CHAPTER 3: EYES

1.3K 77 12
                                    

"Ayy mga bakla confirmed!" Bungad ni Guan nang bumalik sya pagkatapos bumili ng soft drinks namin.

Lakas naman ng tilaok ng bunganga ni Guan sabi ko sa isip ko
"Ang alin?" Tanong ko at uminom. Napatingin din si Bellu na curious din sa chismis ng bakla.

"Gwapo nga yung substitute teacher!" Napatalon talon pa ito "Nakasabay ko syang bumili kanina at ang face nya walang open pores!"

Automatic nakinig ng todo ang tenga ko. Hello~ it's about boyzzz~

"Ayy bet!" Tumayo si Bellu at hinila si Guan "Lapain ang teacher!" Lalabas sana sila ng room nang saktong pumasok si Ma'am.

Walang nagawa ang mga bakla kundi bumalik nang nakasimangot sa mga upuan nila. Napatawa nalang ako ng mahina.

"Good morning, class A" bati ni Ma'am Seo sa amin.

"Good morning, Ma'am Seo" bati rin namin at pinaupo nya na uli kami. Inayos nya muna ang mga gamit sa table bago kami harapin.

"So, sinabi naman ata sa iyo ni Mr. Romuel--"

"Miss Romuel, Ma'am Seo" sabi ko kay Ma'am. Ang sakit non! Yung alam nang bakla ka tas MR. pa rin ang tawag sayo.

#bekirights.

"Ok. So kung sinabi na ni MISS Romuel sa inyo," diniinan nya talaga yung Miss "please seat with your partner" nagsi tayuan ang mga kaklase ko at nagpaalam na ako sa mga baklas then lumipat kay Leah.

"Hi, partner!" Bati ko sa kanya pero tinignan nya lang ako at inayos ang salamin nya. Umusod na lang sya then doon ako umupo.

Tumungin ako sa mga bakla at nag sign of the cross sila para daw sa akin.

Natutok ang atensyon ko kay Ma'am "So gaya ng pinasabi ko, gagawa kayo ng Activity, alam ko na pang high school ang pinagagawa ko pero makakatulong sa inyo ito" nagbigay sya samin ng papel.

"Each pair will present a different activity and you'll present it next week, since today is monday, the presentation will be on next monday" binigyan nya kami ni Leah ng papel at kinuha ko naman ito

"Do an inspection at some public cafeteria around our school and make a presentation about it. Be creative and authentic"

"What's written on it?" Sabi ni Leah kaya binigay ko ito sa kanya. She's a genius so isang tingin lang may way agad sya kung paano gagawin.

"Inspection?? There are five public cafeteria surrounding our school" She said, sabi sa inyo eh, isang tingin lang sa kanya yan.

"So ire-rate natin ang bawat cafeteria??" Sabi ko at tumango sya.

"But not just that, first, we will inspect the areas and we'll also take pictures to make our presentation more realistic. Second, we will tell the manager about the result of our inspection and last, we'll come back the other day to check if there's an improvement" she said still emotionless.

Nilista ko lahat ng sinabi nya sa yellow pad.

Chineck ko ang ilong ko kung may something red na tumutulo, baka mamaya nose bleed na ako kay Leah.

"So we'll start after school??" Nag english na rin ako, baka kasi napapag-iwanan na.

Hindi na sya sumagot at tanging tango lang ang natanggap ko.

"ATTENTION!" Sigaw ni Ma'am "Since I'm your last teacher for today, i'll let you go home earlier to plan the activity. Goodbye, Class A"

Umalis na si Ma'am kaya nagsitayuan na ang mga kaklase ko. Napatingin ako kay Leah at nagulat ako ng bigla nya akong hatakin palabas.

Napatingin pa ang mga bakla sakin na para bang naaawa sa kahihinantnan ko at sabay pa silang nagsabi ng AMEN.





























Pagkatapos akong gawing aso ni Leah ay napunta kami sa isang public cafeteria katulad ng plano.

Nauna syang pumasok at sumunod naman ako.

"Welcome Ma'am and Sir--"

Wait. Napa atras ako at humarap sa guard.

"Ako? Sir? I'm a Ma'am" sabi ko etchoserang guard. Sinundan ko agad si Leah dahil ang bilis nyang mag lakad.

Akala mo katangkaran.

Pagtigil nya ay tinignan nya muna ang paligid bago nya ako binalingan at tinuro ang restroom ng mga lalaki.

Agad ko namang nakuha ang point nya at nagtungo sa restroom ng mga boylets at sya naman sa mga kauri namin.

Chineck ko ang kung ano man ang kaylangan i-check at ayon sa sabi nya, take pictures daw para "more realistic" kaya ginawa ko ito.

Pero don't worry, hindi ako na-nantsing ng boylets.

Paglabas ko ng mens nag-aabang na si Leah sakin. Nilahad nya ang kamay nya na nagpakunot noo sakin "Pictures" sabi nito.

Nakuha ko uli ang point nya at binigay sa kanya ang phone ko. Tumango tango naman sya habang tinitignan ang pictures bago ibalik ang phone ko.

"Let's roam around here and meet at the counter after 10 minutes" sumang ayon naman ako sa kanya then nagpunta sya sa kabilang side.

Pasimple kong tinitignan ang ilalim ng mesa o upuan para ma imbestigahan.

After that, sinabi namin sa Manager ng cafeteria ang result ng first day inspection then rumampa kami sa iba pang cafeteria.
























6:32 pm na kami natapos kakaikot sa 5 public cafeteria at ngayon, parehas kaming pagod na nasa loob ng convenience store.

"Oy Leah, noodles and juice" binigay ko sa kanya ang pagkain at tumango lang sya.

I think i'll take that as a 'thank you'

Wala na akong energy makipag usap o mangulit sa kanya kaya inubos ko nalang yung sandwich ko. Kapagod kaya no!

Sa gitna ng pagkain namin ay nagsalita sya.

"Why did you pick me as your partner for this activity?"

Nabigla ako sa tanong ni Leah. Napatingin ako sa kanya at  nakatingin sya sa labas habang nainom ng juice.

"I don't know, I just did" I know I lied to her. Tumingin sya sakin pero umiwas ako.

"You just did??" She chuckled at tumingin uli sa labas at napa sigh.

"But thank you for approaching me" sabi nya then tuluyan nang humarap sakin "For the first time in my college years, I felt like I'm no longer a loner inside that classroom I've been calling hell" sabi nya.

I looked straight at her. Ngayon ko lang nakita na emotionless ang mukha nya pero may kakaiba sa mga mata nya.

It's the pair of eyes that you show when you're....

Happy.

♡♡♡♡♡

HEHEW!! SO MARAMI AKONG BABAGUHIN AS YOU CAN SEE IBA NA YUNG WORDS (KAYA NGA UPDATED VERSION)

PLEASE VOTE TO HELP YOUR YOUNG AUTHOR (HEHEW)

VOTEEE💜

The Bekis' Dare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon