Chapter 7

1K 19 0
                                    

A/N: Hai to all! Ang tagal ko ding hindi nakapag-update. Pasensiya na kasi masyado lang naging busy. Bawi-bawi nalang ngayon.

Sana po magustuhan niyo ang update ko!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Joyce's POV:

Andito na si Maam pero hindi pa nagsisimula ang klase. Katabi ko si Kristofer. Ewan ko ba sa lalaking 'to, parang babae kung mag-isip.

"Okay class, Good morning."biglang sabi ni Mrs. Alajar.

"Good morning Mrs. Alajar."

"Okay, sa mga 'di pa nakakakilala sa akin, ako nga pala si Mrs. Gina Alajar. And I am your adviser for the whole year. So, kayo, you introduce yourself in front. Mr Dangculos?"bigla niyang binalingan si Kris na agad namang tumayo.

"Hi, classmates! I am Kristofer Martin Dangculos. I am the son of the owner of this school. I am now 18 years old. Sa mga 'di pa nakakaalam, girlfriend ko nga pala si Joyce Ching."aba, in-announce pa sa mga kaklase namin na gf niya ako! Loko-loko talaga. Sinenyasan niya ako. Tumayo ako at pumunta sa harap.

"A pleasant morning to all. I am Joyce Ching and I am 18 years old. I am presently residing at Butterfly Village. Ako nga pala ang bagong gf ni Kris."ang short ng intro ko, 'no? Hindi naman kasi kailangan na pahabain pa, eh! 

Oh, ano 'yun?! Nagsimula ng magbulungan ang mga kaklase ko. Hmp, bahala sila. Ginagawa ko lang kung ano ang dapat kong gawin.

Kris' POV:

Buti nalang at sumakay si Joyce sa pakulo ko.

"Buti naman at ginawa mo 'yun!"sabi ko, may halong panunukso ang boses.

"Ginawa ko lang 'yun dahil 'yun ang nararapat. Tsaka para makabawi ako sa'yo."

"'Yun lang talaga ang dahilan?"

"Oo naman."

"Talaga lang, ha?"

"Oo, 'yun ang totoo. Napipilitan lang ako."(A/N: mahina lang ang boses nila kaya walang nakakarinig sa kanila.)

Joyce's POV:

Totoo naman talaga, eh! Napipilitan lang lang talaga akong pakisamahan 'tong mokong na 'to.

"Gusto mong halikan kita?"sabi niya na ngumiti na tila nanghahamon.

"Weeh? 'Di nga?"sabi ko. Alam ko naman na hindi niya 'yun gagawin, eh!

"Gusto mo talaga?"biglang sumeryoso ang mukha niya pero di pa rin ako kumbinsido na gagawin niya ang bagay na 'yun.

"Bahala ka! I know you can't do that!"

Unti-unti nang lumalapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Totohanin mo talaga?sabi ko.

"Sabi mo, eh!" sabi niya.

"Uie, ang sweet nila! Kiss!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"kantiyaw ng mga kaklase namin.

Halos magkadikit na ang mga mukha namin...

Hinalikan niya ako sa pisngi. Papaluin ko sana 'yun eh, pero pinanlakihan niya ako ng mata kaya wala akong nagawa.

"Bitin!!!!!!!!!!!!!!!"sigaw ng mga kaklase namin.

"Ayaw niyang pumayag, eh!"sabi ni Kris. May sayad talaga 'tong taong 'to.

"Okay, proceed to the next student."Balik-serious na ulit kami. Sobrang KJ naman kasi nitong teacher namin. Ni hindi ko nga nakita na ngumiti.

Lexi's POV:

Ang sakit ng nakita ko. Ni hindi nga niya ginawa sa akin 'yun sa loob ng 4 na taon naming pagsasama, 'yang babaeng 'yan na kailan lang niya nakilala pa ang nakaranas na mahalikan niya? Napakasakit para sa akin 'yun.

"Hey, girl, okay ka lang ba?"biglang tanong ni Rhen sa akin. "Mukhang kanina ka pa tahimik jan, ah?"

"Girl, baka 'di na talaga ako mahal ni Kris."sabi ko na halos maluha na.

"Hey, girl, 'wag na 'wag kang umiyak dito. Huwag mong ipakita sa kanila na apektado ka. Ang dapat mong gawin, akitin mo uli si Kris para bumalik siya sa'yo."payo ni Rhen.

"Pa'no ka naman nakakasiguro na magtatagumpay 'tong plano natin?"hindi ako basta-basta nalang magde-desisyon.

"Just think, girl. Ikaw ng first love niya. And as the saying goes, First love never dies. So, meaning du'n, hindi imposible na bumalik ang feelings niya para sa'yo!"Rhen.

Napagtanto ko na tama naman ang sinabi ni Rhen. Kaya gagawa ako ng kahit na anong paraan para mabalik ko ang pagmamahal ni Kris sa 'kin. Sa akin ka lang, Kris!

Joyce's POV:

Patuloy sa pag-iintro ang mga kaklase namin. Habang 'tong si Kris naman, para ko ng totoong boyfriend. Hindi binibitawan ang kamay ko.

"Wala ka bang balak na bitawan ang kamay ko?"tanong ko sa kanya.

"Wala. Bakit, nahihiya ka?"sabi niya. Nakakahiya kasi, pinagpapawisan na ang kamay ko.

"Oo, 'no! Baka sabihin pa nila, malandi ako at OA."pataray kong sabi.

"Don't mind them. Hindi din naman totoo, 'di ba?"

"Hindi talaga."

Hanggang sa matapos na ang klase namin ay di niya parin binibitawan ang kamay ko.

Kris' POV:

Ang lambot ng kamay ni Joyce. Kaya di ko binibitawan.

"Pinagpapawisan ang kamay mo, ah! Kinikilig ka, ano?"panunukso ko sa kanya.

"Asa ka pa! Ba't naman ako kikiligin? Manigas ka!"halatang naiinis na 'to. Hahaha!

"Kringggggggggggg!"biglang tumunog ang bell, hudyat para umuwi na ang mga studyante.

"Tara, sabay na tayong umuwi."sabi ko, sabay akbay sa kanya.

"May kasalanan ka pa sa akin!"bigla niyang paninita.

"Ano naman 'yun?"

"Bakit mo ako hinalikan?"

"Sa pisngi lang naman, eh!"

"Kahit na. Wala 'yun sa usapan."

Like, comment, vote and spread. 'Til next chapter!

Pretenders or Lovers? (KrisJoy FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon