"LEAH'S POV"
I opened my eyes, only to see a white ceiling of wherever I am now. And then, I felt a sudden pain in my head that made me flinch.
"Ayos ka lang Leah?" I heard someone said beside me. Si Bellu pala.
Hinawakan ko ang ulo ko "I-I'm fine" sabi ko. Binalak kong umupo pero pigilan ako ni Bellu.
"Nako te, stay put ka lang muna. Baka mahilo ka pa" inalalayan nya akong maupo ng maayos bago sya pumunta sa table at may kinuha doon "Kumain ka muna then inumin mo itong gamot mo" pag sabi nya noon ay inabot nya sakin ang isang bowl ng soup.
Wala akong nagawa kundi kainin ang ibinigay nya. Salamat dito at nawala ng kaunti ang pag kirot ng ulo ko. Inabot nya sakin ang gamot at isang basong tubig.
Ibinaba ko ang baso pagkatapos inumin ang gamot "Where's Nics?" Biglaang tanong ko. Napalingon sya sakin na may kunot sa noo.
"Nics??" He tilted his head. Oh, I guess he doesn't know that I call Nicolas that way.
"Sorry, I mean Nicolia" Nang sinabi ko iyon ay parang naliwanagan na sya.
"Pinatawag sila sa Dean's office kanina pa" muli syang naupo "Ang tagal nga nila eh"
"Is there something wrong?" Tumango sya. Mukhang dahil sa insidente kanina, napatawag sila sa Dean's office.
Not long after our conversation, someone came in.
"Ate girl, Ayos ka na ba?" Tanong ni Guan pag pasok na pag pasok nya sa clinic.
Mahina akong tumango "A little" sagot ko sabay hawak sa sugat kong may benda.
"Anong nangyari sa Dean's office?" Tanong ni Bellu kaya napatingin rin ako kay Guan.
"What happened?" Tanong ko.
Naupo sya sa tabi ni Bellu "Well, buti na lang at naayos na ang lahat" nakahinga ng maluwag si Bellu sa narinig "Pero hindi pa rin nating iwanan yung sina Gied at bakla, baka magtuos na naman yun"
Nag-usap pa ang dalawa tungkol sa napag usapan sa office at tahimik naman akong nakinig sa kanila. Buti na lang at naayos na ang lahat.
May narinig kaming pumasok sa clinic. Napalingon kaming tatlo sa direksyon ng pintuan. Biglang tumayo si Guan at sumilip sa labas "Ayan na si Nicolia"
Biglang lumapit sakin si Bellu "Leah, I prank mo si bakla!"
"Why?" Bakit ko naman i pa-prank yung tao? Kakatapos lang sa Dean's office tapos pasasakitin ko pa yung ulo.
He gave me the puppy face, well he looks cute but should I really do it?
He smiled then tumayo sa tabi ni Bellu at bumulong. Nag 'ok' sign si Guan. Well, I guess i don't have any other choice.
Not so long after, pumasok na sya at agad na napa bugtong hininga. Lumapit sya sakin at naupo sa tabi ko "Kamusta ang lagay mo?" Tanong nya pero tinignan ko lang sya.
"Leah?" Tinawag nya ako. Muli nya akong tinanong pero hindi pa rin ako sumagot. He looked at Guan and Bellu.
"Anong nangyari?" Tanong nya pero umiling ang dalawa at napa kibit balikat.
"Kanina pa sya ganyan mula nang magkamalay sya" Sagot ni Bellu. Muling napatingin sakin si Nics.
"Leah" Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.
"Who are you?" I said like I don't know him. Napatigil sya, halatang nagulat sya sa sinabi ko.
"A-Ano?" Umiwas ako ng tingin sa kanya at inalis ang kamay nya sa pisngi ko.
"Ako to, Si Nicolia" sa tono ng boses nya, sigurado akong gulong gulo na sya "Ako si Nics!"
"Sorry, I-I really don't know you"
Napatakip sya ng bibig. Mukhang pino-proseso nya pa ang nangyayari. Lalabas dapat sya nang pinigilan sya nila Bellu at Guan.
"Sandali!" Pigil ni Guan "Saan ka pupunta?" Tumingin tingin si Nics sa labas.
"Asan yung nurse?" Sabi nya "Nurse!" Tawag nya rito pero walang lumapit na nurse.
"Wag kang maingay! May ibang pasyente rin dito no! " Sigaw ni Guan kay Nics "Babalik yun mamaya"
Tinuro ako ni Nics "Anong nangyari kay Leah?" Sabay turo sakin. Guilty to the max na ako dahil alalang-alala na sya.
"Kumalma ka nga!" Sigaw ni Bellu. Napaupo naman si Nics sa tabi ko at yumuko.
Sa kabilang banda naman, sinenyasan ako ni Guan na itigil na yung prank. Siguro guilty na rin sya sa ginagawa namin.
Narinig kong mapa bugtong hininga si Nics habang nakatungo sa gilid ng bed ko. Kawawa naman yung tao.
Dahan dahan akong umupo paharap sa kanya. Nag Indian seat pa nga ako. I poked his arms.
"Hahanapin ko yung nurse--" sabi nya at napaharap sakin. Napakunot ang noo nya.
"Hi Nics" I chuckled. Wala naman syang reaksyon.
"It's a prank!" Sigaw nung dalawa sa likuran nya at tumawa ng tumawa, ngumiti naman ako dahil sa kakulitan nilang dalawa. Napatingin ako kay Nics na nasa harapan ko.
"Hey" pinat ko ang ulo ni Nics "hindi ka manlang ba--" napatigil ako nang kuhanin nya ang kamay ko na nasa ulo nya at hinawakan ito bago yumuko.
"Wag mo na akong bibiruin ng ganon" hinigpitan nya ang paghawak sa kamay ko "Nag- alala talaga ako, Leah" Napangiti naman ako sa sinabi nya.
*dug* *dug* *dug*
I felt that crazy hearbeat again.
"Ayos ka na?" Tanong nya at inangat ang ulo nya para tumingin sakin.
"O-Oo" sagot ko. What the hell? Bakit ako nabubulol?
"Hayst" Napangiti sya "siguraduhin mo lang" tumango ako.
"Oy tara na mga bakla, uwian na rin pala" sabi ni Bellu. Napabitaw ako sa paghawak sa kamay ni Nics "Kuhanin lang namin bag natin" hinila nya si Guan at parehas silang bumalik dala dala ang bag namin.
Sabay sabay kaming umuwi. Kwentuhan sila ng kwentuhan habang naglalakad. Taga tawa lang naman ako dahil sa kulitan nila. Sila din ang nag dadala ng mga gamit ko kaya feeling reyna ako dito.
Nang makarating na sa sakaya ay tumigil na ang dalawa sa paglalakad "Oh Nicolia, ikaw na bahala kay Leah" sabi ni Guan sabay abot ng gamit ko kay Nics. Kukuhanin ko sana ang gamit ko kaso nilayo nila sakin.
"Kaya ko namang dalhin--"
"HEP!" Sabay sabay nilang sabi sakin. Wala akong nagawa kundi ipadala kay Nics ang gamit ko.
"Akin na yang ulo mo" sabi ni Nics sabay tanggal ng benda. Nandito kami sa kwarto nya. Tinignan ko ito sa salamin at may 2 inches din ang haba ng sugat.
"W-Wag!" Sabi ko nang makitang may hawak si Nics na alcohol "Wag alcohol"
"Kailangang linisin yan, Leah" Lumalapit sya sakin kaya wala akong nagawa kundi tumakbo.
"Hoy Leah!!" Hinahabol nya ako habang dala ang cotton buds na may alcohol. Sa kamalas malasan ng buhay, na corner nya ako dahil sumiksik ako sa isang sulok.
Napaupo ako at sya naman ay nakaluhod sa harapan ko. Tinakpan ko na lang ang mata ko gamit ang kamay. Anything but alcohol please.
Lumipas ang ilang segundo at wala pa rin akong nararamdaman na mahapdi sa aking sugat. Tumingin ako kay Nics. Halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mukha nya at ang ramdam ko ang pagdikit ng ilong namin sa isa't- isa.
*dug* *dug* *dug*
♡♡♡♡♡
Wag kayo hindi inabot ng ilang buwan itong update.
#vote
BINABASA MO ANG
The Bekis' Dare (COMPLETED)
Fiksi Remaja- THE QUEER SERIES 1 - A Dare that made two person meet. A Dare that made both of them fall in love. A Dare that made them realize how much they love each other. A Dare that will never separate them forever. The Bekis' Dare.