"LEAH'S POV"
"Mr. Romuel!" Gied shouted at Nics who's walking fast all the way to the school bus.
"Stop it" saway ko sa kanya.
"Bakit insan? Tinawanan nya lang ako "Affected?"
"Of course not" Sabi ko at kinuha na din ang gamit ko. Pinark nya ng maayos ang kotse nya at sumunod sakin.
"Mukhang bwisit sakin si Nicolas" Tumawa sya habang napalakpak pa.
"Sira ka kasi" Pinalo ko sya sa braso. Bakit kasi siraulo tong pinsan ko? "Dahil sa ginagawa mo, nagpapagkamalan tayong couple"
"Sweet lang talaga ako" Nag puppy eyes sya.
"Tigilan mo yan" Mahina akong tumawa "Mukha kang asong on drugs"
"Hindi ka talaga sweet" Napakapot sya ng ulo nya "Paano ka magkaka boyfriend nyan?"
Napairap ako "Wala na akong pake! Ayos yon! Matandang dalaga!" Sunud sunod kong sabi sa kanya. Nauna akong pumasok sa bus. Kainis.
"Matandang Virgin!" Narinig kong sigaw nya at tumawa ng malakas.
Medyo nalungkot ako dun sa part na inaasar ni Gied si Nics na 'Mr. Romuel' kaya nag walk out yung sya.
Aaminin kong nami-miss ko rin si Nics. Hindi nawala yun. Lalo na nung iniwan ko syang tulog pagkatapos ko syang alagaan nung may sakit sya at nang magbago ang seating arrangement namin.
Eto ako ngayon, nakaharap sa salamin ng restroom habang tinatago ang glasses ko. Maliligo na kasi kami dahil nagkayayaan na, alangan namang magsalamin pa ako.
Since wala akong alam masyado sa fashion, si Gied ang pinapili ko sa mall at hindi magandang ideya yon.
Beach shorts and pink croptop, not a good idea.
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng restroom. Nandoon si Gied na bihis na, sila Bellu at Guan, saka Nics.
"Bagay sayo te!" Sigaw ni Bellu kaya napatingin yung iba "Work!"
"Ay palaban!" Sabi naman ni Guan at tinignan ako from head to toe "Bakla may nanalo na!"
Tumayo si Gied at iniscan ako "Well" tumingin sya sakin "I should be a stylist from now on" Pinalo ko sya. Ang hangin ng utak nitong lalaking to.
"Lalabas na kaluluwa ko dito" mahina syang tumawa sa sinabi ko.
"You're overreacting" Tumawa na naman sya. Naupo na ako sa tabi ni Nics dahil puro gamit ang kama ko. Umusod naman sya kaya walang problema.
Nag ce-cellphone lang kami parehas habang sina Bellu at Guan ay nagbibihis sa loob. I know na hindi kami ganito. Gusto naming magsalita at kausapin ang isa't isa pero may wall pa rin kahit na ang lapit na namin.
"CHARAN!" lumabas na sila Guan at Bellu. Napalingon ako sa gawi nila na ikinatigil ko. Sobrang ikinalaki ng mata ko ang suot nila.
"AAH!" Napatago ako sa likuran ni Nics dahil sa nakita ko.
"F*CK!" Narinig kong sigaw ni Gied "CHANCE YOUR CLOTHES!"
"YAWA! MAG SHORT NGA KAYO!" Sigaw ni Nics at tumalikod kaya nagkaharap kami. Nakatingin ako sa mga mata nya at ganon din sya sakin.
"Leah, how's our clothes?" Wala sa sarili akong napatingin sa harapan ko at bumungad sakin si Bellu at yung bakat ng 'ano' nya.
"WAAHH!" Naramdaman ko na may tumakip sa mga mata ko. Lord tulong, Lord!
BINABASA MO ANG
The Bekis' Dare (COMPLETED)
Novela Juvenil- THE QUEER SERIES 1 - A Dare that made two person meet. A Dare that made both of them fall in love. A Dare that made them realize how much they love each other. A Dare that will never separate them forever. The Bekis' Dare.