CHAPTER 40: GOODNIGHT

571 36 16
                                    

"LEAH'S POV"

What the heck?! Now?!

"Right n-now?" Tanong ko. Hindi ko inakalang totohanin nya yung sinabi ko. Now na talaga?

"Why? I can't?" Inosente syang tumingin sakin.

"A-Ang bilis lang kasi" Imayos ako ng tayo "M-Magpaalam ka muna"

"Paalam? Sayo??" Tumango ako at ngumisi lang sya "Sabi mo anytime ko gusto"

"B-But get my permission first" Humakbang ako palayo kasi feeling ko ang awkward ng sitwasyon ko "Bigla bigla ka nalang manliligaw dyan"

"Then tatanungin kita"

"Huh?" Tumingin ako sa kanya at sya naman ay lumapit sakin.

"Take 2" Inayos nya ang sarili nya at kinlear nya pa ang boses nya "Ehem.." Pinigilan ko ang sarili kong matawa dahil sa way ng pag act nya. He's so childish.

"Leah" Tawag nya sa pangalan ko habang seryoso kaya napatigil ako "Would you let me court you?"

Kanina, nang ako yung nagyaya sa kanya na ligawan ako, parang walang effect sakin pero ngayon na sya na ang nanliligaw, para akong sasabog sa kaba. Para akong natikom bigla, hindi ko sya masagot, malabo ang pag iisip ko.

"Ah.. Eh.." Tumingin ako sa ibang direksyon dahil sa tingin nya. Kalma self... hindi ka ice cream para matunaw.

"Hmmm?" Hinahabol nya ako kung saan man ako tumingin kaya ramdam na ramdam kong namumula na ang pisngi ko.

"Yes..." Bulong ko kaya bahagya syang napatigil sa pagkilos.

"What did you say?" Siguro naman narinig nya yung sinabi ko diba? Malakas lakas na yon para marinig nya. I took a deep breath.

"Oo na" Tinakpan ko ang mukha ko at nagsisigaw doon kahit wala namang tunog na lumalabas sa aking bibig. Kinikilig ako.

"Yes!" Sumilip ako at parang timang syang nag tatatadyak sa lupa. How old is he, really? Hindi rin matanggal ang ngiti sa mga labi nya.

"Mababaliw---"

"EXCITED NA AKONG UMUWI!" Malakas nyang sabi at hinawakan ang kamay ko at nagtungo papuntang sakayan. Omg, ang daming napapatingin samin dahil kay Nics.

Nang dumating na ang bus ay sya din ang nagbayad ng akin. Weird pero ok na yun, tipid sa pera at saka lagi nya namang ginagawa yan noon, sana all may pang libre.

Pero ang problema? Punuan kaya walang maupuan.

"Kaya mo bang tumayo?" Bulong sakin ni Nics na ikinatawa ko. Isn't it obvious?

"Oo naman" Mahina akong tumawa "Hindi naman ako pilay or something na may damage sa legs" Napa tango tango nalang sya at ngumiting parang aso.

Ok lang naman ang naging byahe pauwi hanggang sa bahay except doon sa matandang driver na parang nasa competition kung maka drive. Retired racer ba itong driver?

"Leah" tawag ni Nics nang nasa tapat na ako ng bahay at papasok na dapat. Napatigil ako.

"Hmm?" Bumaling ako sa kanya na nakangiti na parang aso.

"Pwede ko bang mahiram notes mo? Di ako tapos kanina" Tumango nalang ako at iginaya sya papasok ng bahay namin.

"Oh?" Bungad ni mom samin "Kamusta ang lakad nyo?" Sabi nito habang hinahain ang hapunan namin, nandoon na din si Dad na nakaupo sa dining table.

"Ayos lang po" sagot ko.

"Kamusta, Hijo?" Tanong ni Mom habang nakangisi. Napakunot noo naman akong lumingon sa kanilang dalawa

The Bekis' Dare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon