-48- Waiting for you

5.1K 157 3
                                    

Third Person's Pov






Halatang halata sa mukha ni Yoona ang pagkabahala kung kaya't napansin yun kaagad ng mag asawang Curran.






"Hija? Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Ayesha kay Yoona dahil napansin nito ang biglang pagiging balisa ni Yoona. Tumango na lamang si Yoona pero sa loob nya ay nag aalala talaga sya dahil nawala nya ang kwintas. Kwintas ng nanay nya.






"Tita Ayesha. Kaylangan ko na pong umalis. Maraming salamat po sa pag imbita saakin dito." Magalang na sabi ni Yoona sa kanila. Wala namang nagawa ang mag asawa kahit ayaw pa nilang umalis si Yoona.






"Sure hija. Let's go. Gusto kong sumama sa paghatid sayo." Tututol pa sana si Yoona dahil nahihiya sya ngunit wala na syang nagawa ng hinila na sya ni  Ayesha papunta sa sasakyan.






"Fernando, tara. Ihatid natin si Yoona sa bahay nya." Nakangiting sabi ni  Ayesha sa driver nila. Sumakay na sila sa kotse at nag umpisa ng mag maneho ang driver. Tahimik lamang sila sa loob ng kotse.






'Shems! Nasaan na ba kasi yung kwintas?!' Isip isip ni Yoona. Naiinis sya sa sarili nya dahil masyado syang tanga at ang tanging gamit na nga lang ng nanay nya ay nawala pa nya. Gustong gusto na nyang sapukin ang sarili sa katangahan pero pinipigilan nya dahil nakakahiya para sa kanyang tita Ayesha.






Hanggang sa makarating na sila sa bahay ni Yoona. Inaya ni Yoona si Ayesha na pumasok ngunit tinanggihan ito ni Ayesha. Dahil alam nya namang may iniintindi si Yoona. Nag paalam na sila sa isat isa. Pumasok na ng bahay si Yoona samantalang nag drive na pauwi si Fernando. Nag cecellphone naman si Ayesha at nag lalaro ng Candy Crush.






Habang nag mamaneho ay binilisan ni Fernando kung kaya't hindi nya napansin ang isang hump. Nabitawan ni Ayesha ang kanyang cellphone at nagulat.






"Sorry ma'am! Hindi ko po napansin yun eh." Hiyang hiya na sabi ni Fernando kay Ayesha. Tumango na lamang si Ayesha at yumuko upang makuha ang kanyang nalaglag na cellphone. Hindi nya makita ang kinakapa nya dahil saktong nasa madilim silang parte ng daan kung kayat kapa kapa nalamang ang nagawa ni Ayesha.






Ngunit imbes na cellphone ang kanyang makapa ay parang isang magaspang na bagay iyon. Kinuha nya ito at hinaplos. Tutal hindi nya makita ay hinawakan nya nalamang muna ito at nag simula na ulit mangapa hanggang sa makuha na nya ang kanyang cellphone. Maya maya rin ay nakarating na sila sa bahay. Pagbaba na pagbaba palamang sa kotse ay agad agad ayang pumasok sa bahay.






Naabutan nyang nakaupo sa sofa ang mag ama nya at masayang nag kwekwentuhan. Umupo muna sya saka dahan dahang ibinuka ang kamay nya upang makita ang kanina nya pang hawak hawak. Hindi nya alam kung ano ang mararamdaman nya dahil sa halo halong emosyong nararamdaman nya.






"Fe-fernando!" Malakas nyang sigaw nagulat naman ang mag ama nya at napatingin sakanya. Noong marinig ni Fernando ang tawag ay dali dali itong tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Ayesha.






"Bakit po ma'am?" Nag aalalang tanong ni Fernando kay Ayesha. Nanginginig man ang labi ay dahan dahan syang nagsalita.






"Ka-kanino. Ka-kanino ang kwi-kwintas na 'to?!" Kaba. Yun ang nararamdaman ni Ayesha habang naghihintay ng sagot ni Fernando.






"Ka-kay ma'am Yoona ho ma'am! Nakita ko pong suot nya yan kanina eh. Sinabi ko pa nga po na ang ganda kas--" Hindi na natapos pa ni Fenando ang sasabihin nya sapagkat humagulgol na ng iyak si Ayesha. Naguguluhang lumapit si Allen sakanya.






Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon