Chapter 29

61 2 0
                                    

Joyce's POV

Andito kami ngayon sa mall, as what Jhake has said namimili kami ng damit. Kaso wala pa akong nakitang matinong damit kaya wala pa kaming nabibili.

"Dito sa Jewels, ayaw mo?" Turo ni Jhake sa isang store na katabi ng Bench.

"Hmm, sige, try nating pumasok." Di ko pa kasi napapasok 'to, puro lang ako F21, Uniqlo, etc. Ewan ko, ngayon naging echosera ako't inayawan ko yung mga designs dun. Like srsly, ganto ba talaga pag brokenhearted? Hays.

Pagkapasok namin, bumungad sakin yung model ng Jewels. Kung di ako nagkakamali, si Giselle Ching 'to. Minsan ko na din siyang nasulyapan na nagp-photoshoot e, but I never got the chance to talk to her.

"Kilala mo siya, diba?" Tanong sakin ni Jhake.

"Ah, oo. Siyempre, sikat yan e. Balita ko nga sa mga co-models ko mabait yan. Win-win yung magiging boyfriend niya, maganda na, mabait pa." Onti nalang iisipin ko nang fangirl ako ni Giselle. Haha.

"Oo nga, e. Ang swerte nga ni Kristofer sa kanya. Actually, we're good friends. Mamimeet mo sila later." (A/N: Let's assume nalang guys na sila pa ni Tun tsaka ni Achi. Huhu lols.)

"Great!" Namili na ako ng damit. At may nagustuhan ako. Simple lang siya, kulay baby pink tapos 2-inches above the knee.

"Bagay sa'yo, Joyce." Nakangiting sabi ni Jhake.

"Thank you." Kung normal na sitwasyon 'to, malamang napuno na ng paruparo yung sikmura ko, namula na na parang kamatis yung mukha ko, nangisay na ako sa kilig. Pero hindi, e. Ibang-iba yung sitwasyon ko ngayon.

Pagkatapos mabayaran ni Jhake yung binili dahil nagpumilit siya kahit gusto kong bayaran, dumiretso na kami sa parking lot. At sakto talagang papasakay na kami sa kotse nung may bumaba sa katabing kotse na kaka-park lang, sila Lexi at Kris. Oo nga pala, dito kami nagshopping nung bago palang kaming magkakilala. *sigh*

"Hi, Joyce!" Bati ni Lexi sakin sabay beso. Di ko lang sigurado kung tama yung nakita ko pero pairap pa siyang bumeso sakin, parang plastik lang. Pero hayaan na.

"Ah, h-hello sa inyo, Lexi." Ang awkward ko! Oh my gawd.

"It's good to see you here with—oh! You're Jhake Vargas, right? Saw your magazine with Joyce. You two look good together. You can make a good couple!" Ani Lexi na ngiting-ngiti to the extent na parang pilit na pilit na yung ngiti niya.

"Lexi, let's go." Hinila na siya agad ni Kris na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Parang nabasag yung puso ko dahil dun.

"Hey, hey! Why are you crying?" Nagpapanic na sabi ni Jhake sakin na nag-aalala yung itsura. And before I knew it, oo nga, umiiyak na ako.

"Pumasok na muna tayo sa kotse mo. Please. Baka makita pa nila tayo, e." Sinunod niya naman ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nung napaupo na ako, dun na ako napahagulhol ng iyak. Too bad, I'm only a good model but not a good actress.

"Sshh, stop crying, please. You can tell me everything if you want to." Sabi ni Jhake habang pinapat pa yung likod ko, which is nakakapagpakalma naman sakin. Nung medyo nahimasmasan na ako, kinwento ko sa kanya lahat-lahat, pati na rin yung feelings ko kay Kris.

"Did you ever speak to him after he's reconciled with Lexi?"

"Hindi pa. Pero I guess di naman na kailangan. Masaya naman na siya, so I feel obliged to be happy for him as well. Siguro naninibago lang ako na wala siya sa tabi ko, pero it's a matter of time lang naman I guess."

Pretenders or Lovers? (KrisJoy FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon