Chapter 27

89 1 2
                                    

Joyce's POV

Monday na. Naghahanda na ako para sa pagpasok. Siyempre, excited na akong makita uli yung school, masilayan si Kris, makasama siya, makausap—teka nga. Ba't ganun na naman yung thoughts ko? I mean, di naman totoong kami, so dapat di ko iniisip yun. We're just pretending, I should keep that in mind.

Pero bakit parang may part ng puso ko na sumakit nung naisip ko yung thought na yun?

Aish! Guniguni ko lang yun. Habang kumakain kami ni Ate, bigla siyang nagsalita.

"Little sis, keri mo na ba talagang pumasok?"

"Oo naman po! It's not like napilayan ako or something. Nakakain lang ako ng maanghang. Ate naman."

"Hmm. Sige. Basta magiingat sa mga kakainin, ha? Tsaka kausapin mo na rin si Kris para di ka na bagabagin diyan."

"Ate!"

"Whut? Nagsasabi lang ako ng totoo. Nakita nga kita kagabi e, pabaling-baling ka, hirap kang makatulog. *smirks*

Actually, totoo yung sinabi ni Ate. Talagang di ako mapakali kakaisip kung ano nang nangyari sa tukmol na yun. Kung bakit hangggang ngayon e ni-ha ni-ho wala akong naririnig mula sa kanya. Hays. Kaso paano niya ako nasilip? Sa pagkakaalala ko locked yung pinto ng kwarto ko. Unless—

"Pano mo nasabi?"

"Huling-huli kita, sa veranda ako dumaan. Kala mo a." I knew it! Pede na talaga siyang maging miyembro ng akyat-bahay gang. :3

"Kahit kelan ka talaga." Naka-poker face kong sabi.

"Pero seryoso, kausapin mo siya para at least magkaliwanagan. Aba, kahit pretend lovers lang kayo e hindi dapat ganyan. May pinagsamahan din naman kayo kahit di naman talaga kayo."

"..di naman talaga kayo."

"..di naman talaga kayo."

"..di naman talaga kayo."

"..di naman talaga kayo."

Ba't panay rewind nung huling sinabi ni Ate sa utak ko? At bakit dahil dun, nahihirapan akong huminga?

-

Nasa school na ako. Nagtataka ako, halos lahat sila nakatingin sakin. Tas may maririnig akong bulong:

'Kawawa naman siya.'

'Kelan kaya siya makakamove on?'

'Mas gusto ko pa naman siya kesa sa bruhang babaeng yun.'

'Sana sila nalang uli.'

'They deserve to be bound forever.'

Like, what was that? Bakit ganun pinagsasabi nila? Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad, not minding those people talking about things I don't understand.

Nung nasa building na namin ako, nagulat ako't may nagkukumpulang mga tao sa labas ng room. Anmeron? May nagbigti ba? Andiyan ba yung bangkay ni Hanako Perez ng Class 3-C? O.o (A/N: I'm a fan of this story! :D) At dahil nga wala naman akong paki kung ano yung pinagtitinginan nila, gorabels lang ako papunta sa room. At nung malapit na ako sa pinto, biglang nagkaron ng daanan na parang intended sakin, at the same time they're all eyes on me. Really people, what's happening to you?

At nasagot yung tanong ko pagbukas ko ng pinto. Si Kris at Lexi, magkaholding hands habang nagtatawanan. Nahinto lang sila saglit nung binuksan ko ang pinto pero agad din namang nagsalita si Lexi.

Pretenders or Lovers? (KrisJoy FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon