CHAPTER 27: CONFUSED

757 40 4
                                    

"Think about it"

Arrrrgghhhh!

Nandito na ako sa bahay at kanina pa din ako nakasabunot sa sarili ko dahil sa sinabi ni Guan. Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko.

D-Do I like her?

"Shet!" Halos magkagutay gutay na itong unan ko dahil dito ko binubuhos lahat ng sakit sa ulo.

"Ano ba yan, Nak?" Napatigil ako nang pumasok si Mom at naupo sa gilid ng kama ko "Ang gulo tuloy ng kama mo"

"Wala po" Inayos ko ng mabuti yung tinorture kong unan. Humarap sakin si Mom na agad kong iniwasan.

"Hmm?" Napatingin ako sa sahig "I know there's something wrong, Nicolas" Nag cross arms si Mom. Nakaisip ako ng pwedeng idahilan sa kanya.

"Ah! Mom nakalimutan kong sabihin na may trip to Batangas--"

"You told me that more than 10 times after you went home" Napataas ang kilay nya. Napa bugtong hininga nalang ako, iba talaga ang magulang.

"Mom..." Humarap ako sa kanya "I'm.." Huminga ako ng malalim "C-Confused"

"About what?" Lumapit sya sakin. Kita sa mga mata nya ang pag-aalaa.

"M-Myself" napatungo ako.

"Bakit naman?"

"Because I think..." Tumingin ako ng straight sa mata ni Mom "I think... I like s-someone..." Napayuko ako dahil sa kahiyaan. Bakit kay Mom ko ba sinasabi ang lahat ng ito?!

"Well..." Naupo sya ng maayos "I don't see any problem" Ngumiti sya sakin at tinap ang ulo ko "So? What does he look like? Gwapo ba? Matipuno--"

"No Mom.." Pagtama ko "Hindi po sa lalaki"

Napatigil sya sa pag tap sa ulo ko at napalingon naman ako sa kanya. Para bang tumigil ang mundo nya dahil sa kanyang narinig. Nahinga pa ba 'to?

"Gosh!" Napahawak si Mom sa bibig nya "I-Ibig mong sabihin.... sa babae?!" Nakahawak ang dalawang kamay nya sa bibig "A GIRL?!"

"O-Opo" Napasabunot ako sa aking sarili "That's why i'm so confused right now"

"That means..." Nanlaki ang mata ni Mom "You're a real man!" Hinawakan nya ang magkabilang braso ko at inalog-alog ako bago yakapin ng sobrang higpit.

"I can't b-breathe" sabi ko at pinakawalan nya naman ako.

"Sorry, I just!" Napalalakpak sya "Ican't believe it!"

Mahina akong napatawa "The feeling is mutual" Bulong ko.

"So..." Pinaharap nya ako sa kanya "Who's the lucky girl?" Napatigilako. Napatingin ako sa bintana.

"Nevermind" Inalis ko ang pagkakahawak ni Mom sa balikat ko "May boyfriend na sya"

"Is it Leah?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mom. How the heck did she guessed that?! "So it's her" Ngumiti sya ng nakakaloko at tumawa.

"Mom..." Napakamot ako ng ulo "D-Don't embarass me in front of her" She nodded "Besides, i'm still not sure about my feelings"

Lalong lumawak ang ngiti nya "No problem, Son"
































I woke up feeling a little better. After opening up to my Mom yesterday night, nabawasan ang pag-iisip ko. I'm still confused, but things are getting clearer.

Its 3:30 am. Madaling araw pa lang ay nag ready na ako kasi medyo mahabang byahe ang mangyayari papuntang Batangas. Mabilisang ligo to the max then nagpunta na ako sa study table at doon kinain ang ni ready ni Mom kagabi na almusal ko.

The Bekis' Dare (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon