"NICOLAS' POV"
May isang oras ko na atang hinahanap ang phone ko pero hindi ko parin makita. Nasaan na ba yun?
Syempre kinakabahan na ako, baka nawala talaga yung phone ko. Wala pa akong pamalit doon. At malamang hinahanap na nila ako sa kubo.
Sobrang layo na ng nararating ko. Nakapunta na ako sa bar, hotel, food stalls, restaurants, shops, saka bumalik pa ako sa kubo pero wala talaga.
Ngayon ay sa beach ulit ako naghahanap. Baka sakaling nag su-swimming pala yung may hawak non pero hindi ko napansin.
*ring* *ring*
May narinig akong nag ri-ring na phone at katunog ito ng ringtone ko. Sinundan ko ang tunog at dinala ako nito sa isang babae na nakatalikod.
"Miss, excuse me" Humarap sya sakin at hawak nya nga ang phone ko. Nakahinga ako ng maluwag.
"Phone ko yan" sabi ko at hinarap sa kanya ang ID ko bilang identification. Hinawakan nya ang ID ko at tinignan ako from head to toe.
"So..." Sabi nito "You're a student in that school" Tumango ako. Why? Duda ba syang akin yung phone na hawak nya? "And the same class" Ngumisi sya.
Nakita kong natawag pala si Leah sa phone ko kaya gusto ko iyon sagutin pero pinatay nung babae. May tinaype sya sa phone ko at tumingin sakin.
"Rossane Yuiko" sabi nya.
"What?" Tanong ko. Pinagsasabi nito?
"Urgghh" Nilahad nya ang kamay nya "My name is Rossane Yuiko" Tinanggap ko ang kamay nya kahit naka kunot noo "Nice to meet you, Nicolas Romuel"
Inabot nya na sakin ang phone ko at nakita kong natawag ulit si Leah. Agad kong kinuha ang phone mula sa kanya kaya umalis na ang babae. I have a bad feeling about that woman.
Pagkasagot ko ay agad akong napalingon sa nilakaran ng babae.
Nanlaki ang mata ko nang may 2 meters lang pala ang layo namin ni Leah at nakita ko din na hinead to toe nya yung babaeng kausap ko kanina.
Pagkatapos noon ay humarap sya sa gawi ko "Leah" Pagtawag ko sa kanya sa call "Kanina ka pa dyan?"
Buong akala ko ay sasagot sya pero binabaan nya lang ako at may kinausap sya uling bago. Maglalakad na sana ako palapit sa kanya pero naglakad na sya palayo.
"Leah!" I called her pero hindi sya lumingon. Sakto naman na may nag marcha na mga bantay ng beach sa harapan ko kaya lalong nawala si Leah sa paningin ko.
Naisip ko na bumalik na sya sa kubo kaya dali dali akong naglakad papunta doon pero bigo ako, wala sya doon "Here comes Mr. Romuel" pang-aasar ni Gied pero hindi ko sya pinansin.
"Nakita nyo si Leah?" Tanong ko agad sa kanila. Tinaas ko ang buhok kong sagabal.
"Ay hindin bakla" Sagot naman ni Bellu "Hinahanap ka non kanina eh"
"Pero nagkita kayo?" Tanong ni Guan at tumango ako "Kaya pala tumawag sya sakin"
"Anong sabi?" Humarap ako kay Guan pagkasabi nya noon.
"Sabi nya sakin na nakikipag landian kalang naman daw kaya wag ka na namin hanapin" Sabi ni Guan kaya napakunot ang noo ko. Huh?
"Nakipag landian?" Napaisip tuloy ako "Hindi ako nakipag--"
Alam ko na! Baka yung tinutukoy ni Leah ay yung babaeng kausap ko kanina. Akala nya ba hiningi ko yung number non?
"Shit" Napasabunot ako sa aking sarili at biglang umalis. Hahanapin ko pa si Leah.
BINABASA MO ANG
The Bekis' Dare (COMPLETED)
Novela Juvenil- THE QUEER SERIES 1 - A Dare that made two person meet. A Dare that made both of them fall in love. A Dare that made them realize how much they love each other. A Dare that will never separate them forever. The Bekis' Dare.