NICOLAS'S POV
Step 1, Pak!
Step 2, Perfect!
To the right, Suave!
To the left, Twirl!"Good morning, Sir!!" Bati ko sa teacher naming may wala ng buhok sa ulo "bagong shave tayo ngayon ah!!"
Napahawak naman ito sa baba nya "bumata na ulit ang itsura ko no??" Sabay kaming napatawa
Baliktad na talaga ang mundo ngayon at apektado pa ang buhok ni Sir
Biruin mo, nasa baba na ang buhok nya wala na sa ulo
Joke lang labyu Sir *wink*
Sinuot ko uli ang earphones ko bago pumasok sa loob ng school namin. Medyo maaga pa kaya kaunti palang ang estudyante
Napatigil ako sa paglalakad nang nasa harapan ko si Nerdy Leah. Dahan dahan akong lumapit sa kanya para alamin kung bakit ang bagal nyang maglakad
Aba...
Mukhang nagustuhan nya ang librong inirekomenda ko sa kanya
Naki basa ako sa likuran nya kaya parehas kaming walking in the moon light sa sobrang slow motion
Aruy!! Eto na pala yung paalis sila papuntang space para---
Mother nature!!
Habang busy ako sa pagbabasa ay napalingon sa gawi ko si Leah at ang lapit nalang ng mukha namin
Walang galawan, walang hingahan kaming dalawa ni Leah. Parehas kaming gulat at hindi makagalaw na para bang naka pako ang mga paa namin sa sahig
"NICOLIA!!!"
Lumipas ang ilang minuto nang may biglang dumamba sa likuran ko na naging sanhi para mapa abante ako. Dahil doon, lalong lumapit ang mukha ko sa mukha nya
Yahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!
Mabilis na napa move ang upper body ko sa left side at sya naman sa right side
buti nalang nakaiwas kaming dalawa kundi... goodbye first kiss
Mahal pa ako ni Mother Nature
"NICOLIA!!!" Niyakap ako ni Guan at Bellu. Nakahawak ako sa mga locker para ma-balance ang sarili ko at hindi matumba
"B-BABA!!!!" Sigaw ko at biglang umubo. Nakapulupot kasi ang braso ni Guan sa leeg ko
"Hahaha..." So ayan lang ang nagawa ni Leah, tinawanan nya lang ako na ngayo'y nasa ground na at dinaganan na nila Guan at Bellu
"Class please pay attention" sabi ni Ma'am Seo at nanahimik naman ang buong klase "we don't have class for the whole day today because of a sudden meeting for us teachers"
Dahil mga typical students lang kami na gusto ng walang klase, naghiyawan ang mga classmate ko at mahina naman akong napa 'yesh'
"BUT!!"
Mabilis pa sa isang segundo na nanahimik ang mga kaklase ko at nagawi kay Ma'am "dito lang kayo sa Campus at bawal lumabas ng School"
"Makakaasa po kayo!!" Sabi nung isa at nagpaalam kay Ma'am bago lumabas kasama ng mga kaibigan nya
Napailing nalang si Ma'am at tumungin sa relo nya "i'll be back later, class" at nagpaalam na si Ma'am
"Baklas!! Saan tayo??" Parang kabute na sumulpot si Guan sa tabi namin. Nagka tinginan kami ni Bellu
BINABASA MO ANG
The Bekis' Dare (COMPLETED)
Dla nastolatków- THE QUEER SERIES 1 - A Dare that made two person meet. A Dare that made both of them fall in love. A Dare that made them realize how much they love each other. A Dare that will never separate them forever. The Bekis' Dare.