Yoona's Pov
Ilang araw ang lumipas at nakalabas na ng hospital si Leej. Kaso andun parin yung cast nya. Nandito ako ngayon sa classroom habang nakikinig sa panot kong teacher. Leshe naman eh! Bored na bored na ako at balak na sana syang tulugan ng may marinig akong pangalan na pumukaw ng atensyon ko.
"Class. Tomorrow na ang dating ng mga Curran. So mag behave kayo okay? Nakakahiya sakanila! Matagal tagal rin silang nawala." Tumango tango naman ang iba kong mga kaklase. Pansin ko lang? Ba't parang hindi ko napapansin ang mean girls? Pati si Yveth? Nasaan na kaya ang mga yun.
Lumipas ang oras at uwian na namin. Pumunta muna ko dito sa locker para kunjn ang mga libro ko. Walang mga tao dito kung kayat tahimik. Grabe noh? Ang bilis! Hahaha! Wala naman masyadong nangyari ngayong araw eh! Sayang! Sana hindi nalang ako pumas--
"Aw! Baby! Masakit yun ha!" Napatigil ako ng may marinig akong pamilyar na boses. Unti unti akong naglakad. Bawat hakbang ko ay parang pinupunit ang puso ko. Sabi ng utak ko ay wag ko ng tignan at tumakbo na lamang. Pero wala eh. Eto ako ngayon. Sinusunod ang puso ko. Naibagsak ko ang mga libro at lumikha yun ng napakalakas na ingay.
"Sht!" Napa mura sina Renzo at Ezzy. Akala siguro nila ay teachers o kaya dean. Pero napabuntong hininga si Ezzy ng makita nyang ako lang. Oo ako lang naman. Tinignan ko si Renzo pero wala manlang syang reaksyon. Nagulat ako ng bigla nya ulit halikan si Ezzy at ituloy ang ginagawa nila kaninang 'naistorbo ko!' hindi ko na kinaya pa at tumakbo na ako ng tumakbo. Hindi ko na inalintana pa ang mga matang nakatingin saakin. Takbo lamang ako ng takbo. Paalis sa impyernong lugar na to.
Nanlalabo na ang paningin ko ng muntikan na akong masagasaan. Mabuti nalamang at napahinto kad ang kotse. Napaupo ako sa lapag at napayuko. Muntik pa akong mamatay dahil sa katangahan ko!
"Ano ka ba naman miss?! Balak mo bang magpakamatay?! Kung gusto mo ay wag ka ng mandamay pa!" Sigaw ni kuyang driver saakin. Hiyang hiya ako sa nangyari. Gusto ko mang magsalita ay walang lumalabas na salita sa bibig ko.
"Ronald! Wha-- Oh my god! Are you okay?!" Lumabas mula sa itim na kotse ang isang babaeng maganda. Mukhang mayaman at mala anghel ang mukha.
"Ronald! Help me! Dalin natin sya sa hospital!" Dali dali naman akong itinayo ni kuyang driver. Ng makatayo ako ay umiling iling ako.
"Wag na po ma'am. Baka naaabala ko na po kayo. Ayos lang naman po ako eh. Salamat po." Sabi ko sakanya at sinserong ngumiti. Parang pamilyar saakin ang babae. Ay! Baka imahinasyon ko lang yun.
"No. Kung ayaw mong mag padala sa hospital, samahan mo nalang akong kumain today para naman makabawi ako sayo hija." Sabi saakin ng babae. Wala na akong nagawa kung kayat pumayag nadin ako.
Nandito kami sa isang sikat at mamahaling restaurant. Wow! Mukhang masasarap ang mga pagkain dito ah! Tapos halos lahat yata ng nandito ay mayayaman. Oh wait! Lahat pala ng nandito mayaman! Kung ano ang inorder ng babae ay yun nadin ang inorder ko. Hindi ko naman kasi alam lahat ng yan eh.
"Hija. Parang nakita na kita before eh. Hindi ko lang matandaan." Sabi ng babae at halatang nag iisip. So hindi ko lang pala imahinasyon ang lahat ng yun! Sya din parang natatandaan ako eh!
"Wait! You! Ikaw yung girl dun sa beach am I right?!" Natutuwang sabi ng babae. Ay oo nga pala! Naalala ko na! Sya yung babaeng nabangga ko noon kase hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko! Grabe ang talas ng memorya nya!
BINABASA MO ANG
Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)
ChickLit"Kaya mo nga bang ipaglaban ang pag-ibig mo para sa kanya? Kung alam mong sa umpisa palang talo kana?" HIGHEST RANK: #59 IN CHICKLIT