-40- Break up.

4.2K 127 2
                                    

Yoona's pov


"Luther." Yan nalamang ang nasabi ko at sunod sunod na patak ng luha ang nanggaling sa mata ko.


"Yoona?" Gulat na gulat na pahayag ni Luther. Sakanya lamang ako nakatingin hanggang sa naramdaman ko nalang ang sakit sa sampal ng mommy ni Renzo saakin. Saka lamang ako napatingin sa direksyon nila. Lahat nagulat sa ginawang yun ng mommy ni Renzo. Agad naman lumapit si Renzo at inawat ang mommy nya.


"Mom! Girlfriend ko yan! Si Yoona!" Galit na pahayag ni Renzo habang inaawat parin ang mommy nyang lumapit saakin.



"Kahit kaylan hinding hindi kita matatanggap para sa anak ko! Napakalandi mo talagang babae ka! Pagkatapos mo kay Lu--" Hindi na natapos pa ng mommy ni Renzo ang sasabihin nya dahil biglang sumigaw si Renzo.


"Mom! Enough! Yoona? Umuwi ka muna. I'm sorry." Sincere na pahayag ni Renzo saakin. Wala na akong nagawa kung kaya't umalis na lamang ako. Bago ako umalis ay tumingin muna ako kay Luther na maging sa ngayon ay gulat parin na nakatingin saakin.


Lumabas na ako ng bahay na yun. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Iyak lamang ako ng iyak habang naglalakad. Bakit ng makita ko si Luther, bumalik lahat.


Renzo's pov


Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyari. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang galit ni mommy kay Yoona. Pero ngayon hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Anong ginawa dito ng walang kwentang yan?! Ang isang taong kinamumuhian ko. Ang kapatid kong matagal ko ng kinalimutan.


"Anong ginagawa nyan dito?!" Masamang tingin ko sakanya. Pansin kong mejo gulat din sya sa pangyayari. Nakatingin lamang kami sa isa't isa hanggang sa magsalita si dad at napatingin kaming pareho sakanya.



"Matagal na naming pinatawad ang kapatid mo. Nakita namin saya noon habang nandun kami sa ibang bansa. Humingi sya ng tawad saamin. Ngunit sinabi namin na papatawarin namin sya kapag kinalimutan nya ang babaeng yun. Pumayag naman ang kapatid mo. Kasama namin sya duon habang nagpapagaling ang mommy mo. Ang akala ko ba ay si Ezzyline ang girlfriend mo?! Niloko mo kami!" Galit na galit na pahayag ni dad saakin pero wala akong pakialam. All this time?! Nandun sya kasama sina mom and dad?! Bullshit!


"Hiwalayan mo na ang babaeng yun. Pineperahan kalang nya Renzo! Ginagamit kalang nya Renzo! Please! Believe me wala syang idudulot sayong mabuti!" Ngayon si mommy naman ang nagsalita.


"No mom! That's not true! Mahal ako ni Yoona at mahal ko sya! Bakit ba ganun nalang kalaki ang galit nyo sakanya?! Why mom?! Answer me!" Sabi ko sakanila. Napatingin ako kay Luther at nakatingin din pala sya saakin.


"For God sake Renzo! Hiwalayan mo na ang babaeng yun! Madami pang iba dyan! Mas maganda, mas matalino. mas mayama--" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni dad dahil tinalikuran ko na sila at nag umpisa na akong maglakad.


"You want to know the truth? Fine! That girl! Sya at ang pamilya nya ang dahilan kung bakit muntik ka ng mawala saamin ng dad mo Renzo! Sya din ang dahilan kung bakit ako nakomatose! Sya ang dating girlfriend ng kapatid mo! Dahil din sakanya muntik na kaming mawala sainyo ng dad mo! Now? Tell me! Yan ba ang pagmamahal Renzo?! That's bullshit!" Duon ay napahinto ako at hindi ko alam ang sasabihin ko. Mistulang napako ako sa kinatatayuan ko.


"Masaya tayong namumuhay noon. Bumibili kami ng dad mo ng mga gagamitin dahil malapit na ang birthday mo. 7 years ka nun. Hindi namin namalayan na hindi ka na pala sumusunod saamin. Hanggang sa nagulat nalamang kami ay tumatakbo kana kasama ang babaeng yun. Ang nanay ni Yoona. Hinabol namin kayo kasama na ang mga pulis na tinawagan namin. Takbo lamang kayo ng takbo hanggang sa hindi nyo namalayang may paparating na sasakyan. Tinulak ka ng nanay ni Yoona kung kaya't nasalba ka pero sa pagtulak nyang yun ay nauntog ang ulo mo sa batong nakakalat duon at nawalan ka ng malay. Dinala ka namin sa hospital at sinabi nilang wala kang natatandaan na kahit ano. Pinagamot ka namin sa ibang bansa. Unti unti ay bumalik ang ala-ala mo pero ang aksidenteng yun ay hindi mo na matandaan pa. Namatay ang nanay ni Yoona sa aksidente." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Galit, inis, pagkagulat. Plinano ba lahat ito ni Yoona? Para makaganti sya sa pagkamatay ng nanay nya?



"Yes Renzo. Plinano nya ang lahat ng 'to! Ng malaman nyang wala syang mapapala sa kapatid mo ay ikaw naman ang isinunod nya! Alam nya ang lahat! Manggagamit sya Renzo! Tinulak nya ako kung kayat nakomatose ako. Sinadya nya yun Renzo. Hindi ka talaga mahal ng babaeng yun. Please Renzo. Hiwalayan mo na sya. Hanggat maaga pa!" Pagmamakaawa ni mom. Galit na galit ako. Mistulang na blanko ang isip ko. Ang tanging alam ko lang ay niloko ako ni Yoona! Umalis na ako ng bahay nayun. Kelangan kong makitang ang manlolokong babae nayun!


Nakita ko sya. Nakatulala at umiiyak habang naglalakad. Siguro nagulat sya kasi alam ko na ngayon ang totoo! Bumaba ako ng kotse. Kaylangan naming mag usap na dalawa na kami lang! Hinila ko ang kamay nya at hindi naman sya pumalag ng makita nyang ako ang humila sakanya. Sumakay sya ng kotse. Sobrang tahimik. Wala ni isa ang nagsasalita. Hanggang sa madala ko sya sa isang lugar na kami lamang ang tao. Sa tabi ng dalampasigan.


"Yoona? Bakit mo ako niloko? Alam ko na! Plinano mo ang lahat ng 'to para makaganti ka saamin hindi ba?!" Galit na pahayag ko pero kumunot ang noo nya at mistulang naguguluhan sa sinabi ko.


"A-anong sinasabi mo Renzo?! Hindi kita maintindihan!" Ngayon ay napalakas nadin ang sigaw nya. Ang galing nya grabe! Ang galing nyang magpaikot ng tao!


"Huh! Kunwari kapa! Ng hindi mo makuha si Luther ay ako naman?! Planado to lahat hindi ba?! Gumaganti ka kasi dahil saakin, dahil saakin ay namatay ang nanay mo!" Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha ng sabihin kong ako ang dahilan ng pagkamatay ng nanay nya. Unti unting bumuhos ang luha nya.


"A-anong ibig mong sabihin? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo Renzo! Oo dati kong boyfriend ang kuya mo! Pero hindi ko alam na magkapatid kayo! Anong palano?! Saka saka. A-anong sabi mo? Dahil sayo namatay ang nanay ko?" Iyak lamang sya ng iyak duon. Gusto ko syang yakapin. Gusto ko syang patahanin. Gusto kong sapakin ang sarili ko. Dahil sakin umiiyak sya. Umiiyak ang taong mahal ko.


"Sawa na ako sa mga kasinungalingan mo Yoona. Pagod na ako. Pero ang hindi ko matanggap ay niloko mo ako. Pinaniwalang mahal mo. Pero ano? Anong totoo? Ginamit mo lang ako! Ginamit mo lang ako sa paghihiganti mo!" Tinatagan ko ang sarili ko. Wag kang magpapadala Renzo. Ginagamit lamang nya ang mga luhang yan para maniwala ka sakanya.


"Maniwala ka Renzo! Hindi ko alam ang lahat ng yun! Nagsisinungaling ang mom--" Hindi ko na sya pinatapos magsalita dahil muntik ko na syang masampal. Nakabitin lamang sa ere ang kamay ko. Huminga ako ng malalim at ibinaba ang kamay ko.


"Don't you dare na sabihan ng ganyan si mommy! Huh! Ikaw ang sinungaling tapos sasabihan mo ng ganyan si mommy?! Yoona. Pagod na ako. Lets end this. Lets break up." Tumalikod na ako at nagsimulang lumakad palayo. Pero nagulat ako ng yakapin ako ni Yoona.



"Please Renzo. Maniwala ka naman sakin oh! Wag mo kong iwan. Please. Nagmamakaawa ko Renzo." Sabi nya habang nakayakap sa likod ko. Unti unti kong kinalas ang yakap nya. Saka ako nagsimulang maglakad palayo. Sumakay ako sa kotse pero wala ako sa sarili. Muntik na akong mabangga mabuti nalamang ang agad kong naiwas ang kotse. Napasuntok ako sa manibela. Saka napaiyak nalamang.


Goodbye Yoona Grace Hernandez.

itutuloy...


Author's note:

Yeaaaa! Hahahaha! Kamusta naman mga sungengot?! Grabe nalungkot talaga ako nung tinatype ko to! :( Hays. Goodbye na nga ba para sa ating couple? Mag leave kayo ng comments kung ano nararamdaman nyo dyan! Hahaha! Umpisa palang yan. Madami pa akong revelations! Mwahahahaha.

VOTE. COMMENT. BE A FAN.

*Biotechachos*

Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon