CHAPTER 41: SAVED

529 34 1
                                    

"NICOLAS' POV"

Grabe.

Hindi ko ma describe kung gaano ako kasaya ngayong araw. Una, nanghingi ako ng advice kanila Gia at Gied and then sinundan ko sya, for the second, I thought na may kasama sya na lalaki pero bakla pala and then boom! Nililigawan ko na.

Nabigla ako sa mga nangyari, ang bilis eh. Nililigawan ko na agad sya? Baka naman next time eh...

Girlfriend ko na?

Sheeeeeeetttttt!

Ngiting aso akong pumasok sa loob ng bahay namin at naupo sa dining table "Oh?" Si Mom pala "Gusto mong kumain?" Umiling ako.

"Bakit??" Naupo na rin si Dad kasabay ni Gia "Hindi ka.ba gutom?" Tumango lang ako kahit na tulala at ngiting aso parin.

"Diet ka ba kuya?" Umuling na naman ako "Mukhang alam ko na kung saan to kumain"

"Saan?" Tanong ni Mom at Dad ngumisi naman si Gia.

"Somewhere kasama si ate Leah" Sumubo na si Gia at ako naman ay napatakip ng mukha. Hindi ko na mapigilang mapangiti ng todo.

"At bakit ha, Nicolas?" Nakapamewang na tanong ni Mom. Si Dad naman ay nakatingin lang samin "Ayaw mo ba ng ulam natin?"

"Ehh kasi naman mom, kanina nanghingi ng advice yan si kuya sakin" Paliwanag ni Gia kaya napatingin sila sa gawi nito.

"What advice?" Tanong ni Dad sabay kain ng kanyang pagkain.

"Ang tanong nya ay kung paano magkakabati ang mag jowa pag nag-aaway" Napatigil sila sa sinabi ni Gia "When he went out, I saw him talking to Gied about ate Leah and not so long after that, he went to the bus station"

"Jowa?" Kunot noo si Mom na humarap sakin "May boyfriend kana, Nicolas?" Umiling ako.

"Boyfriend?" Napatawa ako sa sinabi nila. Akala siguro nila, bakla pa rin ako "No way, mom"

"Eh ano?"

"Si kuya, hindi na yan Bakla" Singit na naman ng kapatid kong daldal ng daldal. Magsasalita pa ako eh.

"WHAT?!" Sabay na sigaw ni Mom at Dad bago humarap sakin "Rotoo ba?"

"Hindi nyo alam?" Ngumiti ako sa kanila pero nilakihan lang nila ako ng mata.

"YAAHH!" Bigla nalang tumakbo si Mom at niyakap ako kaya muntikan pa akong matumba sa kinauupuan ko "MAY BABY BOY NA ULIT TAYO!"

"Mom.. I c-can't breathe" Kumawala na sya nang sinabi ko iyon. That was a near death experience.

"Sinong dahilan ng pagbabago ng binata ko?" Excited na tanong ni Mom sakin at naupo sa tabi ko.

"So..." Umupo naman si Dad sa tapat namin at nakinig sa mga sasabihin ko "There's this girl, I met her months ago"

"Then?"

"And I'm experiencing sudden change sa sarili ko, from gay to guy" Paliwanag ko ulit at tutok sila sakin.

"And?"

"And I like her" Maikli kong sagot bago muling tumili si mom. Seriously? Ilang taon na ba si mom? 16?

"Mom! Stop acting like a Teenager!" Sabi ni Gia habang tinatakpan ang tenga nya dahil sa tinig ng boses ni mom.

"Who?" Napatigil kami nang nagsalita si Dad na nakatingin sakin ng daretso "Who is she?"

"Oo nga, sino ba?" Tanong din ni Mom at ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi ipahalata kung gaano ako kasaya.

"Si Leah po" Nang sinabi ko iyon ay parang sasabog sa kilig si Mom pero hindi nya lang pinapahalata dahil hindi pa nag re-react si Dad.

The Bekis' Dare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon