Yoona's pov
Ilang linggo narin ang nakalipas simula ng mangyari ang kahindik hindik na pangyayari yun. Kahindik hindik talaga? Eto ba na ang araw na pinaka kinatatakutan ko. Ngayon ko makikilala ang pamilya ni Renzo! Sobrang kaba ko nga eh. Maaga pa naman, siguro mga 7:00 am palang ng umaga. Wala naman kaming pasok ngayon kasi sabado. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit kapag malapit si Renzo parang may kabayong nagkakarera sa puso ko. Ang corny diba? Pero masakit mang aminin. Tingin ko kras ko sya. Oo, kras ko sya. Madami kasi akong nabasa sa internet na lahat umaayon sa nararamdaman ko. Nakakainis nga eh! Ba't ko ba naging kras yung si masungit na yun. Pero ang gusto ko talaga ay si Clifford. Hay ang landi ko na! Kagagawan yan ni Renzo! Makaligo na nga! Naligo na ako, ginawa lahat lahat ng ritwal ng mga babae. Pupunta muna ako ng mall ngayon. Nagbihis na ako. Boring kasi dito sa bahay eh. Gusto kong gumala manlang! Bumaba na ako ng kwarto at nakita si Manang.
"Tulog pa po si Gluriang Manang?" Sabi ko kay Manang habang inaayos yung mga laman ng bag ko. Mamaya maka alis ako wala pala yung wallet ko.
"Ah oo eh. San ka pupunta? May lakad kaba ineng?" Nakangiting tanong naman saakin ni Manang. Sasagot pa sana ako ng biglang nag vibrate yung cellphone ko. Nung tinignan ko naman yun number lang yung nakalagay. Sino kaya 'to? Inopen ko yung text at binasa ang laman.
Yna! Si Lex 'to. Tawagan kita mamaya.
Huh? Si Lex? Pano nya nakuha ang number ko? Nireplayan ko naman sya ng sige at saka umalis na. Nag commute lang ako ayoko kasing maka abala pa kay Kuya Jun. Kuwawa naman kasi eh. Kaya ayun jeep jeep lang pag may time. Mga ilang minuto rin at naka rating ba ako sa mall. Yun! Buti pa dito ang lamig.
"Yoona?" Napalingon naman ako sa tumawag sakin. Isang payat na babaeng maikli ang buhok na naka full bangs at isang matangkad na babaeng may mahabang buhok ang tumawag sakin. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko naman kilala kung sino sila.
"Hindi mo ba kami nakikilala? Kami 'to! Si Mellissa and Lyn! Hindi mo na kami natatandaan? Sige ha. Lumipat lang kami ng school kinalimutan mo na kami. Tampo kami sayo." Bigla naman nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko kung sino sila. Sila ang mga kaybigan ko sa dati kong school! Magkapatid sila at lumipat sina sa probinsya para dun na mag aral. Sinugod ko kagad sila ng yakap! Namiss ko 'tong dalawang 'to! Naghiwalay na kami ng yakap at dumiretso sa starbucks para dun kami makapag usap usap.
"Ano? Kamusta na kayo? Bakit kayo bumalik dito? Dito na ba ulit kayo mag aaral Mel and Lyn?" Excited kong tanong sakanila. Sana dito. Sana dito! Hiling ko sa utak ko. Abang na abang na ako sa sasabihin nila at kinakabahan.
"Uhmm. Oo!" Napasigaw naman ako ng yes at sobrang saya. Biglang namang yumuko sina Mel at Lyn at natatawa. Napa lingon ako aa paligid at nakuha ko na pala ang atensyon ng lahat. Naka yes na pose pa ako. Napalunok naman ako sa kahihiyan at unti unti kong binaba ang kamay ko saka tumawa ng pilit. Napayuko nalamang ako para maka iwas sa kahihiyan.
"Hahaha! Ayan kasi eh! Ang ingay mo Yoona! Hahaha." Natatawang sabi nilang pareho. Ngumti nalamang ako sakanila ng pilit at umayos ng upo. Nag ehem naman ako para maitago ang nakakahiyang nagawa ko kani kanina lamang.
"Ah nga pala. Okay na ba yung tatay nyo?" Mejo nagipit kasi sila noon dahil nagkasakit daw ang tatay nila kaya kinaylangan nilang bumalik sa probinsya para dun na mag aral. Kasi daw wala na daw pantustos pa sa kanilang pang aral dito sa maynila kaya pinaupo sila sa probinsya at para narin maalagaan ang tatay nila.
"Yup! Okay na sya. Nakabili panga kami ng lupa eh. Hindi na kami gipit kaya makakapag aral na ulit kami dito sa susunod na pasukan." Masayang pahayag ni Lyn. Mabuti naman kung ganun. Yes ang saya makakasama ko na ang mga kaybigan ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)
ChickLit"Kaya mo nga bang ipaglaban ang pag-ibig mo para sa kanya? Kung alam mong sa umpisa palang talo kana?" HIGHEST RANK: #59 IN CHICKLIT