-11- Problema, lubayan mo 'ko!

5.8K 187 4
                                    

Yoona's pov

"Mag-iingat ka. Hindi sa lahat ng oras, nandito ako para ILIGTAS ka." yun lang ang sinabi nya at umalis na sya. Hanggang sa umalis sya ay nakatulala parin kami ng ilang segundo. Mabuti nalang at nagsalita yung teacher namin sa p.e


"Uhmm, Ms. Hernandez pumunta ka muna sa clinic at dun ka muna para makapagpahinga ka." sabi ni sir at umalis narin sya. Nagsialisan narin yung mga umisyoso kanina. Ang natira nalang ay ako, si yveth pati narin ang m.g na hanggang ngayon ay natutulala parin.


"Ah eh, yoona okay ka na ba talaga?" tumango tango nalang ako at ngumiti sakanya. Para sabihin na okay na ako. Baka nakakaistorbo na ako sa bestfriend ko. Alam ko naman kasing busy sya sa boyfriend nya.

"Una na ako ha. Nagtext kasi si jay. Magkita raw kami. Sorry talaga yoona ha. Okay lang ba kung iwan kita dito? hayaan mo, babawi talaga ako sayo. Sorry ulit ha." sabi nya. Halatang nagmamadali na sya. Nginitian ko sya bilang pagsenyas na okay lang.


"Okay lang bestfriend! sige bilisan mo at baka magalit si jay. Okay na talaga ako." Sabi ko sakanya. Mukhang nag aalangan pa syang iwan ako pero umalis din sya. Mahal nya talaga si jay. Ako naman ay  dumiretso sa locker room para kumuha ng damit. Giniginaw na kasi ako. Iniwan ko nalang ang m.g doon. Wala na masyadong  estudyante dahil merong klase ang iba, at yun ay pinasasalamat ko. Pagtsitsismisan na naman ako pag nakita nilang basang sisiw ako.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari. Baka siguro kung hindi dumating si renzo ay baka pinaglalamayan na ako ngayon. Salamat talaga renzo.


>FASTFORWARD<


Wala naman masyadong nangyari. Ganun parin hanggang sa nagbell na. Senyales na uwian na namin. Hanggang sa umuwi ako ay nag-iisip parin ako. 7:30 na ng gabi pero wala parin si gluriang. Pursigido talaga syang makahanap ng trabaho. Ayaw nya talagang maging pabigat saakin. Kahit naman hindi na sya mag trabaho okay lang sakin. Mahal ko kasi si gluriang. Nanjan kasi sya bilang ate,bestfriend ko. 9:00 pm ang pasok ko sa trabaho. Absent kasi ang isa kong kasamahan na si Nicole. Kaya ako muna ang papalit sakanya. Ang Normal ko kasing pasok ay 6:30 Hanggang 8:00 pero dahil nga sa absent sya ay ako muna ang papalit dahil kulang sa tauhan.

Nagluto na ako ng makakain ni gluriang para pag dating nya ay may nakahanda na sa mesa. Pagkatapos noon ay naligo na ako at nag ayos ng uniform namin nagsuklay lang ako at handa na akong umalis. Nilock ko na ang pinto, may susi naman kasi si gluriang eh. 8:15 ako umalis ng bahay. Inagahan ko talaga dahil maglalakad lang ako para tipid. 25 minutes bago makarating doon kapag nilakad mo.

Maya-maya ay nakarating narin ako sa coffee shop. Ba-bakit ganto ang mga mukha ng mga kasamahan ko sa trabaho? saka nakakapagtaka at walang ibang tao kundi kami kami lang na nagtratrabaho dito. Bakit ganito ang mga mukha nila? parang nalugi?

"Yoona, wala na." sabi ng isa kong kasamahan. Si vanesss, mejo kakclose ko naman sya. Pero ano yung sinasabi nyang wala na? bakit ganto yung mga mukha nila? parang malungkot eh.


"Bakit ang lulungkot nyo? para naman kayong nalugi nyan! hahaha! ano bang wala na?"takang tanong ko. Pilit kong tinatanggal ang lungkot sa mga mukha nila pero hindi ako nagtagumpay.


"Wala na. Wa-wala na tayong trabaho. Magsasara naraw 'tong coffee shop sabi ni ma'am" sabi nila. A-anong magsasara na? ba-bakit magsasara?


"At ang mas masaklap pa doon ay binigyan lang tayo ng limang libo. Wala na tayong trabaho yoona" Sabi ni vanessa. Kung kanina pinapasaya ko sila, Ngayon ako mismo hindi ko na magawa.


"Pumunta kana sa office ni ma'am ikaw nalang ang hinihintay" Sabi nila. Napatango nalang ako ng wala sa wisyo. Sobrang dami kong iniisip. Dito nalang kami umaasa ni gluriang pero nawala pa. Wala na akong ibang trabaho kundi 'ito. Pano nayan? buti at binigyan kami ni ma'am ng limang libo. Pero hindi sapat 'yon para sa pang araw-araw namin. Nasa labas na ako ng pinto ng office ni ma'am para kuhanin yung limang libo.


*knock* *knock* *knock*.

"Ma'am?" pormal kong saad bago pumasok ng office nya. Napakabait nyan si ma'am. Kahit na lagi akong late sakanya ay okay lang. Napalapit narin kaming mga empleyado sakanya dahil napakabait nya. sayang nga lang at mag sasara na 'to.

"Oh? ikaw pala yan yoona. Ikaw nalang ang hinihintay ko para isara 'tong coffee shop, Habang buhay." Nakita kong sobrang lungkot ni ma'am ngayon. Syempre sini ba namang hindi. Mamimiss namin ang isa't-isa. Hay nakaka inis naman eh naiiyak na kami pareho. Iniabot nya saakin ang limang libo.


"Ma'am? bakit naman ho biglaan ang pagsasara nito?" Tanong ko sakanya. Naaawa ako kay ma'am. Mahal na mahal nya kasi 'tong coffee shop eh. Kung pani nya ito alagaan.


"Hay. Mahabang paliwanagan yoona. Masyado kapang bata para maintindihan eh. Pasensya na kayo ha." Sabi ni ma'am. Hinawakan ko naman ang kamay nya. Para sabihing nandito lang ako.

"Wag nyo na ho kami isipin. Tandaan nyo ho, nanjan lang ho ang panginoon ma'am. Wag po kayo mawalan ng pagasa. Kaya nyo po yan." sabi nya. Nginitian nya naman ako at niyakap nya ako. Hay, mamimiss ko si ma'am. Napakabait kasi eh.


"Osya iha, Gabi na. Umuwi kana. Maglilipat pa ako eh." Sabi ni nya. Nagnod nalang ako at yinakap sya sa huling pagkakataon at lumabas na ng office nya. Wala na pala sila vanessa. Napahaba kasi ang kwentuhan namin ni ma'am. Lumabas na ako ng pintuan ng coffee shop.Habang naglalakad ay nilingon ko pa ng isang beses yung coffee shop sa huling pagkakataon at ipinagpatuloy ko na ang paglalakad. Pero hindi pamandin ako nakakalayo ay may nakita akong


HINDI KO INAASAHAN.

itutuloy...

Author's note:

Hello po! :) sorry kung short! yan lang nakayanan ko ngayon hihi! ♡ bawi ako next time! nga pala, hindi ko mapalitan yung cover, ayaw mapalitan eh. Madami rin akong natanungan kung panget or maganda sabi ng iba pangit iba naman maganda. Hahaha anggulo nila! XD Salamat sa pagtutok nyo sa storyang ituu! kahit trip trip ko lang syang gawin! yun lang. Salamat talaga ng marami. Lovelots readers! ♥

Boss ni Yoona sa coffee shop! :)

◆VOTE◆                 ◆COMMENT◆              ◆BE A FAN◆

(c) ForevsAnji/OMGCuttieeAngeee

~ANGELICA

Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon