-30- Ako o sya?

4.6K 137 4
                                    

Yoona's POV




"Anong aaminin at ipagtatapat mo sa Girlfriend  ko?" Hinila ako patayo ni Renzo at biglang hinawakan sa bewang. Kunot noo syang nakatingin kay Lex.




"Ano? Gi-girlfriend?!" Napatayo pa sa kinauupuan nya si Lex. Nakuha na talaga namin ang atensyon ng lahat. Ano banaman yan. Pilit kong tinatanggal yung kamay nya sa bewang ko pero mas lalo nya lamang hinihigpitan yun. Napabuntong hininga na lamang ako.




"Yes. So back off!" Sigaw ni Renzo at nag echo yun sa buong paligid. Gulat na gulat ang mukha ni Lex sa nalaman nya. Hindi ko pa kasi nasasabi sakanya eh.




"To-too ba Yna? Boyfriend mo ba talaga sya?" Tanong ni Lex na hindi parin inaalis ang mga mata kay Renzo. Napalunok naman ako ng tumingin na sila pareho saakin. Hinihintay ang magiging sagot ko.




"O-oo. Bo-boyfriend ko nga sya Lex." Sabi ko kay Lex saka yumuko. Nahihiya ako, bestfriend ko pa naman sya pero hindi ko nagawang sabihin sakanya. Nakatulala lamang sya at bigla akong hinila ni Renzo. Lumingon pa ako kay Lex at gulat na gulat parin sya sa mga nalaman nya. Hawak hawak parin ni Renzo ang kamay ko. Naiinis ako sakanya! Bakit kelangan nyang gumawa ng eksena dun? Nakakaasar talaga sya! Argh!




"Renzo! Bitawan mo nga ako!" Pilit akong nagpupumiglas hanggang sa huminto sya at humarap sakin. Nakakunot noo at halatang naiinis na sya. Sya pa itong may ganang mainis ah!




"Ano ba Renzo? Gumawa ka pa talaga ng eksena dun! Ano bang problema mo?!" Inis na tanong ko sakanya. Nakakainis naman kasi sya eh. Nanahimik kami sa isang tabi tapos biglang susulpot at boom! Ayan ang nangyare!




"Sino yun?" Cold nyang tanong saakin. Ha? Anong sinasabi nito? Nakahithit ba 'to? Nawawala ang pag kainis ko sakanya eh.




"Anong sino yun? Tapatin mo nga ko Renzo? Sabog ka ba?" Tumingin ako sakanya at dahan dahang lumapit saka tinignan syang mabuti pero hindi parin nagbago ang ekspresyon sa mukha nya.




"Sino yun Yoona?!" Napatalon naman ako sa gulat dahil bigla bigla nalamang syang sumigaw. Argh! Papatayin ata ako ng lalaking 'to sa gulat eh!




"Ano bang sinasabi mo?! Sino yun ka ng sino yun eh hindi nga kita magets! Alam mo?! Para ka talagang sabog eh! Bangag na nakahithit ng droge! Kung ano-ano sinasa--" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng bigla nya akong pinatahimik gamit ang bibig nya. Oo! Hinalikan nya ako! Walang hiyang lalaki 'to! Tinulak ko sya ng sobrang lakas!




"Ikaw ha?! Chansing ka na! Baka gusto mong matikman 'tong kamao ko?! Nagsasalita ako dito tapos bigla bigla ka nalang manhaha--" Hindi ko nanaman natapos ang sasabihin ko ng argh! Hinalikan na naman nya ako! Humiwalay sya at ang dati nyang ekspresyon na kunot noo ay napalitan na ng smirk! Peste!




"Ano? Magsasalita ka pa? Isa pa at hahalikan ulit kita." Sabi nya at aambang hahalikan ulit ako ng iniharang ko na ang isang daliri ko para pigilan sya.




"Sabi ko nga tatahimik na eh." Sabi ko saka inalis na ang daliri ko sa nguso nya. Umayos sya ng tayo. Ang tangkad talaga ng lalaking 'to!




"Sino yun? Yung kasama mo kaninang lalaki?" Mejo naaasar na naman nyang tanong. Sows! Si Lex lang pala! Kanina pa sino yun ng sino yun! Malay ko ba kung sino tinutukoy nya!




"Sus! Kung nilinaw mo kanina pa edi sana kanina ko pa nagets no! Linawin mo kasi alam mo namang mahina ang utak ko eh! Si Lex yun! Bestfriend ko okay? Kaya wag ka ng mag selos dyan." Sabi ko sakanya at bigla akong napatakip sa bibig ko. Oops! Ano benemen yen! Hinay hinay lang kasi bibig, yan tuloy! Tsk tsk!




Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon