CHAPTER 10: POST

846 47 11
                                    

"Bakit mo ba ako pinag tatawanan??"

Tanong nya nang hindi pa rin ako tumitigil kahit na ilang minuto na ang nakalipas

Pinigilan ko ang tawa ko "Sorry--ehem--kasi naman hindi ko lang in-expect"

Kumunot ang noo nya "in-expect ang ano??"

"Na iiyakan mo ng todo yang story" napatawa na naman ako pero this time, medyo binabaan ko ang volume

Tinuro ko ang luha nya "Mas umiyak ka pa sakin kaysa nung binasa ko yan"

Pinunasan nya ang mga luha nya at tinignan ako ng masama "Ayoko na magbasa!!" Mahina nyang tinabig ang libro

"I wanna lay you down--" tinakip nya ang palad nya sa bibig ko para pigilan akong kantahin ang bed of roses

"Testing mong kantahin yan!! Makakatikim ka sakin!!" Sabi nya sabay subo ng dalawang piraso ng Siomai

"HAHAHA!!" Tumawa nalang ako. Actually kanina pa ako natawa eh

Buhay ng 'birdie' ko ang nakatala dito pero sorna, hindi ko mapigilan ang magtawa

Ipagamot na lang ang birdie

"Kainis ka Nics, nakakaiyak pala yung Taste of Sky tapos hindi mo manlang ako ininform" parang nagmumukmok na batang sabi nya

Napa taas kilay ako "Edi hindi na exciting pag sinabi ko sayo" dahil sa sinabi ko, sumama ang tingin nya at kumain nalang ng siomai

"Katawa ka kamo Leah, isip bata ka kumilos ngayon"

Pumasok tuloy sa isip ko na bigyan ng ice cream, donut, candy, teady bear, headband, chocolate, biscuit, mikmik, boy bawang, potchi etc itong si Leah

Para kasi syang 5 years old

sa sobrang tuwa ko, napayuko ako at pinagpapalo ang lamesa. Pag angat ko ng tingin sa kanya, nawala ang ngiti ko

Ang sama ng tingin nya sakin. Para bang isa lang akong saging na brutal na binabalatan

Tinanggal nya ang salamin nya at pinunasan ang mga mata nyang namumula

"Bakit?? Aasarin mo na naman ba ako??" Biglang sabi nya kaya bumalik ako sa sarili ko

"Ha?? Hindi na" Nag iwas ako ng tingin

"Hmmm buti naman" sabi nya sabay punas ng salamin nya

Hindi kona naalis ang paningin ko sa kanya habang ginagawa yon

Kahit namumula yung mga mata nya, hindi na sya emotionless katulad nung una ko syang nakausap

Mas bagay sa kanya walang salamin, pero hindi nya naman ikinapangit yung salamin

50/50 kung tawagin

"What??" Tanong nya ng mapansin nyang nakatingin lang ako sa kanya

Nilapit ko ang mukha ko ng kaunti at sinuri ng maigi ang mukha nya

'Maganda pala si Leah' bulong ko sa sarili ko

"Ano yun?? May narinig ako" napaiwas ako ng tingin

Shemay!! Narinig nya ata!!

"W-Wala akong sinasabi" nakatingin ako sa ibang dereksyon dahil sa hiya

Sinusundan nya ang mata ko "Wehh???" Nang e-echos si Leah habang pino poke yung tagiliran ko

"Wala nga.." iniiwas ko ang katawan ko pero makulit talaga "wala talaga--" pag harap ko sa kanya, mukha nya agad na nakangiti ang bumungad sakin

The Bekis' Dare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon