Chapter 34

53 0 0
                                    

Joyce's POV

"Uh, s-sorry." Una akong nakabawi sa pagkagulat. Para namang natauhan si Jhake kaya lumayo rin siya't ibinaling yung atensyon niya sa iba.

"Sige lang, ako naman yung may kasalanan e." Sabi niya sakin nang di pa rin ako tinitignan. Ang awkward naman. Aish!

"Ako talaga. Nagpumilit pa ako e."

"Ako sabi e." This time humarap na siya sakin.

"Hay naku. Ako kasi~!" Nakabusangot ko nang sabi.

"Ako nga!" Nakabusangot niya ring sabi at parang iniimitate pa yung itsura ko. Aba't..

Nagsukatan lang kami ng tingin, at pagtapos ng ilang minuto e..

"HAHAHAHAHAHAHA!" Oo, nagtawanan lang din kami. Para pala kaming ewan kanina.

Nung napagod na kami sa kakatawa, hinawakan ko yung siko niya.

"Masakit pa ba?"

"Ah, hindi na. Kanina lang yun, ngayon okay naman na."

"Talaga?"

"Opo. Ako pa, lakas-lakas ko e." At nagpose pa siya ala-macho kuno. Sus, e mapayat pa nga siya e. Mas macho si..aish! Move on nga sabi Joyce, MOVE ON.

"Sige, sabi mo e. So, pede na tayong umakyat?"

"Tara!"

-

Gabi na nung nakauwi ako, at pag sinabi kong gabi na, maga-alas onse na. At si Ate?

"Bakit ngayon lang kayo umuwi?" Oo, nakaabang na siya sa may gate. At nakapamewang pa.

"Ah, Ate, kasi po-"

"Pumunta po kami sa isa sa mga pagmamay-ari ni Lola around Muntinlupa po kaya medyo natagalan. Pasensiya na po." Pagsalba sakin ni Jhake and he's looking at Ate with an apologetic smile. Humility at its finest. (A/N: Ugh si Joyce mukhang natuturn on na kay Jhake. Hmm. :D)

"Totoo ba, Joyce Giselle? Magsalita ka." Dun palang nahalata ko nang nagpapanggap lang 'to si Ate na galit. Kasi kung totoong galit 'to, sinigawan niya na sana kami, tapos sobrang haba dapat ng sinasabi niya.

"Opo, Ate Yas." Nginitian ko siya, ngiting-aso. Nagbago naman agad yung facial expression niya, ginawa niyang mas seryoso't mataray. Kaso di umeepekto sakin yan e. Haha.

"Hmm. Dapat kasi hindi kayo masyadong nagpagabi! Alam niyo naman yung panahon ngayon, delikado na sa daan pag sumasapit ang alas otso ng gabi! Tsk. Pano kung may nangyaring masama sa inyo? Naku, naku talaga. Osige na, Joyce, pumasok ka na. At ikaw naman Vargas, di porke't cute ka e magpapacute ka sakin. Umeepekto pa naman. Hmp! Umuwi ka na rin. Malayo-layo pa biyahe mo. O baka gusto mong dito na matulog samin?" At nakita ko pang nagsshimmer yung mata niya. Aish!

"ATE!" Pasinghal kong sabi sa kanya.

"De, biro lang. Hindi naman sa pinagtatabuyan kita ha, pero kelangan mo na kasi talagang umuwi. Anong oras na rin o, kelangan pang magpahinga netong kapatid ko't may pasok pa 'to bukas. Mag-iingat ka nalang a? Salamat nga pala sa pagtugon sa favor na hiningi ko." Sabi sa inyo eto yung normal na Yassi e. Andaming sinasabi. -_-

"Wala pong problema, I actually had so much fun with Joyce. Sige po, uuwi na ako. Bye Yassi, bye Joyce. Sana hindi ito ang huli nating paglabas. I'm looking forward to meeting you soon." Ngiti lang yung iginanti ko sa kanya. Kumaway na muna ako bago siya lumakad papunta sa kotse niya. Nung humarurot na yung kotse niya palayo, hinila na ako ni Ate papasok. Naku, mukhang di maganda pakiramdam ko a?

Pretenders or Lovers? (KrisJoy FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon