-36- Effect.

4.2K 130 4
                                    

YOONA'S POV

"RENZO!" Biglang tumigil ang lahat at tanging pagsigaw ko nalamang ang nagsilbing ingay sa paligid.

"Habulin nyo! Wag hahayaang makatakas! Tumawag kayo ng ambulansya! Bilis!" Sigaw ng baranggay at tumakbo para habulin ang lalaking nakatakas. Napatakbo ako sa kinaroroonan ni Renzo. Kasalanan ko 'to!

"Renzo! Renzo!" Tinatapik ko ang pisngi nya pero hindi sya gumagalaw. Puno narin ang damit ko ng mga dugo. Kasalanan ko kung bakit sya nasaksak. Oo, nasaksak si Renzo nung lalaki. Naiiyak na ako. Narinig ko ang ingay na nagmumula sa paparating na ambulansya.

"Renzo! Kaya mo 'yan." Sabi ko sakanya habang kabang kaba at pinagpapawisan ng malamig. Sinakay na nila si Renzo at kinabitan ng aparato. Hawak ko ang kamay nya at pinipisilpisil 'yun.

"Konti nalang Renzo. Malapit na tayo. Lumaban ka please." Umiiyak kong sabi sakanya. Kung hindi lang sana, kung sinabi ko nadin ang nararamdmana ko para sakanya hindi na sana mangayayari pa 'to!

Nandito na kami sa hospital at tinatakbo na si Renzo sa E.R. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sabi saakin ay bawal ng pumasok dun sa kwartong pinagdalhan sakanya. Umupo ako at saka nanginginig na tinawagan si Clifford.

"He-hello." Nanginginig pa ang boses ko ng tawagan ko si Clifford. Mabuti na lamang at sinagot nya kagad ang tawag ko.

[ Oh? Love ko? Bakit? Anong nangyari? ]

Sunod sunod nyang tanong saakin. Sa sobrang panginginig ng kamay ko ay muntik ko pang malaglag ang cellphone na hawak ko.

"Si Re-renzo. Nasaksak." Saka ako humagulgul ng iyak. Sana pala, kung alam ko lang na mangyayari 'to. Sana naagapan ko pa! Ang engot engot ko kasi!

[What?! Okay. Papunta na ako. Saang hospital?]

Tumingin ako sa paligid at tinignan kung saang hospital 'to. Eto rin ang hospital kung saan dinala si Gluriang dati. Ano nga bang pangalan nito? Ah! Natatandaan ko na.

"A.L.H. Aantayin kita. Bye." Binaba ko na ang tawag. Saka naghintay. Renzo. Kaya mo yan. May tiwala ako sayo.

CLIFFORD'S POV.

Nakikinig ako ng music ng biglang tumawag saakin si Yoona. May masama daw na nangyari kay En. Pagkababa ng tawag ay nagmamadali kong tinawagan si Ching.

"Hello?! Ching?! Pumunta ka sa A.L.H  hospital. Nasaksak si En." Mukha kasing bagong gising palang eh. Kapag kasi bagong gising 'yun, di mo makakausap ng matino. Binaba ko na kagad ang tawag. Sinunod kong tawagan si Flores.

"Bro! Si En nasaksak. Punta ka sa A.L.H pakibilisa--" Hindi ko pa man nasasabi ang sasabihin ko ng bigla nya nalamang putulin 'yun. May narinig kasi akong boses ng babae. Pamilyar yung boses nung babae. Hindi ko lang alam kung saan ko narinig eh.

[ Okay. Papuntana 'ko bye.]

Sino kaya 'yung babaeng nagsalita. Napaka pamilyar kasi nya eh. Sumakay na ako sa kotse at nag drive sa papunta sa A.L.H. Maya maya pa ay nakarating na ako dun. Nakita ko si Yoona na nakatulala. Bigla syang napalingon sa kinaroroonan ko.

"Mabuti at dumating ka na." Sabi nya saakin. Mapula pula na ang mga ilong, pisngi at mata nya. Indikasyon na kanina pa sya umiiyak.

"Shh. Wag kang umiyak Love ko. Magiging okay din ang lahat." Sabi ko sakanya at pinunasan ang mga pisngi nyang may luha pa.

"Chavez!" Sabay kaming napalingon at nakita si Ching at Flores na tumatakbo papunta samin.

"Anong nangyari kay En?" Hingal na hingal na tanong ni Ching. Pinaupo ko muna sila saka inabutan ng tubig na binili ko kanina.

"Nasaksak sya." Napabuntong hininga nalamang kaming lahat. Sana makaya mo 'tong pangyayaring 'to En.

"Anong nangyari?!" Napatingin ako kay Aiden. Umiwas ako ng tingin. Sinagot naman ni Ching ang tanong nya.

"Bakit naman sya nasaksak?!" Gulat na gulat na tanong ni Aiden. Nagulat kaming lahat ng biglang nagsalita si Yoona.

YOONA'S POV

"Ka-kasalanan ko kung bakit sya nasaksak." Lahat sila ay napatingin saakin at nagulat. Nagulat naman ako ng biglang lumapit saakin si Luis.
"Sabi ko na nga ba eh! Wala kang maidudulot na maganda! Tignan mo ang ginawa mo! Dahil sa ka engotan mo, napahamak si En! Hindi ko alam ang magagawa ko sayo kapag napahamak sya!" Sabi ni Luis na galit na galit saakin. Napaiyak naman ako dahil sa totoo ang mga sinasabi nya.

"Tama na yan Flores! Walang kasalanan si Yoona! Aksidente lamang ang lahat! Walang magagawa ang pangsisisi mo!" Inis na pahayag narin ni Clifford. Dahil saakin nag aaway sila.

"Magpapalamig lang ako!" Sabi ni Luis at saka tumingin ng masama saakin at naglakad na papalayo.

"Sundan ko lang. Grace? Okay kalang ba?" Tanong saakin ni Dierk. Nginitian ko nalamang sya. A weak smile. Umalis din sya saka sinundan si Luis.

"Pagpasensyahan mo na lang 'yun Yoona, mainit lang ang ulo nun at nag aalala kaya nya nasabi sayo yun. Intindihin mo nalang sana." Sabi saakin ni Luhan. Tumango nalamang ako.

"Dude. Pano yan? Ipapaalam ba natin kila tita at tito ang nangyari sa anak nila?" Takang tanong ni Luhan kay Clifford. Oo nga pala, nasa ibang bansa kasi ang mga magulang ni Renzo.

"No. Hindi pwede. Baka pag nalaman ni Tita ang nangyari ay mapasama pa sya. Nag papagaling na nga lang sya dun eh. Tayo nalang muna ang umasikaso nito." Tumango tango nalamang si Luhan bilang pag sang ayon. May lumapit saamin na doctor. Lahat naman kami ay napatayo.

"Okay na ang pasyente. Inilipat na namin sya sa room 230. Wag muna syang i-istressin at baka bumuka ang tahi nya. Sa ngayon ay unconscious pa ang pasyente. Hintayin nyo nalamang na magising sya." Napabuntong hininga kaming lahat. Salamat naman sa diyos at ligtas na sya.

"Thankyou doc." Sabi ni Clifford. Pumunta na kami sa room 230 at nakita si Renzo na wala paring malay. Argh! Naiiyak nanaman ako!

"Renzo. Gumising ka na dyan. Ikaw kasi eh! Masyado kang matapang. Nakakainis ka naman eh!" Sabi ko sakanya at patuloy lamang sa pag iyak.

"Love ko. Alis muna kami ni Ching para hanapin sila Flores ha. Babalik din kami." Tumango nalamang ako at narinig ko na ang pagsara ng pintuan. Duon ako mas lalong umiyak.

"Renzo. Gumising kana. May maganda akong balita sayo. Sasabihin ko na ang gusto mong marinig mula saakin. Please Renzo." Umiiyak at pinipisil pisil ang mga kamay nya. Bumuntong hininga ako at saka dahan dahang nagsalita.

"Ma-mahal din kita Renzo. Matagal na."

itutuloy...

Author's note: Hi. Kahit exam namin nag u-update ako! HAHAHAHA. Malapit nang matapos 'tong MEMMS! Huhuhu. Siguro 13 chapters nalang at tapos na 'to. :( Hay, sana nanjan padin kayo. Abangan ang mga susunod na chapters na mag papaiyak, mag papagulat, mag papasaya sainyo! BWAHAHAHAHA.

Vote- Bigyan nyo ko please? Kaylangan ko nyan! XD

Comment- Kung anong mangyayari sa ending! Mga hinala nyo at tingin nyo sa story. :) Panget man yan o maganda.

Be a fan- Para updated ka sa mga kaganapan at sa mga iba ko pang gagawin na story. ♥♥♥

Nag mamahal,

-ForevsAnji.

Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon