CHAPTER 31: FIRST

777 44 7
                                    

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nanggaling sa nakabukas na bintana. What a good morning...

Charot.

Nagising ako dahil sa sigawan ng kung sino sa loob ng aming kwarto.

"WHY ARE YOU SLEEPING BESIDE ME?!" Napamulat ako at nakita ko si Gied na nakatayo at gulo gulo pa ang buhok.

"Sleeping beside me pinagsasabi mo dyan?!" Sigaw pabalik ni Guan "HOY! Magkakadikit ang kama natin!"

Napatingin ako sa mga kama namin. Guan's right, inayos siguro nila kagabi tapos doon sa extra space nakalagay ang mga gamit namin.

"What the f**k!" Napamura na lang si Gied at pumasok sa na sa bathroom. Napaka bugnutin talaga ni Gied.

Napaupo na lang ako at nilingon si Bellu na mahimbing na natutulog. Nahilik hilik pa.

Patayo na sana ako nang nakita kong medyo gumalaw si Leah na nakataklob ng kumot ang buong katawan.

'Likot naman matulog nito' Sabi ko sa isip ko dahil nahulog na ang unan nya at lumitaw na yung half part ng katawan nya sa kumot.

Napailing-iling nalang ako at lumapit sa kanya. Since magkatabi na naman kami dahil magkadikit ang mga kama namin, inabot ko nalang ang unang nahulog nya at dahan dahang inangat ang ulo nya at nilagay ito doon.

Napatawa pa nga ako dahil wala manlang syang naramdaman nung ginawa ko iyon. Kinuha ko rin ang kumot at tinakpan ang buong katawan nya.

Sobrang lamig kasi dahil may aircon na nakabukas kaya halos balot na balot na kami dito.

Since hindi naman kami nakapag swimming kahapon, ayun ang balak namin ngayon. Ang sabi ni Ma'am ay magkikita kita kami sa kubo namin ng 5 pm sharp.

Inabot ko ang phone ko at tinignan ang time, it's 3:4 9 pm kaya may oras pa ako para maghanda.

Sakto naman nang lumabas na si Gied sa bathroom at humiga sa kama nya at nag cellphone kaya pwede na akong pumasok at maligo.

Kinuha ko ang bag ko at dumaretso sa loob. Nag play narin ako ng music kasi ganoon ako maligo. Masyadong boring pag walang music.

Inabot lang naman ako ng 15 minutes bago matapos then nagbihis lang ako ng white V neck then black beach shorts.

Pagkatapos noon ay lumabas na ako at tulog na ulit silang lahat. Lampas 4 pm na rin kaya napag isipan ko na um-order na ng pagkain para sa aming apat.

Bumaba ako at nagpunta sa isang restaurant. Nag take out ako then bumalik na agad sa kwarto. Binuksan ko na ang mga kurtina para maliwanag. Kinalabit ko na si Gied

"I'm not sleeping" Sabi nito at biglang tumayo. Nagulat pa ako nung una pero binigay ko rin ang pagkain nya sa kanya "Well, thanks"

Sinunod ko naman itong baklang Guan na kung matulog ay parang yung logo ni Michael Jordan. Inalog-alog ko ang binti nya pero hilik lang ang narinig ko.

Pinalo ko sya ng pinalo ng pinalo sa braso kaya napabalikwas sya ng upo. Agad nya akong hinabol ng sampal pero nakapunta agad ako sa kama ni Bellu.

Buti pa si Bellu, sobrang dali gisingin. Isang tawag ko lang sa kanya sumagot agad sya, di katulad ni Guan.

Lastly, si Leah na halos hindi na mahiwalay sa kumot. Hinila ko ng hinila ang kumot at tagumpay naman ako pero napaupo ako sa sahig kaya sumakit ang puwetan ko.

"Leah..." tinapik tapik ko ang kamay nya "Uy..." gumalaw sya at humarap sakin.

Napaiwas ako ng tingin nang bigla syang dumilat nang tinititigan ko sya at nagkunwaring nagse-cellphone sa tabi nya.

The Bekis' Dare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon