Joyce's POV
Pinapapunta ako ni Kris sa bahay nila. Ano kayang meron?
Sabagay, miss ko na si Tita Lanie tsaka si Tito Dick.
"Ano sis, ready ka na ba?" si Ate Yassi yun. Oo, makiki-epal siya. De joke lang. Sabi kasi ni Kris isama ko toh. Kaya fine, para naman may kasama ako.
"Reading-ready na. Kanina pa. Ikaw nalang iniintay ko." pabiro kong sabi kay Ate.
"Ah ganun? Kapatid ko talaga, ang ganda." Ate
"Sus, mana lang po ako sa inyo." ako
"Nambola ka pa. Ikaw ha, marunong ka na nyan." Ate
"Haha. Hindi naman po yun bola, eh. Totoo po yun." ako
"Tama na nga toh. Tara na kela Kris, excited na ako." Ate
Natawa lang ako kay Ate. Pinuntahan na namin ang bahay nila Kris.
Pumasok na kami agad. Pagpasok namin...
"ATE, ATE! ANDILIM! HUHU!" ako po yan, takot sa dilim. May nyctophobia kasi ako simula nung ikulong ako ng teacher namin nung grade one sa isang stock room ng school. (A/N: Si author din po may nyctophobia [fear of dark])
"Sshh, tahan na, wag ka nang umiyak. Andito lang ako, may kasama ka kaya wala kang dapat ikatakot. Okay ba yun?" Ate
"Okay po." Diyos ko naman. Ako'y kinakabahan dito. Andilim talaga, promise.
"CONGRATULATIONS JOYCE!!!" sigaw yun ng mga studyante ng Tween Academy. Oo, lahat sila andito, nagtatago lang sa may mga bush.
"Hala! Anong ginagawa nyo dito? Tsaka ba't nyo alam?" ako
"Dahil sakin, babe. Ako nag-imbita sa kanila. Congrats sa atin babe." sabi ng isang boses mula sa likuran ko na kahit di ko tignan ay kilala ko na. Si Kristofer.
"Kristofer ..." at nayakap ko siya bigla. Dala na siguro toh ng kaba ko kanina na nakapatay ang mga ilaw.
"Ohwsssssss!" schoolmates yun.
"Oh, bakit ka umiiyak? Anong nangyari sa'yo?" Kristofer
"Sira ka! Natakot ako dun sa pagpatay-patay mo ng ilaw. Takot kaya ako sa dilim." ako
"Sorry babe. Pambawi ko nalang toh sayo." Kris
At biglang may pumila na mga lalaki sa harap namin. Iba't iba ang dala nila. At lahat yun favorite ko.
"At siyempre di pedeng walang manggaling sakin." Kris
At may inabot siya saking isang box na parihaba ang hugis.
"Ano naman toh?" ako
"Open it." Kris
Pagbukas ko, isang couple necklace ang aking nakita. (A/N: Please click on the external link. )
"Wow Kris ang ganda nito. Salamat." ako
"No problem. Anything for you, babe." Kris
May part sa akin na natutuwa, may part din na nalulungkot.
Ginagawa nya ba toh dahil gusto nya, O ginagawa nya lang toh dahil NAGPAPANGGAP kami?
---------
A/N: Help nyo si Joyce na ma-answer yan. Ano sa tingin nyo ang sagot? Hmmm...
Don't forget to vote & comment. Merry Christmas! <3
BINABASA MO ANG
Pretenders or Lovers? (KrisJoy FanFic)
FanfictionSi Joyce Giselle Ching ay isang ordinaryong babae - well, hindi ganung ka-ordinaryo sapagkat isa siyang modelo, pero namumuhay siya ng kapareho lang din ng mga ordinaryong tao. Hanggang sa makilala niya si Kristofer Martin Dangculos, isang lalaking...