Yoona's Pov
Dalawang araw ang nakalipas simula ng mawala ko ang kwintas. Salamat at sabado ngayon. Hay. Tinatamad pa akong bumangon. Kinalikot ko nalamang ang cellphone ko. Pero mali pala ang ginawa ko. Maling mali. Nag umpisa na namang tumulo ang mga luha ko.
Mga picture namin ni Renzo noong mga panahong masayang masaya pa kami. Mga text ni Renzo at mga banat nya saakin. Memories, memories. Nagulat ako ng may kumatok sa kwarto ko. Si Gluriang at Lex lang pala.
"Yoona. Kaylangan mong mag move on na wala na kayo ni Renzo. Hindi ikaw yan Yoona. Kilala ka namin bilang isang masiyahin at palaban. Hindi isang iyakin. Kaylangan mong tanggaping wala ma kayo dahil eto lang ang makakapag palaya sayo sa mapait na karanasang yun." Pinunasan ko anga mga tumutulong luha mula sa mga mata ko.
"Marahil nga ay tama kayo. Siguro. Siguro nga ay kaylangan ko ng kalimutan ang namagitan saamin ni Renzo noon. Pero sige. Huli na to. Mamaya, aantayin ko sya. Kapag dumating sya ay mahal nya pa ako. Pero kung hi-hindi sya dumating ay, siguro kaylangan ko ng mag paraya." Sabi ko sakanila at yumakap. Hinaplos naman ni Lex ang likod ko habang pinapatahan ako. Nasa ganoong scenario kami ng bigla naming marinig ang door bell.
Agad kong pinunasan ang mga luha ko at inayos ang aking sarili. Sabay sabay kaming bumaba para tignan kong sino ang nag doorbell, pero nagulat ako ng makitang sina tita Ayesha at tito. Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni tita Ayesha.
"Tita A-ayesha." Nauutal kong sabi sakanya dahil narin siguro sa pagkagulat. Umiiyak si tita Ayesha saakin. Tumingin ako kay tito Allen ngunit maging sya ay maluha luha rin. Kumalas sa yakap si tita Ayesha at pinunasan ang mga luha nya.
"Pumasok po muna kayo tita." Sabi ko sakanila at pinapasok sila sa bahay. Sinenyasan ko sina Gluriang at Lex na ako na munang bahala. Umakyat naman sila sa kwarto.
"Ahlh-- Yoona. Sa-sayo ba ang kwi-kwintas na 'to?" Nabubulol pa si tita Ayesha. Inangat nya ang kwintas at nagulat ako. Yes! Nasakanya yung kwintas!
"Opo! Salamat at nakita ny--" Nagulat ako ng yakapin ako ulit ni tita at humagulgul na sya. A-anong nangyayari? Niyakap ko naman sya pabalik.
"Anak ko!" Nagulat ako sa sinabi ni tita Ayesha. Baka mali lamang ang pagkakarinig ko. Baka akala ko lamang yun pero mali ako.
"Ahlhia anak. Matagal kitang hinanap. Matagal ka naming hinanap ng kuya at daddy mo! Miss na miss na kita." Napakalas ako sa pagkakayakap sakanya. A-anak?
"A-anak? Nagkakamali po kayo. Hindi po ako ang anak nyo. Ang nanay ko po ay si Yeera Hernandez. I-imposible po ang sinasabi nyo tita. Mali po kayo ng akala." Mahinahon kong sabi kay tita pero ang totoo ay nanginginig na ang mga kamay ko.
"Ikaw ang anak ko. Ikaw si Ahlhia. Heto. Heto ang resulta ng DNA test na isinagawa namin." Iniabot saakin ni tita ang isang envelope na naglalaman ng isang DNA test. Kinuha ko yun at binasa.
POSITIVE.
Yan ang nakalagay. I-imposible! Napailing iling ako at nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Nyunit kahit ano man ang gawin ko ay nasa harap ko na ang ibidensya. Paano? Paano nangyaring anak nila ako? Bakit ako nawala sakanila? Mahal ba talaga nila ako? Napakadaming katanungan ang tumatakbo sa isip ko.
"Ninakaw ka saamin ni Yeera. Itinakas ka nya saamin. Ginawa namin ang lahat para makita ka anak. Ngayong kasama ka na namin, hinding hindi na ako papayag na mawala ka ulit saakin, saamin Ahlhia." Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Bigla ko nalamang syang niyakap ng napakahigpit. Tanging iyak nalamang ang narinig sa bahay.
Kumalas ako ng may maalala ako. Umakyat ako sa taas at kinuha ang maliit na kahon. Hindi ko pala natapos kalikutin to. Nakita to nila tita Aye-- mommy na ba ang itatawag ko sakanya? Inilabas ko ang laman ng kahon. Isang picture, lampin na may nakaburadang pangalan at isang maliit na papel na may nakasulat na adress.
BINABASA MO ANG
Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)
ChickLit"Kaya mo nga bang ipaglaban ang pag-ibig mo para sa kanya? Kung alam mong sa umpisa palang talo kana?" HIGHEST RANK: #59 IN CHICKLIT