CHAPTER 18: 3 DAYS

764 49 0
                                    

*toot* *tootoot* *toot*

Nang narinig ko ang tunog ng alarm, kinuha ko agad ang phone ko at pinatay ito.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Bumungad agad sakin ang sinag ng araw mula sa bintana sa tapat ng study table ko. Mukhang nalimutan kong isara kagabi.

Kinusot ko ang aking mata bago dahan dahang tumayo para isara ang bintana. Buti walang masasamang tao sa lugar na'to.

Hinawakan ko ang handle pero nang isasara ko na dapat, nakita ko si Leah.

"After that, pwede kana uling umalis sa tabi nya like you used to do before, ignore her"

Nag flashback bigla sakin ang sinabi ni Guan kahapon. Ang naaalala ko lang ay nakatulog ako habang iniisip ko ang mga katagang iyon.

Ano kayang magiging reaksyon nya pag nalaman nya? Kakausapin nya pa rin ba ako? Magiging komportable pa ba sya pag kasama ako?

"Hey!" Napatigil ako at napatingin sa harapan ko. Nakita kong nakaway sya sakin. May ngiti sa labi nya habang ginagawa ito.

Ngumiti din ako at bahagyang kumaway sa kanya. Naaawa ako kay Leah kasi feeling ko sa buong mga oras na kasama ko sya, puro kalokohan lang lahat.

Nagpaalam na sya at ganon din ako. Sinara ko ang bintana at napatulala sa hangin Kahit anong gawin ko ay hindi pa rin talaga nawawala ang guilt na nararamdaman ko.

Hanggang sa pagligo, laman pa rin ng isip ko kung paano sya magre-react.

Ganoon din sa pagkain, matamlay ako and that's very unusual. Tinitignan ako nila Mudra at Dadey, isama mo pa ang tingin ng kapatid ko. Buti na lang hindi sila nagtatanong kung bakit.

Hinatid ako ng Dadey ko sa school bago sya pumunta ng trabaho. Lutang na naman ako. Para bang kumikilos mag-isa ang katawan ko habang naglalakbay ang isip ko.

"Nic, may sakit ka ba?" Lito akong tumingin kay Dadey. Pinarada nya ang kotse sa tapat ng school namin bago lumingon sakin "Gusto mo bang pumunta sa ospital?"

Umiling ako "Wala, Dadey" Sagot ko at tinanggal ang seatbelt "Inaantok lang ako. Pinanood ko ulit yung movie ni Daniel kagabi" Pagdadahilan ko at tumango tango naman sya.

He rubbed my head "If you need anything, just message me, ok?" Ngumiti sya at napangiti din ako "Go on then"

Tumango ako at bumaba ng kotse. Nagpaalam na ako at dumaretso na sya sa trabaho.

Di kagaya ng nakasanayan, tahimil lang akong pumasok sa school. Habang naglalakad, napadaan ako sa clinic at agad akong napatigil nang may humarang sakin.

"Excuse me--"

"Nics" Napaangat ang tingin ko nang marinig ko ang pamilyar na boses "Hindi nila nakita yung salamin ko" Mahinang reklamo nya sakin.

Inalis ko muna ang gumugulo sa isip ko at hinarap si Leah "Ayaw mo no'n" Sabi ko sabay ngiti sa kanya "Wala nang nakapatong dyan sa ilong mo" Sabi ko pero sumimangot lang sya.

"Ayaw ko nun" Napa pout sya "Hindi ko makikita ng malinaw ang nakasulat sa board! saka backbencher pa naman tayo"

Mahina akong ngumiti "Edi ididikta ko sa'yo"

Napataas ang kilay nya na para bang hindi naintindihan ng maayos ang sinabi ko.

Hinila ko sya papunta sa room at wala naman syang nagawa kundi sumunod. Nang nasa tapat na kami ay bigla syang tumigil kaya napatingin ako sa kanya.

Alam nya na nagtataka ako kaya agad syang sumagot "Ayokong pumasok" Sabi nya kaya napaharap ako sa kanya ng may kunot sa noo.

"Magka-cutting ka?" Mahina syang tumango "Bakit naman?" Tanong ko at napa bugtong hininga sya.

"I know it's not really a big deal but wala akong salamin" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya "Can i?"

"Ayaw mo talaga pumasok?" Tumango tango sya "Let's say na pinayagan kita, saan ka naman tatambay?" Napaisip sya sa tanong ko "Papayagan kita kung ipapakita mo sakin kung saan"

Ngumiti sya "Let's go. I know a place"





























"Wow" Sabi ko habang nakatanaw sa view dito sa pinakatagong part ng school namin "Paano mo nahanap to?" Bahagya naman syang tumawa.

Pinikit nya ang mga mata nya nang humangin "Mahilig akong maglaboy dati para maghanap ng place kung saan magandang magbasa ng book" Sabi nya at nilibot ko ang paningin ko sa paligid.

Bago kami mapunta rito, dumaan muna kami sa matataas na damo at meron pang malaking puno kaya hindi kami kita dito.

"Nice, tapos mahangin pa" Sabi ko at umupo naman sya sa tabi ng puno at sumandal dito.

"You should go back. I'll stay here" Tumingin sya sakin "Ikaw na bahalang magsabi ng reason kung bakit wala ako"

Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang pangalan ni Bellu sa contacts.

"We won't go to class. Make something up as an excuse"

*message sent*

Umupo ako at pinikit ang mata ko. There's so much going on in my head lately. Cutting class every once in a while won't hurt.

Mahina namang napatawa si Leah. Mukhang na-sense nya na wala din akong balak pumasok.

"Nics" Tawag nya kaya bahagya akong napatingin sa kanya. Nakapikit sya habang akap ang mga tuhod nya.

"Why?" Tanong ko at sumandal uli.

"Anong feeling maging famous?" Napakunot ang noo ko dahil sa tanong nya.

"What do you mean?" Umupo ako paharap sa kanya na nakapikit pa rin.

"You know, sikat kayo nila Guan at Bellu so ano feeling?" Napailing ako sa sinabi nya.

"Don't know" Napansin ko na lang ang sarili kong nakatitig sa kanya habang sya ay nakapikit pa rin habang dinadama ang sigat ng araw na tumatama sa mukha nya.

Ano kayang mangyayari kung iiwan ko si Leah? Magiging ganito pa rin ba ang turingan namin sa isa't-isa?? Masaya pa rin ba kami? Magtitiwala pa kaya sya sakin?

"Leah" I called her name "May tiwala ka ba sakin?" Tanong ko at dinilat nya ang mata nya at tumingin sakin. Ngumiti sya.

"Oo naman"

Those words. lalo akong nakaramdam ng guilt dahil sa sinabi nya.

"S-Salamat..." sabi ko at ngumiti nang bahagya. May mahabang katahimikan at natulala lang ako habang nakatingin sa kanya.

Pano kaya kung hindi na kami nag dare nila Bellu at Guan noon, magiging ganito ka-close ko ba si Leah? Malalaman ko kaya kung sino talaga sya?

Sobrang daming katarungan sa utak ko na gusto kong masagot pero wala. Gusto ko rin sabihin sa kanya pero ayoko syang magalit.

Ilang minuto pa ang lumipas ay napatingin ako kay Leah na halos mabali na ang leeg. Nakatulog na pala sya.

Dahan dahan kong binaling ang ulo nya sakin. Pinatong ko ang ulo nya sa hita ko.

Nakatingin lang ako sa kanya habang sya naman ay tulog na tulog sa hita ko. Napa bugtong hiningga na lang ako.

"Pag inamin ko sayo yung nagawa ko, wag kang lalayo ha? Napalapit na ako sayo kaya wag mo akong iwan, Leah"

♡♡♡♡♡

YEY!!! AN UPDATE!! (Insert party poppers) It's been approximately a month i guess? Since the last update? I dunno hehe

Guess what??? HAPPY 1.19K READS!!!!!!!!!!!

WOW! 1K+? 1K+?! THANK YOU SO MUCHHHHHHHH!!! MUAHHHHHHH!!!

I'll do my best to post more updates!!! Adios!!

-Alian

The Bekis' Dare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon