Chapter 5

1.1K 17 0
                                    

Kris' POV:

Ang ganda talaga nitong PGF ko.

"Anong bibilhin natin sa mall?"si Joyce 'yun.

"Kahit anong gusto mo."

"Seryoso?"

"Oo naman."

"Baka malakihan ka sa gastos?"

"Sus, 'wag kang mag-alala. My Dad won't be angry."

"Sige, ikaw ang bahala."

Natahimik na kami.

Joyce's POV:

Ano kayang plano ng lalaking 'to? Sabi n'ya, swerte daw ako dahil ako ang napili niya. Hello, swerte ba ang tawag dito? Sa simula pa nga lang, 'di na ako makatanggi, ano pa kaya sa pasukan?

"Oh, bakit hindi ka na nagsasalita jan?"si Kris 'yun.

"Ah, wala."

"Siguro napipilitan ka lang, ano?"

"Oo, 'no! Napipilitan lang talaga ako. Kung 'di lang ako nakokonsensya e..."pabulong ko 'yung sinabi. Totoo naman talaga, eh!

"Anong sabi mo?"

"Ah, wala. Ang sabi ko, hindi naman. Nag-eenjoy nga ako, eh!"

"Good. I think this plan will work well."

"Bakit mo naman nasabi?"

"Sabi mo na nag-eenjoy ka. So, there's no problem, right?"

"Ah, hanggang kailan ba ako magiging PGF mo?"

"Hanggang makipagbalikan sa akin si Lexi."

"Ano? Pa'no kung hindi makipagbalikan si Lexi sa'yo?"

"Eh 'di wala, ititigil natin ang  pagpapanggap."

Wow ha, mukhang 'di ko gustong magkabalikan sina Lexi.

JOKE!

Ayos nga kung magkabalikan sila ni Lexi agad, eh! Para maudlot na 'tong pagpapanggap naming dalawa.

"Speechless?"bigla n'yang sabi.

"Hindi 'no!"pagtataray ko. 

"Galit ka?"

"Hindi naman."

Pin-arking n'ya na ang kotse n'ya sa Parking Lot ng mall.

"Bumaba ka na 'jan!"sabi n'ya.

"Hindi mo man lang ba ako pagbubuksan?"sabi ko.

"Marunong ka naman sigurong magbukas ng pinto, 'di ba?"

"Ganu'n????"

Nakakainis talaga. Hindi talaga gentleman.

"Uie, joke lang 'yun!"sabi n'ya, nakangiti.

Binuksan n'ya ang pintuan ng kotse. Akala ko pa naman hindi siya gentleman. Nakatitig na naman ako sa kanya. At dahil du'n, natapilok tuloy ako at nahawakan ko ang balikat niya. Nagkatapat na naman ang mukha namin.

"Sorry, ha?"sabi ko, nakakahiya kasi.

"Okay lang 'yun. Tara na nga!"

Inakbayan niya naman ako. Nakakailang talaga pero wala akong magagawa. PGF, eh!

Kris' POV:

Ang sarap pala kasama 'tong PGF ko. Ang cute n'ya.

Kumusta na kaya si Lexi ngayon? Siguro masaya siya sa Derek na 'yun. Pero hindi ako susuko. Alam kong magkakabalikan pa kami ni Lexi. Sobrang mahal ko pa rin siya.

"Oh, ikaw naman ang natahimik?"sabi ni Joyce.

"Wala, iniisip ko lang si Lexi."

"Ah. Mahal mo talaga siya."

"Oo naman."

Joyce's POV:

Kakauwi lang namin. Grabe, ang dami kong pinabili kay Kristofer! SAPATOS, DRESS, GOWNS at kung anu-ano pa. Ang bait talaga ni Kristofer. Palibhasa kasi, sobrang yaman, winawaldas lang ang pera.

"Joyce, ang dami n'yan, ah?"si Ate 'yun, galing sa kwarto n'ya.

"Oo, nilibre kasi ako ni Kris."sabi ko, nakangiti.

"Talaga? Wow, ang sweet n'yo naman. Para kayong true lovers n'yan."

"Sus, hindi naman po. Ate talaga."

"Ikaw little sis, ha, baka ano na 'yan?"

"Ate, P.L lang po kami."Ayaw maniwala ni ate!

"P.L ha? Baka maging T.L na 'yan!"

"Ate kaya namin 'to ginagawa ay para magkabalikan sila ni Lexi, hindi para magkatuluyan kami. Wala din naman akong gusto du'n, eh! Kundi lang dahil sa konsensya ko, hindi ako papayag dito."

"Kumain na ba kayo?"

"Opo, kanina sa restaurant. Bakit, kayo po?"

"Tapos na din. Alam ko namang hindi ka papabayaan ni Kris, eh!"

"Alam n'yo naman pala, ba't pa po kayo nagtanong?"ang labo naman nitong si Ate!

"Wala lang, naninigurado lang!"

Sige, tulog na muna ako. It was a tiresome day.

Like, comment, vote and spread. 'Til next chapter!

Pretenders or Lovers? (KrisJoy FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon