Joyce's POV:
Nakakainis talaga 'tong PBF ko! Halikan ba naman ako? Loko-loko talaga 'to.
"Sorry na. Ginawa ko lang naman 'yun dahil kay Lexi, eh!"sabi niya sa nagmamakaawang boses.
"Kahit na. 'Di ba pwedeng hug lang?"ako.
"Mas magiging effective kasi 'pag may ganu'ng effect."sabi niya habang nagmamaneho.
"Mukha ngang tumatalab na, eh!"bigla kong sabi sa kanya.
"Bakit mo naman nasabi?"kunot-noo niyang tanong.
"Nakita ko si Lexi kanina na nakairap sa akin."simpleng sagot ko.
"Sigurado ka?"aba, ayaw pa akong paniwalaan.
"Oo naman. Anong akala mo sa 'kin, bulag?"pataray kong sabi.
"Hindi naman. Baka sinasabi mo lang 'yan kasi gusto mo nang tumigil."ani Kris. Ayaw pa ring maniwala?
"Excuse me, hindi ako marunong gumawa ng storya. I'm not a liar."
"Sana naman..."bitin niyang sabi.
"Ano?"curious kong tanong.
"Wala 'yun!"sabi niya, sabay tawa nang malakas.
"Ang daya mo talaga!"sabi ko, acting like a child na inagawan ng ice cream.
"Wala nga 'yun, eh!"mas lumakas pa ang tawa niya. Naiinis na tuloy ako. Hmp!
"Sige na nga. Sobrang madaya talaga!"sabi ko, nagkunwaring galit.
Kris' POV:
Tinawanan ko lang ang sinabing 'yun ni Joyce. Masyado kasi 'tong pikon.
"Galit ka ba?"mayamaya'y tanong ko nu'ng tumahimik na siya.
"Hiindi, hindi! Hindi ako pikon, 'di katulad ng iba jan!"sabi niya, seryoso pa rin ang mukha.
"Oh, sinong pinariringgan mo?"nagtataka kong tanong, luminga-linga ako sa paligid, wala namang ibang tao.
"May iba pa bang tao dito? O baka may white lady dito sa gitna natin?"sabi niya, seryoso parin. Hindi ko tuloy alam kong nagbibiro ba 'to o nagagalit na.
"Nagbibiro ka ba?"kapagkuwa'y tanong ko sa kanya.
"Hindi ba obvious?"sabi niya, nagtatangka ng ngumiti.
"Kanina pa kasi seryoso 'yang mukha mo, parang malalim ang galit mo sa akin."sabi ko, seryoso naman.
"Totoo naman kasi, eh!"sabi niya, biglang humalakhak.
"Huh? Ang alin?"nagtataka kong tanong.
Joyce's POV:
Ngayon, makakabawi na ako. *evil smile*
"Ah, wala naman. Don't mind it. Forget what i've said."sabi ko, sinabayan ko ng malakas na tawa.
Nakahinto na ang kotse niya sa harap ng bahay namin.
"Ano nga?"sabi niya, halatang pikon. Moody naman kasi 'to, eh!
"Wala. Sige na, bababa na ako, medyo gutom na din ako! Bye! See yah around!"sabi ko, sabay baba at pumasok na ng gate.
"Hui, 'di mo pa ako sinasagot! Tsk, ang daya mo!"narinig kong sabi niya.
"Ikaw kaya ang unang nandaya!"pahabol ko bago pumasok sa bahay.
Kumakain na kami ni Ate Yassi.
"How's the first day of school, my little Sissy?"biglang tanong ni Ate.
"Embarassing yet funny."simple kong sagot.
"Ba't embarassing? Ano bang nangyari? Share naman jan."sabi ni Ate, halatang interesado.
"Pa'no ba naman kasi, 'etong si Kris, tinakasan 'ata ng katinuan."sabi ko, pormal.
"Bakit, ano ngang nangyari? Binibitin mo naman ako, eh!"halatang excited na 'tong ate ko.
"Hinalikan lang naman ako ng Kris na 'yun sa----------!"
"Sa lips? Ang sweet naman!"sabi ni Ate, nagtatatalon na.
"Hindi pa nga ako tapos, eh! Sa pisngi lang, 'no! Masyado naman pong malawak ang imagination n'yo!"sabi ko kay Ate, tumuloy na sa pagkain.
"Bakit hindi sa lips? Mas may magic 'yun, eh!"sabi ni Ate, halatang nanunukso na.
"Ate naman, eh! Alam n'yo naman pong nagpapanggap lang kami, eh! Tsaka di naman ako nagpapahalik sa taong 'di ko mahal!"sabi ko.
"Ba't kasi 'di n'yo nalang 'yan totohanin?"sabi ni Ate.
"Ate, alam n'yo naman pong consequence lang 'to dahil dun sa aksidenteng nangari, 'di ba? Tsaka pinapaselos lang namin si Lexi, remember?"pinaalala ko lang, baka kasi nakalimutan nya na.
"Hmm, epal 'yang Lexi!"sabi niya, halatang inis.
Nagkibit-balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.
Like, comment, vote and spread. 'Til next chapter!
BINABASA MO ANG
Pretenders or Lovers? (KrisJoy FanFic)
FanfictionSi Joyce Giselle Ching ay isang ordinaryong babae - well, hindi ganung ka-ordinaryo sapagkat isa siyang modelo, pero namumuhay siya ng kapareho lang din ng mga ordinaryong tao. Hanggang sa makilala niya si Kristofer Martin Dangculos, isang lalaking...