-47- The Truth.

4.6K 144 7
                                    

Yoona's pov




Oo tama kayo. Si tita Ayesha pala ang may ari ng school na ito! Ayesha Curran siguro ang sasabihin nya pero naputol ito ng may tumawag sakanya. Omg! Nakakahiya! Hindi ko alam na! Pansin kong parang may hinahanap si Tita Ayesha a.k,a Mrs Curran sa paligid at ng magtagpo ang mga mata namin ay ngumi sya saakin at kinawayan ako. Lahat naman ng estudyante ay napadako ang tingin saakin.




"Goodmorning students. Siguro naman ay kilala nyo na ako. I'm Ayesha Curran. Nitong mga nakaraang taon ay hindi na namin maasikaso pa ang AHLHIA INTERNATIONAL SCHOOL. Mabuti nalamang nandito ang mga Encarnation upang alagaan ang skwelahang ito habang wala kami. Masyadong malungkot ang mga nakaraang taon para samin at ayoko ng ungkatin pa yun. 1 week lang kami dito sa Pilipinas at babalik na rin ng Amerika. Marami pa kasi kaming aasikasuhin dun. Gaya ng dati, ang mga Encarnation na muna ang bahala habang wala kami. Gusto kong magpakabait kayo my dear students. Oh! I forgot. I want you to meet my son, Van Archi Curran." Bigla naman umingay ang buong paligid ng tumayo si Van. Umupo na si tita Ayesha at sya naman ang nagsalita.




"Hi. Goodmorning ladies! Hahaha. I'm Van. Nice to meet you all!" Sabay kindat at upo. So sa babae lang  talaga sya nag 'hi' ganun? Tsk. Mukhang nangangamoy playboy dito ah.




Pagkatapos magsalita ng iba ay sinimulan na ang welcome party para sa mga Curran. Wala naman masyadong ginawa. Grabe bored na bored nga ako eh. Halfday lang naman kami ngayon at walang klase. Pauwi na sana ako at palabas na ng gate ng biglang tinawag ako ni tita Ayesha.




"Yoona! Hija! Nice to see you again! Oh, nga pala, nakwento kita sa husband ko. Natutuwa kasi talaga ako sayo and may naaalala ako. Punta ka sa bahay later. Mga 3:00. Ipapahatid kita sa driver. Saan ba ang adress mo hija? Please? Gusto ka din makilala ni Allen and Van eh. Please please?" Sabi naman saakin ni tita. Wala na akong nagawa kaya tumango tango nalamang ako. Saka binigay ang adress ng bahay.




"Thankyou so much Yoona!" Saka nya ako niyakap. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap ni tita. Kumalas na sya sa yakap. Napansin ko namang parang lumungkot yung mukha nya.




"Tita bakit po?" Takang tanong ko kay tita saka tinignan syang mabuti. Mula sa malungkot ay siniglahan nya nalamang ang boses nya. Halatang halatang pinipilit nya lang sumayo.




"Nothing hija. May naalala lang ako. Dont mind me. Ay, aalis ka na ba? Ipahatid na kita sa driver ko." Dali dali naman akong umiling. Wag na! Nakakahiya naman kay tita kung ihahatid pa ako ng driver nya no.




"No need tita. Kaya ko naman na po." Sabi ko kay tita at sa di malamang dahilan ay bigla ko nalang ulit syang niyakap. Siguro na fefeel ko lang talaga yung sadness nya. Kumalas na ako sa yakap.




"Take care hija." Sabi saakin ni tita. Ngumiti naman ako. Tumalikod na ako at nag umpisang maglakad papauwi.




Hanggang sa nakauwi na ako ng bahay. As usual wala nanaman yung dalawa. Ano kayang pinagkakaabalahan nilang dalawa? Nagpalit na ako ng damit at saka humiga sa kama. Ano kayang pwedeng gawin? Mag ayos kaya ako ng damit? Binuksan ko ang kabinet at nalaglag ang isang maliit na bola. Gumulong yun sa ilalim ng kabinet.




"Argh. Ano bayan.  Kukunin ko pa." Bigay yun ni lolo nung bata pa ako. Yumuko ako at kinapa kapa yun ng may makapa akong para isang kahon. Hinila ko yun at nakitang kahon ngayon. Punong puno yun ng alikabok. Pinagpagan ko yun at naalala ang sinabi ni lolo.




*Flashback*




"Yoona. Kahit anong mangyari ingatan mo ang kahon na yan ha? Gamit kasi yan ng nanay mo." Yan ang kabilin bilinan ni lolo saakin. Dahan dahan namang kumunot ang noo ko.




Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon