-33- OPERATION: Umamin si Lex sa parents nya.

4.2K 121 6
                                    

Yoona's POV




"Yna. Kaylangan ko ng help mo eh." Sabi saakin ni Lex. Anong tulong naman yun? Argh! Sumasakit ang ulo ko. Nararamdaman kong nag vivibrate yung cellphone ko pero hindi ko 'to pinapansin. Naka focus lang ako kay Lex.




"At anong tulong naman yun ha Lex?" Shemay. Nakakaloka ang mga pangyayari ngayon.




"Gusto ko na kasi maglantad bestfriend eh! Hirap na hirap na ako! My gosh! Tulungan mo naman akong umamin kila Momski. Gusto ko ng maging malaya! Para maka rampa ako no!" Hay nako si Lex talaga. Oo nga! Pano 'yan? Ang hirap ng sitwasyon nya! Pano namin maaamin?! Eh akala ni Tita, lalaking lalaki ang anak nya!



"Oo nga. Aminin mo na kay tita! Para hindi na 'yan lumala Lex." Sinserong sabi ko sakanya. Kitang kita ko sa mga mata nyang nahihirapan na sya sa sitwasyon ny--




"Ano ang aaminin ng anak ko saakin?" Nagulat kaming pareho ng makita si tita na nakatayo sa may pintuan. Nakauwi na pala sya! Bakit ang bilis?! Mabilis nga ba o hindi lang namin namalayan ang oras? Pero shemay! Narinig nya yung sinabi ko! Tinignan ko si Lex at sinenyasan syang gawin na nya. Na umamin na sya hanggang maaga pa.




"Momski. Kasi, sorry po. Bakla ako! Bakla po ako momski!" Sabi ni Lex at umiyak ng umiyak. Hindi naman maipinta ang hitsura ni tita at bigla na lamang syang hinimatay. Mabuti na lamang at dali dali ko syang nasalo.




"Momski! Bakit lahat na lang kayo hinihimatay?! Gosh!" Tarantang tarantang sabi ni Lex saakin.




"Simple lang bestfriend. Hindi namin keri." Sabi ko at inayos ang buhok ni tita.




Maya maya rin ay nagising na si tita. Dali dali syang tumayo at sinampal si Lex. Maski ako ay nagulat lalong lalo na si Lex. Umiyak ng umiyak si Lex pero si tita ay galit na galit ang hitsura.




"Sinira mo lahat ng pangarap namin sayo ng daddy mo Lex! Niloko mo kami! Hindi kita matatanggap! Lumayas ka! Layas!" Nagulat ako sa iniasta ni tita. Kaylanman ay hindi pa nya napagbubuhatan ng kamay si Lex. Anong gagawin ko?!




"Momski. Sorr--" Hindi na natapos pa ni Lex ang sasabihin nya dahil itinuro na ni tita ang pintuan. Indikasyon na umalis na sya. Umiiyak na tumakbo si Lex. Habang si tita naman ay napaupo habang umiiyak. Tinignan ko si tita at sinenyasan nya ako na sundan si Lex. Ngumiti na lamang sya saakin ng pilit.




Dali dali akong tumakbo at nakita ko si Lex na iyak na iyak at naka upo sa lupa. Naiiyak na rin ako habang nilalapitan ang bestfriend ko.




"Bakit ganun Yna?! Nagpaka totoo lang naman ako pero bakit ganun?! Bakit hindi nila ako matanggap pati sarili kong mga magulang?! Ang sakit Yna! Eto ako eh! Bakla ako pero halos lahat ng tao iniisip na masama ako marinig lang nila na bakla ako? Hindi ako masamang tao Yna! Hindi ako masamang tao!" Sabi ni Lex habang umiiyak. Niyakap ko sya at hinagod hagod ang likod nya. Niyakap naman nya ako pabalik at mas lalo syang napaiyak.




"Magiging okay din ang lahat." Sabi ko sakanya. Maya maya pa ay nahimasmasan na sya. Tumigil na din sya sa pag iyak. Marahil ay napagod narin kaka iyak. Naglalakad kami ngayon pauwi sa bahay at sabi ko dun muna sya ng matanaw ko ang isang kotseng napaka pamilyar saakin.




"Lex. Pumasok ka na sa bahay." Sabi ko sakanya. Sinunod nya naman ako. Siguro marahil narin sa pagod kaya sumunod na lang sya. Saka ko hinarap ang mukha ng lalaking nakasibangot sa harap ko at salubong na salubong ang kilay.





"Kanina pa kita tinatawagan?! Naka ilang text ako sayo! Hindi mo ba alam na kanina pa ako naghihintay dito?! Akala ko kung napano ka na! Balak ko na ngang sumugod sa bahay ng lalaking yan kung hindi ka pa dumating?! At kasama mo pa sya ha?! Uwi bayan ng babae?! Anong oras na? Hernandez! Hindi ka naman nakikinig saakin?! Isa! Tanggalin mo yang kamay mo sa tenga mo! YOONA GRACE HERNANDEZ! Napupuno na ko sayo! Dalawa! Hahalikan talaga kita kapag hindi mo yan tinanggal! Makulit ka ha!" Nagulat ako ng bigla nya akong hinalikan. Tinulak ko sya at tinignan ng masama. Pesteng lalaki 'to! Lakas maka chansing!




"Ano makikinig kana sakin?!" Inis na pahayag nya pero hindi na katulad ng kanina. Hay! Daig nya pa ako eh! Putak ng putak! Hindi naman sya ganyan dati! Ewan ko sakanya! Huminga nalang ako ng malalim.




"Okay. Sorry na. Pagod ako eh. Bukas na lang please?" Naka pout kong sabi sakanya. Huminga naman sya ng malalim.




"Psh. Pasalamat ka otsugkyta." Ano raw? Anong sabi ni Renzo?!




itutuloy




Author's note:

Hi mga SUNGENGOT Readers! XD Wala pa kaming internet eh. Pero eto ah, i will try my best para makapag update every week. Salamat sa paghihintay ng update. Vote and comment wag kalimutan. ♥

~TingChing.

Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon