CHAPTER 42: WRONG MOVE

550 36 19
                                    

Pagdating ko ng bahay ay wala na doon si Rossane. Mabuti naman. Naihatid na siguro ni Gied and knowing him, malamang nakailang mura pa yun bago umalis.

Ang epic din ni Rosanne no? Hindi nya talaga ako titigilan hangga't hindi nya ako nakukuha. What's wrong with her? Is she a pedophile?

Well if that's the case, too bad she doesn't have a single chance.

Agad akong pumasok ng kwarto para matulog kahit 30 minutes lang dahil 6 am lang ng umaga. Sobrang inaantok pa ako dahil sa pang iistorbo sakin kanina.

Sumilip ako sa bintana, baka sakaling makita si Leah pero tingin ko ay natulog ulit yon, buti nalang at hindi nya ako nakita kanina.

I lay down on my bed hanggang sa makatulog na ako.
































*RINGGGG* *RINGGGG*

Napakamot ako ng ulo nang nag ring ang phone ko pangalawang beses ngayong araw, baka si Rossane na naman ito.

Agad kong kinapa ang phone ko at sinagot ito "Hello?"

"Good morning"

Napabalikwas ako ng upo nang marinig ko kung sino ang natawag "Naistorbo ko ba ang tulog mo?"

Umiling ako kahit hindi nya naman makikita "H-Hindi no" kinlear ko ang boses ko "Kanina pa ako gising"

"Hmmm" mukhang naniwala naman sya "Nakita mo ba si Insan?"

"Si Gied?" Umoo sya "H-Hindi eh" pagsisinungaling ko. I'm sorry Leah.

"Baka nag club na naman yung siraulong yun" Napatawa sya ng mahina.

"Umm Leah?" Tawag ko sa kanya.

"Hmmm?"

"Puntahan kita dyan within 40 minutes" Sabi ko na medyo ikinagulat nya "We need to review for tomorrow"

"Oh right" Sagot nya "See you later then" And binaba na namin ang call.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Hindi na ako nagpaalam pa kanila mom at dad dahil wala naman na sila sa bahay.

"Gia!" Sigaw ko dahil sobrang lakas ng music nya. Excuse me hindi lang ikaw ang tao rito sa bahay.

"Wae?" Ha? Ano daw? Hindi ako marunong mag hangul eh. Need translator.

"Wae-Wae ka dyan! Hinaan mo music mo!" Sobrang lakas kasi and puro k-pop pa. Not that i'm anti-fan but it's too loud.

She's multi-fan. She's an Army, Blink, Shawol, Moa, Once and many more. Unlike me na loyal kay Daniel.

After ng mga ginawa ko, agad kong tinahak ang daan papunta kanila Leah at pinindot ang doorbell. Medyo natagalan pa nang may nagbukas.

"Good to see you!" Bungad sakin ni tita "Come in!" Ngiti akong pumasok ng bahay nila.

"Si Leah po?" Tanong ko nang paupuin ako ni tita sa living room nila.

"Nasa kwarto nya" Nilapagan ako ni tita ng juice "Pero pababa na din yun" Tumango tango ako. Inabot din ng 10 minutes ang pag-aantay namin ni tita kay Leah nang bumaba na ito.

"Ikaw talaga!" Bungad ni tita kay Leah at pabirong pinalo ito sa kanyang braso "Bakit ang tagal mo? Kanina pa si Nicolas dito"

"Hindi! Ok lang po" Ngumiti ako "10 minutes lang naman"

Tinignan ako ni tita bago ngumiti "Tignan mo, ang bait na bata" Mahina syang tumawa "Kung ako sayo, sasagutin ko na sya"

"Mom!" Saway naman ni Leah "kahapon pa lang sya nagsimulang manligaw, sagot agad?" Bulong ni Leah pero narinig ko naman.

The Bekis' Dare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon