-1- Malas nga talaga siguro ako.

20.8K 434 103
                                    

Yoona's Pov

"Hay nako Yoona! Bakit naman sa lahat ng matatapunan mo ng juice eh iyung bigtime costumer pa natin?! Ayun sya galit na galit! Ipapasara raw itong restaurant!" Heto ako, pinapagalitan ng manager namin. Kung bakit ba kasi ang malas malas ko eh. Nakakainis na nakakaiyak na!

"So-sorry po. Hi-hindi na po ma-mauuli--" Pinutol nya ang sasabihin ko. Mukhang alam ko na ang susunod nyang sasabihin. Lagi namang ganon kaya sanay na sanay na ako.


"You are fired. Maghanap ka na ng bagong pagtratrabahuhan. Baka pag hindi pakita pinaalis eh, baka tuluyan na kaming malasin." Sabi ng manager namin. Wala nakong nagawa kaya heto umalis nalang ako. Kahit pa sabihing sanay na sanay na ako sa ganitong eksena, heto at naluluha pa rin ako. Ikaw ba naman tanggalin sa trabaho, alangang mag party party ako? Kaya heto ako ngayon nag dradarama. Ay teka, magpapakilala muna ako.


Ako nga pala si Yoona. Yoona Grace Hernandez. Magisang nabubuhay! Walang kamag-anak! Nung bata raw ako ay iniwan ako ng nanay ko sa tapat ng bahay ni Lolo. Medyo may kaya naman si Lolo. Masaya naman kami kahit kaming dalwa lang sa buhay. Hanggang nagkasakit si Lolo ng cancer. Para maipagamot sya eh kung saan saan kami nangutang, pero wala namatay rin si Lolo, yung pinagkakautangan namin eh kinuha lahat ng gamit ni Lolo pati bahay at lupa. Wala naman akong magawa dahil 1st year high school palang ako noon.


Kung ano-ano ang pinasok kong trabaho para mabuhay lamang. Syempre para narin makapag-aral, at para may pangbayad sa renta. Kaya ako nakapag renta ay dahil may konti pa naman akong ipon.


Naging yaya ako ng isang matandang babae. Ngunit nung namatay sya eh kasabay nun ang pagtanggal sakin sa trabaho dahil wala na daw akong aalagaaan.


Naging cashier ako sa isang mall. Ngunit natangal din ng napag bintangan akong magnanakaw, pero wala naman akong kinukuha.


Naging crew sa jollibee. Kaso lang hindi rin ako nagtagal duon. Mahirap at masyadong gahol. Kelangan mabilis kang kumilos. Kung hindi maraming mag rereklamo.


At marami pang iba! Hindi ko na nga mabilang sa sobrang dami ko ng napasukang trabo. Wala naman akong maaasahan kundi ang sarili ko lamang kung kaya't kaylangang magsipag at kumayod.


Pero ngayon. Heto natanggal nanaman ako sa trabaho. May scholarship akong na apply at natanggap naman ako kaya ako nakapasok sa isang magarang skwelahan kaso ang daming kaylangan. Diko nga alam ba't ako nakapasa eh! Malamang tumalab iyung pag punta ko sa Quiapo araw araw! Dahil sa dami ng gastos ay kaylangan ko rin talaga ng pera, iyung inuupahan ko pang bahay, kuryente, tubig! Hay paginiisip ko sumasakit lamang ang ulo ko! Maghahanap nalang ulit ako ng trabaho. Pauwi na sana ako pero tumunog ang cellphone ko.

"Hello sin--" Hindi ko na kasi tinignan kung sino yung tumatawag basta sinagot ko nalang. Pero hindi ko pa nga ako tapos sa sasabihin ko eh bigla namang nagsalita iyung nasa kabilang linya.


[Hello! Yna! Kita naman tayo! Miss na miss nakita eh! Dimo naman ako namimiss, antagal na simula nung nagkita tayo. Masyado kasi akong busy eh.]


"Lex?" Nakilala ko kagaad ang boses ng nasa kabilang linya. Sya ang bestfriend ko simula pa nung una. Parang kuya ko narin iyan eh. Tama ang sinabi nya bihira nalang kami magkita kasi masyado kaming busy pareho.


[Sino paba?  Edi ang gwapong gwapo mong bestfriend! Kita naman tayo mamaya! Sobrang miss na kitang babae ka eh. Hahaha.]


Buhat sariling bangko Lex. Hahaha. Gwapo talaga? Taas ng confidence ng lalaking 'to. Well, sabagay may maipagmamalaki naman sya. Gwapo yan aaminin ko!


Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon