CHAPTER 2: PARTNERS

1.7K 74 22
                                    

"Good morning self!!!"

Sabi ko sa sarili ko at nag unat-unat. Nag pray muna ako bago umalis ng kama at humarap sa salamin.

"Ang ganda ko talaga,My ghad!!" Sabi ko habang nakatingin sa malaking salamin na punong puno ng jeje stickers.

Napatingin ako sa buong katawan ko at nakita kong nakatayo...
.

.

.

.

.
Ang bamboo stick.

Ayos na sana eh!! Maganda na sana ako eh!! Kaso yung bamboo stick ko kasi high na high!

Napa bugtong hininga na lang ako at nagtungo sa CR para ilabas ang ihi at para makapag ayos na sa eskwela. Senior high school student na ako at ilang kembot nalang graduate na.

And by the way! Ako yung bakla na hindi pala ayos. Baka isipin nyo na puno ako ng kabaklaan from head to toe.I mean yung suot at itsura ko, normal lang (charot).

Nakasuot ako ng slacks at polo na naka tack in at naka unbotton yung dalawa. Nakatupi din ang sleeves para patok! Sa mukha naman, simpleng liptint lang and blush then gora na akesh palabas para kumain.

"Hi Mudrakels!" Bungad ko sa mother ko. Ang fafa ko naman ay nakaupo sa dining table habang nanonood ng TV.

"Hi dadey!" Sabi ko sa tatay ko at nagmano. Kahit kaylan ay hindi sya nagalit pag umaasal akong baklush sa harapan nya. I love my dadey!

"Ang dalaga ko gising na" Hinawakan ni mudra ang mukha ko at pinisil ang pisngi ko.

"Mudra! Baka lumuwag ang pisngi ko!" Reklamo ko na ikinatawa nya.

"Kamusta school, anak??" Sabi ni Dadey at sumagot naman ako.

"Keri pa naman, Dadey" sabi ko sabay subo ng agahan "Nasa top pa rin akesh"

"Don't stress yourself, Baka magkasakit ka nyan" Binigyan ako ni Dadey ng 500, baon ko ngayong araw. Hindi naman kami mahirap. Hindi din naman mayaman. Sakto lang.

"Shalamat Dadey!" Inubos ko ang almusal ko then rumampa papuntang school.

Habang naglalakad ay nagsuot muna ako ng earphone para hindi ako mairita sa mga busina around the world. Tamang music lang.

Dear future husband~
Here's a few things you'll need to know if you wanna be
My one and only all my life~
Dear future husband~
If you wanna get that special lovin'
Tell me I'm beautiful each and every night~

Pasimple pa akong pa kembot kembot dahil ang ganda nung song. Gusto ko ganto yung future jowabels ko, awittttt!



































"Nicolia!!" Sinalubong ako ng Adviser namin na may dala dalang notebooks.

"Good morning, Ma'am!" Pag welcome ko sa kanya "bakit po?"

"Pwede mo bang ibigay ang mga notebook ng mga kaklase mo?" Sabi nya. Kaya pala may gabundok syang dalang notebook.

"No probs Ma'am!" Kinuha ko kay Ma'am ang notebooks then paalis na dapat nang tawagin uli ni Ma'am.

"At paki announce na rin na may activity tayo kaya humanap kayo ng partner nyo"

"Copy paste po" Sabi ko at rumampa na papasok.

Pagpasok ko ng room, bumungad agad sakin ang maiingay kong mga kaklase.

Binigay ko isa-isa ang mga notebook nila at nagpunta sa gitna.

Breathe in *ihhhhhhh*
Breathe out *wooooo*

"HOY! SABI NI MA'AM NA MAY ACTIVITY DAW TAYO MAMAYA KAYA HUMANAP KAYO NG PARTNER NYO!" Ghad! Parang lalabas ang dila ko sa sobrang sigaw!

Umoo naman ang mga kaklase ko. Pumasok na ang baklang sina Guan at Bellu.

"Hoy mga bakla, Sabi ni Ma'am may activity tayo na by pair" sabi ko sa kanila. Medyo pumiyok pa ako. Hehe.

"Oh edi kaming dalawa ni Belluga!!" Sabi ni Guan sabay akbay kay Bellu.

"Gosh! Ang lagkit mo Guan!" Inalis ni Bellu ang pagkakaakbay nya. Ang arte ng bakla, mukhang nagpa diamond peel kahapon... pati braso kasama.

"Ay sige mag solo kayo! Sino partner ko aber?!" Nakapamewang kong sabi.

Walang excuse-excuse me na dumaan sa harapan namin ang Nerd habang dala dala ang libro nya.

"Sya na lang Nicolia, for sure walang partner yan" dinuro nya Leah na ngayon ay nagbabasa uli.

"At baki--" nilagay ni Guan ang index finger nya sa lips ko.

"Yung dare~" sabi nilang dalawa. Shocks oo nga! "Ngayon ang simula noon~" malanding sabi ni Bellu.

"Pusta ko buhay ng kapitbahay namin di yan papayag mga bakla!" Confident kong sabi at napa taas naman sila ng kilay.

"Ayaw mo?" Sabi ni Guan "Kung ayaw mo ay ililibre mo kami for 1 month--"

"Hmp! Fine!" Sabi ko. Alam ko kasi kung gaano katakaw ang dalawang ito. Malamang sa malamang, daig ko pa nanakawan.

Naglakad ako papunta kay Leah at hindi man lang nya ako napansin.

Tumingin ako sa mga bakla na nakadungaw mula sa pwesto nila at tinitignan ako. Hmph!

"Leah??" Tawag ko sa kanya sabay poke sa balikat nya. Matamlay ang mga mata nya na napatingin sakin. Waley syang sakit, sadyang emotionless lang sya.

"May partner ka na ba sa Activity mamaya??" Mahinhin kong tanong. hindi sya sumagot, nakatitig lang sya sakin.

"None" sabi nya tapos nagbasa uli. Pinunasan ko ang butil ng pawis sa noo ko at nagsalita.

"Pwede ba tayo na lang partners??" Tumingin ako sa kanya na parang nag iisip "K-Kasi lahat s-sila may partner na--"

"Shhh" sinara nya ng malakas ang libro kaya napa straight body ako.

Maawa po kayo... mahal ko pa buhay ko.

"K." Maikling sagot nya at inayos ang book nya.

"T-talaga??" Pag kumpirma ko at tinignan nya lang ako na parang tamad na tamad "S-Sige, alis na ako, mamaya na lang" Lakad takbo ang ginawa ko pabalik sa mga bakla.

Nilingon ko uli si Leah na muling nagbasa "Grabe baklas! Para akong nasa beauty Pageant!" Sabi ko sabay kuha ng tubig at ininom ito.

"Nakakakaba ba sya kausap?" Tanong ni Guan. Napatingin na naman ako kay Leah.

"Yeah, parang kakaiba sya" Sabi ko at napa bugtong hininga "Hindi, kakaiba talaga sya"

♡♡♡♡♡

EARLY UPDATE GUYS😍 DAPAT TALAGA SA KATAPUSAN PA NG MONTH PERO WHY NOT?? HAHAHA

PAALALA NA WAG MUNA TAYONG MAGING CLINGY SA MGA JOWABELS/ FRIENDS/KA-M.U.'S NATIN PARA MAIWASAN ANG COVID-19

😝

The Bekis' Dare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon