Kanina pa kami nandito sa room kung saan kami nag ii-stay. Inabot kami ng gabi kakakanta kanina kaya medyo late na kami nakabalik.
Inayos ko lahat ng gamit ko at lumabas ng bathroom. Kakatapos ko lang din maligo at halos silang lahat ay nasa baba pa. Habang nasa bathroom ako kanina, narinig kong pinatawag sila ni Ma'am Seo kaya walang tao rito maliban sakin.
Dahil wala akong magawa, tumambay muna ako sa balcony. Sobrang ganda ng view. Night sky, stars, sea and lights. Everything's perfect.
"Hoy, Nicolia" Napa bugtong hininga ako. Perfect na sana kaso nanggulo si Guan.
"Bakit?" Seryoso ang mukha nya nang lumingon ako "Anong meron?" May problema ba tong baklang to?
"We need to talk" Sabi nya, bakit ang seryoso nito? "Don't even think about lying to every question I'm about to ask you" Wow. English.
"Okay?" Umupo sya sa kabilang side kaya napaharap ako sa kanya "About wha--"
"Are you gay?" Napaawang ang bibig ko dahil sa tanong nya. Is he for real? Ano ba namang tanong yan??
"As far as I can remember, Yeah" Straight na sagot ko at napailing sya. Something's definitely wrong with his head.
"No" Umupo sya ng straight "you're not anymore, Nicolas" Sagot nya sa sariling tanong nya habang titig na titig sakin.
"I am" sabi ko at nakipag titigan din sa kanya "Bakit mo ba sinasabi yan?"
"You're too obvious" Napakunot ang noo ko "For you, you're a gay but for me? For what I see and what I feel? You're not anymore" Napailing pa sya.
"What's wrong with you? Why are you saying this to me?"
"Because I'm curious as hell!" Napasigaw sya "You're acting weird these days. You speak like a man, dress like a man, look like a man and act like a man, now tell me, where the hell is the gay one?"
"Calm down, Okay?" Napapikit ako ng mariin "I don't know..."
"Anong "I don't know" ka dyan?" Tanong nya at napayuko ako.
"I am confused as hell" Napayuko ako "Alam kong may kakaibang nangyayari sa sarili ko, may something na mali pero parang tama" Napatitig na lang ako sa table "Remember what you asked me? If I like Leah?" Napa bugtong hininga ako at inangat ang aking tingin sa kanya.
"I do" Lumaki ang mata nya sa narinig "I don't freaking know how or freaking why but I just do and i'm sure about it" Napa bugtong hininga sya.
"Since when?" Tanong nya "Since when did you question your sexuality?" Nakapamewang nyang tanong.
Napausip naman ako "Not a long time ago, I guess" Sagot ko. Actually, hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.
"I'm sure it's when we started the dare" Napatigil ako. Napatango ako ng mahina "You became close to Leah and that's where you've changed"
"I'm still not sure but..." I sighed "Everytime I'm with Leah, I feel different" Napangisi ako.
"Nahulog ka na, Bakla ka" Sabi nya sabay cross arms "Nahulog kana sa love hole"
Tumayo sya at tinap ang balikat ko "May tiwala ako sayo kaya boto ako sa inyo ni Leah" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Wait... What?
After saying that, he left me confused. Boto sya saming dalawa? So okay lang sa kanya?
"O-Okay lang sayo?" Pahabol ko. Lumingon sya at tumango tango. Napatingin kami sa pinto nang may pumasok.
"Gied!" Sinalubong ni Guan si Gied ng isang yakap. Diring diri naman yung mukha ni Gied sa ginagawa ni Guan "Saan ka galing?"
"Like you care" Sabi ni Gied at umalis sa yakap ni Guan at lumabas pagkatapos kuhanin ang phone nya.
"Bebe! Wait for me!" Sabi ni Guan at sumunod kay Gied. Napailing na lang ako at pinunasan ng towel ang medyo basa ko pang buhok.
Tumambay lang muna ako dito sa balcony habang ine-enjoy ang malamig na hangin nang may maramdaman ako sa likod ko.
Lumingon ako at nakita ko si Leah na may dala na dalawang cup.
"Hey" Nilapag nya ang cup sa table. Hot chocolate pala yun "Ayaw mo pa kumain?" Tanong nya.
"Bukas na lang" Sagot ko at binigay nya sakin ang isang cup ng hot chocolate "Thanks"
"Sa bagay" Tumango tango sya "Ikaw lang ang umubos ng pagkain kanina sa kubo" Napatawa ako ng mahina.
"Guilty" Napatawa sya at umiling-iling. Uminom na lang ako ng chocolate "Hindi ka pa matutulog??" Tanong ko pagkatapos uminom.
"Maybe later" Sabi nya "Ganda ng view dito eh" Tumingin sya sa langit na kanina ko pa pinagmamasdan.
"Sobra" Tumingin din ako sa langit "Kaya nga dito ako tumambay eh. So peaceful"
Halos kulang nalang mahiga ako para lang makita ng maayos ang langit sa sobrang tingala ko. Napapikit nalang ako nang marinig ko ang agos ng dagat. Ilang minuto din akong ganoon nang dumilat ako at tumingin kay Leah.
Napatigil ako. Bakit nakatitig sakin to?
"Hey" sabi ko pero nakatitig pa rin sya sakin "Leah" Kumaway ako sa tapat nya kaya bumalik sya sa katinuan "Okay ka lang ba?"
"U-Umm Yeah" Kinuha nya ang hot chocolate nya at uminom nito. Bottoms up.
"Talaga?" Tumango uli sya "Then why were you staring at me like that?"
"N-Nothing" Umayos sya ng upo "I was just confirming something" Tumayo sya.
"Comfirming what?" Humarap ako sa kanya.
"Nothing. I-I need to sleep so--"
"Are you okay?!" Napaluhod ako bigla nang nadapa sya. Nakita kong sumabit pala yung pants nya sa paa ng upuan "Can you walk?"
"Yeah" Sagot sya at inabot yung telang sumabit pero hindi nya abot.
"Let me do it" Sabi ko at tinanggal ang tela. Medyo nahirapan pa ako nung una pero natanggal din "Lets go---"
What the?
Napatulala ako habang nanlalaki ang aking mga mata. Did she just...! Did she just kissed me on my cheeks?! Again?! Hindi ako gumalaw dahil doon.
*dug* *dug*
What the heck is this heartbeat up to? Napatingin ako sa kanya nang lumayo na sya sa pisngi ko. Jusko. Sana kainin na ako ng lupa ngayon.
Tumingin ako sa kanya at ganoon din sya sakin. We stared at each other, walang nagsasalita pero ramdam na ramdam ko yung pagtibok ng puso ko.
Totoo na talaga to, hindi ko na itatanggi sa sarili ko. Gusto ko na sya. Gusto ko na si Leah.
Ngumiti ako nang sumagi sa isip ko na gusto ko na talaga sya. I feel like hindi pa ako na in love kay Daniel Padilla noon.
Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko at hinalikan din sya sa pisngi. Halos kumawala na yung puso ko sa sobrang tibok nang ginawa ko yon.
Napangiti ako nang sya naman ang gulat ang mukha ngayon "What you give is what you get" Sabi ko kaya napaiwas sya ng tingin.
"U-Uhhhh" Sabi nya at tumayo bigla mag-isa "T-Tulog na ako.... night!" Sabi nya at biglang tumakbo pahiga sa kanyang kama.
Napailing-iling na lang ako at sumunod sa kanya. Nahiga na rin ako sa kama ko at sinalpak ang earphone sa tenga ko.
Napangiti na lang talaga ako. Isipin mo yun? Dati lalaki hanap ko pero sa huli, sa babae din pala bagsak ko.
♡♡♡♡♡
I made this yesterday but I ended up sleeping from 5 pm to 8 pm and wasn't able to publish this chapter. I'm very sorry for missing a day! But still, enjoy!
BINABASA MO ANG
The Bekis' Dare (COMPLETED)
Teen Fiction- THE QUEER SERIES 1 - A Dare that made two person meet. A Dare that made both of them fall in love. A Dare that made them realize how much they love each other. A Dare that will never separate them forever. The Bekis' Dare.