CHAPTER 4: BIRDIE

1.3K 66 16
                                    

"Welcome, Ma'am and Sir-- Ma'am" muntikan na naman magkamali yung guard sa pagtawag sakin. Nako! Kung wala akong galang sa ma-edad, lagot ka sakin kuya.

Kinabukasan, parang walang nangyari, she's back from being emotionless. Kakausapin nya ako only kung may sasabihin ako sa kanya then magbabasa uli sya ng libro. She's weirder than I thought.

Nung nag P.E. kami kanina, Si Leah naka P.E. shirt nga, suot naman yung glasses nya saka pag break time magbabasa ng libro. Di mo malaman kung multi-tasking ba ang tamang term para doon.

Hindi talaga mawala sa isip ko yung mga sinabi nya sakin kahapon. Na nag thank you sya dahil sya yung pinili kong partner para sa Activity. Pero para akong na guilty, Dare lang naman talaga yon sakin.

"Hey!" May biglang sumigaw sa harapan ko "You're pacing out"

"Ay sorry naman" sabi ko then chineck uli kung naging maayos ba yung result ng inspection namin kahapon. Kung may improvement kumbaga.

"This one is the worst" sabi ko at sumang ayon naman sya. Kung madumi kahapon, mas madumi ngayon.

"Hey, saan ka pupunta? bakla!" Sabi ko pero dedma lang sa kanya. Sinundan ko nalang sya "Bakla!" Ang bilis naman noon! Nagka-catwalk pa ako eh! Charot~

"Where's your manager?" Nandito kami ngayon sa counter at kinakausap nya ang isa sa mga cashier. Akala ko naman iiwanan nya ako dito, bilis kasi maglakad.

"Wait lang po, tawagin ko lang" Tinawag ng cashier ang boss nila at bumungad samin ang isang bilugang katawan na lalaki.

"Bakit, Miss?" Tinignan nya kaming dalawa ni Leah ng may ngiti sa labi. Akala mo ikina gwapo nya, mukha naman syang pisngi ni Jollibee.

"We would like to assign someone to clean your areas inside and outside your restaurant" ma-otoridad na sabi ni Leah kaya kumunot ang noo ni kuya Jollibee.

"At bakit naman??" Lumapit sya samin.

"Because you're gonna lose some costumers because of your untidiness" wala bang filter ang bibig ni Leah?? Mukhang galit na si Jollibee eh, mapapalaban ata kami ngayon.

"You're not in the position to order us, Ma'am" Naiinis na si kuyang Jollibee. Lumapit sya lalo samin kaya napaatras si Leah na nasa harapan ni Kuya. Humarang ako at sinigawan sya.

"Oy kuya, lampas kana sa base mo!!" Sabi ko sa kanya at kumunot naman ang noo nya "lumayo ka sa base namin!!"

"Tumabi ka nga dyan bakla ka! Naggugulo lang naman kayo dito saka hindi naman kayo costumer!" Tinulak nya ako pero hindi ako napaatras. Aba kuya akala mo weak akesh?? No way!

"Well FYI we're also costumers here and costumers are always right. Pasalamat ka nga na concern kami sa restaurant nyo!" Sigaw ko pabalik. Kulang na lang lagyan ng usok effect sa ilong at tenga nya.

Tinulak nya ako ng pagkalakas lakas kaya parehas kami ni Leah na natumba sa isang mesa kaya natumba ito.

"Y-Yung pwet ko..." sabay hawak ko sa pwetan ko. Tumama kasi sa sahig. Ouch!

"Umalis na nga kayo dito!" Sabi nya then tumalikod. Tumayo ako para turuan ng leksyon etong si Jollibee.

Hinila ko sya pinaharap kaya napatingin sya sakin "Ang sakit non ha!" Sabi ko.

"Ano na naman ba--- OW!!" Naputol ang sasabihin nya. Dahil sa ginawa ni Leah "Hayup kang bata ka--ARAY!!"

*gulp*

Sinipa lang naman nya ang pinaka iniingatang ibon ng mga lalaki kaya namililit si kuya sa sakit.

OMG. Napatakip ako sa birdie ko dahil feeling ko nararamdam ko yung pain.

Don't touch my birdie~
(don't touch my birdie~)























Nandito kami ngayon sa School Library para tapusin ang Activity namin. It's already 7 in the evening pero sige lang ang paggawa.

"Hey, I typed the details and you can check it. I don't know how to edit some of it so you do the editing part" sabi nya then sumandal sa upuan.

Gaya ng sinabi nya, in-edit ko yung iba sa Activity namin. Medyo natagalan ako pero natapos ko naman din.

"It's done na Leah" sabi ko then binalik sa kanya ang laptop nya. Pinasa nya naman ito sa isang USB.

Napa sigh sya "Finally, tapos na" Sabi nya then nag-unat.

Hanudaw??

"Nag tagalog ka??" Sabi ko sa kanya na parang hindi makapaniwala.

"Bakit?? Ilegal na ba??" Sabi nya.

Napakunot ako ng noo "You're weird"

"And your reaction's exaggerated" sabi nya then inayos ang gamit nya.

Sinimulan ko na din ayusin ang gamit ko "English ba first language mo?" Tanong ko at umiling sya.

"Nope. I just feel like I need to speak English" she said.

Ehh??

"Pero wag naman sana lagi parang awa mo na!" Sabi ko at kumunot ang noo nya.

"Why not?" Tanong nya.

Nag pout ako "Baka kasi may tumulong dugo sa ilong ko" napangiti sya sa narinig.

"At isa pa, ang serious mo lagi pero pangiti-ngiti ka na lang ngayon" napatingil sya sa pag ngiti.

"Masama ba? I just feel like a normal student because you chose me to be your partner" medyo na-touch naman ako sa sinabi nya "You're actually the first person to be my partner"

Nanlaki ang mata ko "Seryoso? Walang nag-aaproach sayo? Ni isa?" Tumango tango lang sya.

"Weird right??" Napa sigh uli sya "I had partners before but they didn't cooperate with me. They just want to get higher grades because of my intelligence" sabi nya.

"Then why did you accept my request to be your partner for this?" Ok curiousity kills mga bakla.

"Duh, you're the top 2 so that's why I knew that you don't need my brain for your grades" well, tama naman sya. And by the way, sya ang top 1.

Leah is not the kind of nerd na sobrang pangit sa paningin. (No offense) Like other nerds, she's wearing a not-so-thick glasses but those emotionless eyes made it worse. Laging naka ipit ang buhok, never ko pa syang nakita mag ladlad ng hair saka may bangs sya na halos makatutusok na sa mata nya. Mukha syang good girl pero ang totoo, naninipa po sya ng birdie!

Mag ingat sa birdie killers.

Speaking of Birdie, si kuya na sinipa ni Leah kanina, sinugod sa Morgue-- este sa Ospital dahil sa sobrang lakas ng sipa nya, tawa nga ng tawa yung mga costumers imbis na tulungan sya.

"Nicolia, uwi na tayo" sabi nya then sinuot ang bag nya. Ganon din ako at sabay kaming lumabas ng library.

"Bye Leah, I hope wag kang maging cold towards me after this Activity" sabi ko and nag thumbs up sya.

"I won't kung tayong dalawa lang ang makasama" weird pa ring marinig syang mag tagalog pero keribels na.

"See you tomorrow" nilahad ko ang kamay ko at tinanggap nya naman ito.

"Yeah, take care Nics"

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad sya palayo sakin. Ang bait nya pala, I thought masungit sya pero hindi pala.

Kaya lalo akong na guilty.

Lord, patawad.
Pagkat ako'y makasalanan.
Makasalanang nilalang~

♡♡♡♡♡

Nagustuhan nyo ba?? HAHAHA
#VOTEEEEE

The Bekis' Dare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon