Chapter 14

876 12 1
                                    

A/N: Hatlassssssssst, naka-UD nadin! Panu ba kasi, apat na araw din walang pasok! Taghirap yun, ei! hehe.. oh siya, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, eto na po.. sorry sa mga nabitin. Tinamad kasi si *ehem* joy a.k.a myemoghurl *ehem*. So eto na nga.. mahaba na ba masyado ang author's note ko? Sumimasen (sorry)!

----------

Property of myemoghurl

Chapter 14

Joyce's POV:

Dahil nga sa dada kami ng dada ni Kris dito, di ko namalayan na may paparating na tao. Kaya nabangga namin siya.

"WHAT THE---Ah, K-Kris?"sabi ng nabangga namin, nakahawak ng cellphone.


"Lex, it's good to see you here. Hindi ka ba papasok sa class mo?"si Kris ang nagsabi nun. Alam  nyo na, para maka-score. Umagang-umaga pa diba? haha.. Yaan na natin siya.


"Actually papunta na ako dun."pagkasabi niya nun ay sinulyapan niya ang kamay namin na magkahawak. "Ang sweet nyo naman."ewan ko ba, pero parang plastic lang ang ngiting ipinukol nya sa amin."Magka-holding hands pa kayo tsaka sabay pa kayo pumasok sa school..."yun lang ang narinig ko sa sinabi niya kasi halos pabulong niyang sinambit ang karugtong nun.


"Ah, oo. Sige ha, mauna na kami sa iyo. See yah around."sabi ko at nilagpasan na namin siya.

Lexi's POV:

Papunta na ako sa building namin. Katext ko si Teejay, ang pinsan kong nasa U.S.A. Bigla nalang may bumangga sa akin. Muntik pa tuloy nahulog ang cellphone ko.

"WHAT THE---Ah, K-Kris?"handa na sana akong bulyawan yung impaktong nakabangga sakin kung di lang yun si Kris. Ayoko lang masira ang plano ko. Gusto ko silang paniwalain na hindi ako galit sa lintang Joyce na yan para pag may magtangkang sumira sa relationship nila, di ako nila pagdududahan. Evil talaga ako.


"Lex, it's good to see you here. Hindi ka ba papasok sa class mo?"tanong ni Kris, wearing a very sweet smile. Para namang nginangatngat ang puso ko kapag naiisip kong masaya siya sa piling ni Joyce. Hindi na mababakas sa mukha at mata ni Kris ang lungkot, di tulad nung nakipag-break ako sa kanya. Tuluyan nya na ba talaga akong kinalimutan? No, hindi yun pwede. Akin lang si Kris, he's mine and mine alone.


"Actually, papunta na ako dun."sinulyapan ko yung kamay nilang magkahawak. Nasasaktan ako. "Ang sweet nyo naman."sabi ko, trying to wear a sweet smile, pero halata na sigurong fake lang. Bahala na. "Magka-holding hands pa kayo tsaka sabay din kayong pumasok sa school..."pabulong kong sinabi to.."samantalang ako nun, hindi ako sinusundo ni Kris sa bahay namin papunta sa school."


"Ah, oo. Sige ha, mauna na kami sayo. See yah around!"sabi ni Joyce at umalis na sila at nilagpasan nila ako. Agad naman akong tumakbo papunta sa CR at hindi ko na napigilan na hindi mapaiyak. Hindi ko talaga matanggap na pinagpalit na ako ni Kris sa iba. Kung alam mo lang, Kris, sana masaya pa tayo ngayon.

Nung gumaan na ang pakiramdam ko, naghilamos na ako at humarap sa salamin.

Now Playing: Ako'y Sa'yo at Ika'y akin lamang

Ikaw na ang maysabi..

Na ako'y mahal mo rin..

Tss, tumatawag si Rhen. Siyangapala, favorite song to ni Kris kaya ito ang ring tone ko. Naku, di ko pa pala na-silent mode ang phone ko.

"oh?"yun lang ang pambungad ko kay Rhen. Pag ganun ang sagot ko, alam nya agad na badtrip ako.


"Girl, start na ang class natin. Halika na!"sabi ni Rhen.


"Sige girl, punta na ako dyan. Ako na ang bahalang mag-imbento ng excuse."sabi ko in a cold, sarcastic tone.


"Okay."yun lang at binaba ko na ang phone at naglakad na papunta sa room namin.

Kris' POV:

"Joyce, para namang walang epekto tong ginagawa natin, eh. Wala akong mabakas na selos sa mukha niya."sabi ko kay Joyce habang wala pa si prof.


"Wag ka ngang magsalita nang ganyan. Babae ako kaya ramdam ko na nagseselos siya sa mga ginagawa natin. Kitang kita sa mata niya tsaka yung smile na, halata namang plastic lang, eh. Kaya malakas ang kutob ko na nagseselos siya. Hindi pa nagkakamali ang instincts ko noh!"-Joyce


"Talaga lang ah?"sabi ko, di makapaniwala. "Baka naman sinasabi mo lang yan kasi ayaw mo na akong makasama?

"Hoy, hindi naman ako ganun kasama. Sinasabi ko lang naman kung ano ang napapansin ko. Kung ayaw mo, eh di wag mo!"sabi niya at tumalikod sakin. Pikon talaga to kahit kailan.


"Pikon ka naman masyado eh. Wag ka nang magalit."i hugged her from the back.


"Che! Bitawan mo ako!"sabi niya at nagpumiglas. Biglang dumating ang prof namin kaya umayos na kami ng upo.


"Okay class, may competition na gagawin sa Cam Sur this coming Saturday for the Mr. & Ms. Tourism. At ang napili naming representative ay sina Ms. Ching at Mr. Dangculos."sabi ni Mrs. Mercado.


"WHAT?????"sabay naming sabi at napatayo pa.

-----

A/N: Bitin ba? Hmm, next UD naman. Please do continue to support this story. And tnx ng madami sa mga nagbasa, nagbabasa at patuloy na magbabasa nito. TNX tlaga!

lovelotx...

author (eunice a.k.a myemoghurl)

Pretenders or Lovers? (KrisJoy FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon