Yoona's Pov
"Gluriang! Lex!" Gulat na gulat na sabi ko pagbukas na pagbukas ko ng pinto. Paano ba naman, nakita ko na ang dalawa kong kaybigan ay nag sasampalan at nag sasabunutan!
"Gluriang! Lex! Tama na 'yan!" Malakas na sigaw ko ngunit hindi nila ako pinapansin. Patakbo akong lumapit sakanila at hinawakan sila sa braso at pilit ko silang inilalayo sa isa't isa ngunit natabig ako ni Gluriang at napaupo ako sa sahig. May tumulong naman saakin na isang lalaki. Hindi ko sya pinansin dahil naiinis na ako.
Dali dali akong tumayo at nahagip ng mata ko ang isang vase. Patakbo akong lumapit dun at saka ito kinuha. Binasag ko 'to ng walang alinlangan napatigil naman sila at napatingin saakin.
"Tama na! Tumigil na kayo!" Galit ng sabi ko sakanila. Nagtinginan sila ng masama at saka binitawan aang isa't isa. Napatigil sila dahil galit na ako. Alam nilang bihira lang ako magalit. Kapag galit ako ay para akong maldita na hindi mo maintindihan. Lumalabas ang pagkamataray ko kapag galit ako.
"Maupo kayong dalawa sa sofa." Mahinahon ngunit bakas parin ang inis sa boses ko. Wala naman silang alinlangan at parehas na umupo gaya ng inutos ko.
"Anong nangyari? Bakit kayo nag aaway?" Tanong ko at saka tinignan sila ng diretso sa mata nila. Magkasalubong ang pareho kong kilay. Naisip ko, parang hindi ako si Yoona ngayon. Para akong ibang tao dahil hindi naman ganito ang ugali ko.
"Mang-aagaw!/Malandi!" Sabay nila sabi sa isa't isa at nagtinginan na naman sila ng masama. Napa irap na lamang ako. Naiinis talaga ako! Ayoko na ang mga kaybigan ko ay nag aaway. Naalala ko kung sino ang lalaki kanina at nakita kong wala na 'to. Sino yun?!
"Isa isa lang! Sino yung lalaking nandito kanina?" Tanong ko sakanila at para naman silang nagulat sa sinabi ko at tinignan nila ang paligid na parang may hinahanap.
"Sino yun?" Ulit ko sa tanong ko at napatingin sila saakin. Nagulat ako sa sunod nilang sinabi. Napaupo ako sa may upuan at hinilot ang sintido ko.
"Sugarpie ko!/Sugarcake ko!" Yan ang isinagot nila saakin kaya ako napaupo bgla. Gosh! Nag aaway ang dalawa kong kaybigan dahil sa isang lalaki. Kaylangan ko silang makausap pareho.
"Lex, umakyat kana sa kwarto mo." Utos at mahinhin ko ng pahayag sakanya. Huminga ako ng malalim at napatingin sakanya. Dahan dahan syang tumayo at umakyat sa hagdan. Nung makaakyat na si Lex ay hinarap ko si Gluriang at kinausap.
"Anong nangyari?" Mahinahon kong tanong sakanya. Tumingin sya saakin at saka nagsimulang ipaliwanag ang mga nangyari.
Gluriang's Pov
*FLASHBACK*
"Sugarpie! Punta tayo sa bahay! Ipapakilala kita! Excited na ako!" Sabi ko kay Neil habang naglalakad kami. Ang swerte swerte ko talaga sa sugarpie ko! Matagal na din kami ni sugarpie. Mga 5months na din simula nung niligawan ko sya hihihi! Masaya naman ang relasyon namin.
"Bala ka." Sabi nya sakin kung kaya't hinila ko sya at pumunta kami sa bahay. Nakakapit ang mga braso ko sa braso nya. Pasandal sandal pa ako sa balikat nya at malapit na kami sa bahay.
"Nandito na tayo sugarpie!" Masayang sabi ko sakanya habang bumababa kami sa taxi. Nakita kong napanganga sya at hindi makapaniwala.
"Bahay mo'to?" Gulat na gulat na sabi nya saakin at parang hindi makapaniwalang dito ako nakatira.
"Hindi talaga. Nakikitira lang ako sa kaybigan ko. Sya talaga ang may ari ng bahay na yan sugarpie." Pagpapaliwanag ko sakanya. Nagpapasalamat talaga ako kay Yoona bells! Sa pagpapatira sakin dito.
BINABASA MO ANG
Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)
ChickLit"Kaya mo nga bang ipaglaban ang pag-ibig mo para sa kanya? Kung alam mong sa umpisa palang talo kana?" HIGHEST RANK: #59 IN CHICKLIT