Clifford's pov
"Yoona?! Yoona, gumising ka!" Sigaw ako ng sigaw habang tinatapik ko ang pisngi nya. Yoona?! Anong nangayari?! Inihiga mo muna sya sandali sa karton. Kinuha ko ang cellphone ko, walang signal! Inilawan ko nalang ang daan papunta samay pintuan. Bumwelo ako para warakin yung pinto. Kahit na solid pa 'to, handa akong masaktan madala ko lamang sa hospital si Yoona. Ngunit masyadong makapal ang pintuan na ito. Sh*t! Nag sisimula na akong mag panic! Naka ilang subok din ako na mawarak yung pinto at sa wakas ay nasira ko na rin 'to. Hindi ko ininda ang sumasakit kong braso sa halip ay binuhat ko si Yoona na parang pangkasal. Lumabas kami at saktong nakasalubong namin si En. Gulat gulat sya at kitang kita ang pag-aalala sa mukha nya. Naiinis ako sakanya! Kung hindi dahil sakanya hindi sana 'to mangyayari!
"Isakay mo sya sa kotse ko!" Wala narin akong choice kaya sinunod ko nalang sya. Nilagay ko si Yoona sa kotse at sumakay na kami. Inihiga ko sa lap ko si Yoona and ang init nya! Inaapoy sya ng lagnat! Tahimik lamang kaming dalawa ni En sa kotse. Walang kumikibo ni isa saamin. Halos paliparin na nya ang sinasakyan naming kotse makarating lamang sa pinakamalapit na hospital. Nakarating narin naman kaagad kami dahil sobrang bilis nyang magmaneho.
Tinulungan kami ng mga nurse at sabi nila sila nadaw ang bahala. Umupo nalang kami samay upuan ni Renzo. Naiinis ako. Naiinis ako sakanya! Tumingin sya saakin at binigyan ko sya ng isang malamig na tingin. Maya maya rin ay lumabas na ang doctor at ipinaliwanag saamin ang lahat. Mataas lang pala ang lagnat nya at humupa naraw ito. Buti daw at naisugod sya kagad. Kaylangan nya daw magpahinga. Pwede nadaw namin syang puntahan dahil nailipat na sya ng kwarto. Tumingin ako kay En.
"Sa susunod na mangyari pa 'to, hindi na ako magdadalawang isip na agawin sya sayo." Yun lamang ang sinabi ko at dumiretso na sa kwarto ni Yoona. Ramdam ko namang hindi sya sumunod pa saakin. Napabuntong hininga nalamang ako.
--
Renzo's pov
"Sa susunod na mangyari pa 'to, hindi na ako magdadalawang isip na agawin sya sayo." Nakaramdam ako ng inis pero pilit ko yung binabalewala. Galit lang sya ngayon at kaylangan ko yung intindihin pero hindi parin maalis sa isip ko yung nangyari sa beach. Ayoko narin yung pag usapan. Hindi ko na sya sinundan.
Umuwi muna ako sa bahay para magpalit. Anong oras naba? Madaling araw na pala. Hindi ko namalayan ang oras. Mabuti at nasa school pa ako nung kaylangang dalin sa hospital si Yoona. Naguguilty ako. Oo, merong part ng utak ko ang nagsasabing wala syang kasalanan. Ang kaso nasa harap ko na ang ebidensya na sya ang nagsimula ng gulo. Hindi ko alam pero nasaktan ako dahil dun sya matutulog sa Punishment Room at kasama pa nya si Chavez.
Humiga na ako sa kama. Bukas ko nalang sya dadalawin. Hindi naman ako galit sakanya eh. Sa totoo lang? Galit ako sa sarili ko! Dahil alam ko namang sa umpisa palang ay may gusto na si Yoona dun kay Chavez at alam ko ring nahuhulog na ang loob nila sa isa't isa. Lumalabas na ako ang kontrabida sa storya. Wala akong magagawa, dahil kamukha nya si Ezzy at may deal na kami. Kaylangan ko na syang praktisin kung pano kumilos si Ezzy. Masyado kasing magaslaw ang babaeng yun eh. Pag nakalabas sya sa hospital at nakapagpahinga, prapraktisin ko na sya. Matutulog na sana ako ng biglang may kumatok sa pinto. Tumayo naman ako para buksan kung sino ang kumakatok. Si Manang Melly pala. Ano naman ang ginagawa ni Manang dito at gising pa sya? Madaling araw na ah?
"Renzo iho, sorry kung naistorbo ko ang tulog mo." Renzo ang tawag saakin ni Manang dahil sabi ko sakanya para ko narin syang nanay. Bata palang kasi ako ay nagtratrabaho na sya saamin.
"Hindi naman po Manang. Pero bakit nga po pala gising pa kayo? Madaling araw na ah? Saka bakit ho kayo nagpunta dito?" Sabi ko kay Manang. Dapat hindi na sya nagpupuyat masyado. Saka ano nga ba ang ipinunta ni Manang dito?
BINABASA MO ANG
Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)
ChickLit"Kaya mo nga bang ipaglaban ang pag-ibig mo para sa kanya? Kung alam mong sa umpisa palang talo kana?" HIGHEST RANK: #59 IN CHICKLIT