall ang kaniyang opisina. At laking hiya ng babae ng malaman nito na ang lalaking costumer niya lagi ay ang nagmamay-ari ng mall na ito. Ngunit hindi nahadlangan ang damdamin ng dalawa. Hanggang sa magkaibigan.
Umamin ang babae na buntis siya at tinatanong kung pananagutan ba siya ni Reynald, kahit may fiancee na ito at naka-schedule na ang kasal.
Pinili ni Reynald ang babae at nagpakalayo-layo sila. Nag-freeze ang mga account ni Reynald dahil sa galit ng kaniyang ama. Pero hindi na mahalaga kay Reynald ang pera. Ang mahalaga sa kaniya ay makasama nito ang babae at ang magiging anak nila. Handa siyang harapin ang kahirapan.
BINABASA MO ANG
MGA KWENTONG KABABALAGHAN - Volume 10
HorrorVolume 10 ng mga Horror at Fantasy stories ni Alex Asc 1 - Buntis na aswang 2 - Tiyanak 3 - Tabako ng kapre 4 - Kriminal 5 - Zombie festival 6 - Laway ng halimaw 7 - Ang lobo at bampira 8 - Hasik ng aswang 9 - Mga nawawalang pahina 10 - Masaker 11...