Author's Note:
New book cover! Thanks to AprilJovovich! Yay! <3
Joyce's POV
Hapon.
Suot ko na yung dress na ibinigay ni "D" sakin. 6 pm kasi ang start ng ball. Ihahatid nalang daw ako ni Ate.
"Li'l sis, kumain ka na muna. Kanina ka pang paikot-ikot. Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Is it about—"
"STOP! Oo, dahil sa kanya. Kasi may nagtext sakin kagabi. Hindi ko alam kung siya. Pero..kasi!" Napahilamos ako ng mukha ko.
"Oh, tama na yan! Mahuhulas yung make-up mo niyan e. Hay nako." Hinawakan niya ang balikat ko't giniya papunta sa table. "Kumain ka muna, dali na. Mamaya na natin pag-usapan yan."
Di naman na ako umimik at kumain na lang din ng tahimik habang nakatingin lang sakin si Ate.
Matapos kong kumain, hinila ako ni Ate papunta sa sala at pinaupo sa couch.
"Ngayon, sabihin mo sa akin kung bakit ka ganyan. I'm all ears, li'l sis."
Bumuntong-hininga muna ako bago sinabi kay Ate kung ano yung bumabagabag sakin.
"Oh, e anong gusto mong gawin? Kausapin siya? Kaya mo ba?"
"Hindi ko po alam.." Napayuko nalang ako.
"Basta kung ano man ang sa tingin mong tama, yun ang gawin mo, okay? Malaki ka na, I trust in all your decisions. Kung magkaaberya man, Ate's here, okay?" Tumango ako at niyakap niya naman ako.
"Osiya sige na, bago pa tayo magkaiyakan dito. Ihahatid na kita. Anong oras na rin oh. Baka malate ka na. Tara!" At hinatak niya na ako papasok ng kotse niya. Hays, kaya ko 'to!
-
Pagkapasok ko sa grounds, marami na rin akong nakakasabayan mga studyante at hindi ko maintindihan kung bakit yung iba sa kanila e napapatingin sa akin. Anong meron? Don't tell me isa ito sa mga cliché scenes na kapareho ng babaeng bida (Teka, bida ba ako? Hindi naman e.) ng kulay at design yung mga clothing na ginagamit sa ball? Oh noes~!
Pagkapasok ko sa gym, maraming mata ang napatingin sakin. Yung iba nagbubulungan pa, pero this time hindi ko na marinig kasi malakas yung tugtog.
"Ay, Ate gurl! Magkapareho kayo ng damit ni—"
Di niya pa natatapos yung sinasabi niya, meron nang sumabunot sa buhok ko galing sa likuran, dahilan para mapa-aray ako.
"How pathetic! You're imitating me? For what? Para mapansin ka ni Kristofer?" Naagaw na namin yung atensyon ng marami, at maging ang tugtog ay huminto.
"H-Ha? L-Lexi, hindi, n-nagkakamali ka—"
"Aba't sumasagot ka pa?! Napaka-desperada mo! Hindi mo ba alam na pinasadya ko pa talaga 'tong dress na 'to sa personal designer ko tapos ang kapal ng mukha mong gayahin? How dare you!" At sinampal niya ako. Malakas. Sobrang lakas. Sa sobrang lakas e parang babaligtad na yung mukha ko. Napa-"oohh" yung mga tao sa paligid.
Hindi pa ata siya nakuntento, tinulak niya pa ako. Napatumba ako sa sahig. Gusto ko sana siyang sigawan. Kung eto lang ba yung kaya niya. Kung wala na bang mas sasakit dito. Pero naalala ko, oo nga pala, walang mas sasakit sa pang-iiwan ni Kris sakin.
"Stop being such a sl*t trying to win my boyfriend back. Hindi na siya babalik sa'yo. Naiintindihan mo yun? Hindi na. Ginamit ka lang niya para makuha ako uli. At ngayong kami na uli, wala ka nang aasahan sa kanya. Tapos ka nang gamitin ng boyfriend ko. Sorry to cut your imagination, but everything is over between you and Kris." At umalis na siya. Iniwan niya ako sa gitna, na parang sinampal ng paulit-ulit ng katotohanang di na kami pwede. Oo nga naman, bakit ko ba naisip na siya yung nagtext sakin? Malamang naligaw lang yun. Hindi na ako pag-aaksayahan ng oras ni Kris kasi sila na uli ni Lexi.
May isang kaklase naming nakakita sakin sa ganung ayos at nagmagandang loob na tumulong sa akin upang makatayo. Nagpasalamat lamang ako at dahan-dahan nang lumakad palabas.
"Joyce?! JOYCE! Hey, anong nangyari sa'yo? Teka, bakit ka umiiyak? May nangyari ba sa'yo?" Nakilala ko agad yung boses niya kahit nakayuko ako. Si Jhake. Di na ako nag-abalang mag-angat ng tingin, agad ko siyang niyakap at dun na humagulhol sa balikat niya.
-
"Pwede mo na bang ikwento sakin kung ano'ng nangyari?" Tanong niya sakin nung narating namin ang fountain sa may bandang right side ng gym. Wala gaanong tao dito kaya okay lang kahit di na siya magdisguise. Kanina kasi naka-shades lang siya para di siya makilala.
"W-Wala.." At umiling-iling pa ako para magmukhang convincing yung pagsisinungaling ko. Kaso, tumulo na naman yung luha ko. Okay, so di talaga ako magaling umarte.
"No, alam kong meron. What is it?" Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil niya ito. "Please, tell me. Nasasaktan akong nakikita kang nasasaktan."
Naguilty ako nung nakita kong gumuhit yung sakit sa mata niya kaya sinabi ko nalang ang lahat ng nangyari. And as usual, umiiyak pa rin ako.
"Sshh, tahan na. Hayaan mo nalang sila. Gustuhin ko mang sugurin at kausapin yung Lexi, alam ko namang hindi mo iyon magugustuhan." Sabi niya habang patuloy sa paghagod sa likod ko.
"S-Salamat, Jhake. Salamat sa pag-intindi sakin. At s-sorry kung nasasaktan kita..h-hindi ko sinasadya." Sabi ko nung medyo nakarecover na ako.
"Okay lang, Joyce. Naiintindihan ko. At pasensya na kung umamin ako nung nakaraan, a? Nagpagulo lang ata ako sa sitwasyon, kahit alam kong meron kang pinagpadaraanan tinuloy ko pa rin. I felt like I'm an assh*le for that. Anyway tanggap kong mahal na mahal mo siya. At nakikitang wala akong laban sa kanya. Kaya I'm willing to give way for you to move on. Okay lang sakin na maging friends lang tayo. Sa umpisa palang alam ko naman na talagang yun ang kahahantungan ko e."
"Jhake.."
"No, okay lang talaga. I'll still be here for you, eventually alam kong mawawala rin 'to." He smiled, a genuine one. Now, I know that this guy is real. I adore him more for that.
"Salamat Jhake, salamat. Alam kong may iba pang babae diyan na maaaring magkagusto sa'yo. Tulad ni—" I cut my own words, binibitin ko lang siya. Hehe.
"Nino?" Napakunot yung noo niya, trying to find answers in my face I guess. But I gave him nothing, instead tumayo ako't hinawakan siya.
"Ihatid mo nalang ako pauwi, please. Hindi na ako comfortable dito e."
Agad naman siyang tumayo na't sabay kaming naglakad papunta sa parking lot. Pinagbuksan niya naman ako ng pinto at nung nakapasok na rin siya ay agad na kaming umalis.
-
Kristofer's POV
What the hell?!
Andami ko nang nainom dito sa loob pero wala akong paki. Andito ako ngayon sa special building, iniwan ko si Lexi dun sa party.
So sila na nga? Put*ngina! Hindi niya man lang hinintay na bumalik ako. Lintik na buhay 'to. Marami lang akong inaayos e. Onti nalang sana, babalik na ako. Kaso di niya ako hinintay.
"Ugh!" Tinapon ko yung basong hawak ko, sanhi para magkalat ang mga bubog nito sa sahig.
Joyce, bakit? Hindi mo ba talaga ako minahal?
BINABASA MO ANG
Pretenders or Lovers? (KrisJoy FanFic)
FanfictionSi Joyce Giselle Ching ay isang ordinaryong babae - well, hindi ganung ka-ordinaryo sapagkat isa siyang modelo, pero namumuhay siya ng kapareho lang din ng mga ordinaryong tao. Hanggang sa makilala niya si Kristofer Martin Dangculos, isang lalaking...