Yoonas's pov
"Ms. Hernandez!" Sigaw ni Renzo. Dahan dahan akong lumingon at nakita kong galit na galit sya. Marami narin pala ang nanonood saamin samay pintuan. May mga dala silang cellphone at vinideohan pala nila ang pangyayari. Tumayo na ako at umalis sa tyan ni Serena. Sya naman ay tinulungang tumayo ng mga alipores nya at nagulat ako dahil bigla nalang syang umiyak. Sus! Best actress! Lalo nya lang pinapainit ang ulo ko.
"Anong nangyayari dito?!" Sigaw na tanong ni Renzo. Halatang halata sa boses nya ang pagka inis sa mga nangyayari. Syempre itong si Serena ayun nagpaawa effect!
"Yan! Yang babae yan. Sinugod nya ako. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Sabi nya nilalandi ko daw si Clifford. Ang sakit nga eh. Tumama yung ulo ko sa sahig! Dapat dyan parusahan!" Sabi naman ni Serena. What?! Ang kapal naman ng mukha nya! Sya nga 'tong bigla bigla nalang nanugod! Huh! Ang galing magbaliktad!
"Hindi yan totoo! Sya nga 'tong bigla bigla nalang sumusug--" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil sumingit ang isang alipores ni Serena at kinausap si Renzo.
"She's lying! Here, may video ako ng buong pangyayari." Iniabot nya ang cellphone nya kay Renzo at kitang kita ko sa mukha nya ang pagkagulat at pagkainis.
"Kitang kita sa video na 'to ang mga pinaggagawa mo Ms.Hernandez. Hindi ko akalaing kaya mo 'tong gawi--" Bago pa nya matapos ang sasabihin nya ay pinutol ko na iyon. Napaka kitid ng utak nya! Argggg! Lalo akong naiinid sa mga pangyayari!
"Yun na nga Renzo eh! Hindi mo inaakalang magagawa ko yun! Bakit mo sila paniniwalaan?! Ako ang nagsasabi ng totoo! Ako ang Girlfriend mo! Ako ang paniwalaan mo!" Hindi ko alam pero bigla nalang yun lumabas sa bibig ko. Mejo naluluha narin ako sa sobrang inis. Nakita ko naman ang panandaliang pagkagulat sa mukha ni Renzo pero agad nya namang tinakpan yun ng panibagong emosyon.
"Hindi porke't Girlfriend kita kakampihan na kita. Kaylangab mong maparusahan sa inasal mo Ms.Hernandez, at ang karagdagang parusa dyan ay isang gabi ka sa Punishment Room. Walang ilaw, walang kuryente, walang pa-pagkain ng isang gabi. Yan ang napili kong parus--" Hindi ko na sya pinatapos pang magsalita dahil tinulak ko sya at tumakbo palabas ng c.r. Takbo lamang ako ng takbo hanggang napunta ako dito sa likod ng school. Dun ako umiyak ng umiyak. Nakakainis! Bakit ba hindi ako ang paniwalaan nya?! Ginagantihan nya ba ako dahil lang sa hindi ko sya nasipot?! Umiyak lang ako dun ng umiyak. Sumasakit ang ulo ko. Hindi ko nalang 'to pinansin at pinunasan ang mga luha ko. Pagod na pagod na ang mga mata ko. Kagabi pa ako iyak ng iyak. Gusto kong matulog. Gusto kong magpahinga.
--
Serena's pov.
Buti nga sa malanding babae nayun. Ang sakit ng sampal nya ha! Kasama ko ngayon ang Mean Girls. Nandito kami sa Gym. Walang tao dito dahil may klase na at saka hindi naman oras ng P.E ngayon. Napangiti nalang ako dahil sa mga nangyari. Umayon ang lahat sa plano. Ang plano ko kasi ay sugurin ang malanding babae nayun. Nakakainis! Mananalo na dapat ako! Ako dapat ang nanalo! Lahat nalang inaagaw nya! Lahat lahat! Kaya't kanina hindi na 'ko nakapagpigil kaya't inaya ko ang Mean Girls para abangan ang Yoona na yun. Hindi naman kami nahirapang hanapin sya dahil madaming nakakitang nag punta sya sa c.r. Inintay namin hanggang makalabas sya at yun na nga hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at sinampal ko sya ng malakas pero laking gulat ko ay gumanti sya! Hindi naman 'to dating gumaganti eh! Aba'y tumapang! Dahil lang nasa puder nya si Renzo?! Hanggang sa biglang dumating si Renzo. Sakto naman at naabutan nyang dapat sasampalin ako ni Yoona. Mejo kinakabahan nadin ako, kaya't nagpaawa effect ako. Hindi ko naman alam na amy surpresa pala sakin ang mga girls! Ang Vinedeo pala nila ay yung mag mumukhang ako ang kawawa. Binayaran din pala nila ang mga nanunuod saamin na kung sakaling mag tanong si Renzo, si Yoona ang ituturo nila. Hahaha. Magaling. Ayos diba?
BINABASA MO ANG
Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)
ChickLit"Kaya mo nga bang ipaglaban ang pag-ibig mo para sa kanya? Kung alam mong sa umpisa palang talo kana?" HIGHEST RANK: #59 IN CHICKLIT