Yoona's pov
Ilang minuto rin kaming ganun ng mapansin naming wala na ang ulan. Tumila na pala 'to.Ang kaso nga lang, pag umupo kami sa kotse ni Renzo ay mababasa naman yung mga upuan. Tumayo na kami mula sa pagkakaupo at dumiretso na sa tapat ng sasakyan. Tinignan ko sya ng nag aalangan pero hindi nya ako pinansin at pumasok na sya sa kotse. Samantalang ako nakatayo lamang sa labas ng sasakyan. Hindi parin ako kumikilos. Hindi ko makita kung anong ginagawa ni Renzo dun sa loob ng kotse dahil nga tinted ito. Lumabas sya ng kotse na iba na ang damit at may dala dala syang t-shirt nya. Hinagis nya naman yun at mabuti nalamang ay nasalo ko 'to.
"Mabuti nalang at may extra akong damit dyan sa kotse. Magpalit kana mamaya magkasakit ka pa." Sabi saakin ni Renzo. Nakatanga parin ako sakanya. Baka silipan ako neto ha! Nako! Humanda talaga sya saakin pag nagkataon!
"Hindi kita sisilipan okay? Pumasok kana sa loob ng kotse at mag bihis. Dito muna ako hanggat di ka pa tapos." Ay? Mind reader lang ang peg? Hahaha! Sinunod ko nalamang ang sinabi nya at pumasok na ako sa kotse nya at dun nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kotse at tinawag sya. Napalingon naman sya saakin at napangiti.
"Bagay sayo. Tara na?" Sabi nya. Ngumiti nalang din ako at saka nag nod. Pumwesto na ako sa pwesto ko. Shemay basa nga yung upuan. Kawawang sasakyan ka naman.
"Renzo? Gusto mo sa bahay mag hapunan? Mag luluto ako." Sabi ko sakanya. Sinisipag din kasi akong magluto ngayon. Gusto kong magluto ng aking paboritong Adobo! Ang sarap kumain nun lalo na kapag tag ulan!
"Sure. Gusto kong lutuin mo yung paborito ko." Sabi nya. Napatingin naman ako sakanya at diretso parin syang nakatingin sa daan. ano nga ba ang paborito ng lalaking 'to?
"Ah? Ano ba ang paborito mo ng maluto ko? Ako kasi Adobo eh." Sabi ko sakanya at iniimagine ang masarap na Adobo isama mo pa sa kanin at konting patis na may sili, grabe perfect! Sobrang sarap nun! Napalingon naman sya saakin at parang nagulat.
"Well. Adobo rin ang paborito ko." Nanlaki naman ang mata ko sa sinagot nya saakin. Ah! Pareho pala kami ng paborito! Tignan mo nga naman. Dadagdagan ko na lang ang luto mamaya para makakain din sina Manang at Kuya Jun.
"Hahaha! Parehas pala tayo ng paborito! Ay, inaantok ako. Sleep muna ako. Gisingin mo nalang ako pag nasa bahay na tayo." Sabi ko sakanya at saka humigab. Inaantok na talaga ako. Pumikit na ako saka ipinahinga ang mata at utak ko.
Naramdaman kong parang may kamay na tumatapik sa pisngi ko. Napamulat naman ako dahil dun. Si Renzo pala. Ginigising ako. Kinusot ko ang mga mara ko at napansin kong nasa tapat na pala kami ng bahay. Lumabas na kami ng kotse at pumasok na sa bahay. Sinalubong naman kami ni Manang. Nag mano ako pati narin si Renzo. Umupo muna sya sa sofa.
"Manang? Ako na ho ang mag luluto. Renzo? Bihis lang ako ng shorts. Ikaw? May damit naman si Gluriang dito na pwede mong magamit. Ihihiram nalang kita." Sabi ko sakanya at tumango na lamang sya. Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagbihis na. Lumabas na ako sa kwarto matapos kong magbihis at kumatok sa pintuan ni Gluriang. Makalipas ang ilang katok ay lumabas na rin si Gluriang ng naka ayos. Naks! May lakad ata sya.
"Yoona bells! Gogora muna ako ha? Magkikita kami ni Boyfie!" Tinignan ko naman sya na sobrang takang taka. Anong nangyari sa alien na lenggwahe ni Gluriang? Guguho na ba ang mundo?! Sabihin nyo! Anong pinakaen nyo kay Gluriang at nag iba ang lenggwahe nya!
"Oh? Hahaha! Anong problema Yoona bells? Naninibago ka no?" Omygas pulgas! Anyare?! Mas sanay pa yata ako sa duguang pakikipag usap sakanya kesa sa ganitong normal na lengguwahe eh! Naninibago ako! Kung sino ka mang kumuha sa tunay na Gluriang, ibalik mo sya!
BINABASA MO ANG
Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)
ChickLit"Kaya mo nga bang ipaglaban ang pag-ibig mo para sa kanya? Kung alam mong sa umpisa palang talo kana?" HIGHEST RANK: #59 IN CHICKLIT