Yoona's POV
Ilang araw narin ang lumipas, simula noong maospital ako. Ilang araw narin akong absent sa klase. Si Gluriang kase eh ang sabi wag daw muna akong pumasok sa klase. Sa Trabaho ko naman, sya na rin daw muna ang papalit pansamantala saakin. Para daw may pangkain naman daw kame. Mabuti nalang nga at pumayag ang boss ko.
Sa totoo lang talaga, masakit pa rin iyung likod ko, pero hindi ko nalang ipinahahalata. Ayoko kaseng mag alala pa si Gluriang sakin.
Noong na sa hospital kase ako, hindi naman na sya ganun kasakit parang pawala na nga eh ang kaso nga lang, ang engot ko!
Natapakan ko iyung basa sa sahig, hindi pa kase napupunasan ni Gluriang dahil may tumawag sakanya sa phone. Kaya heto, ang dami kong nasalong isda, palaka, tipaklong at kung ano ano pang mga hayop!
Astig diba? Nag floating ako sa ere! Ang resulta, ang bumagsak pa ay iyung likod ko! Para akong serenang walang buntot! Nakalimutan kong may balat nga siguro talaga ako sa pwet.
Kaya ayun sobrang sakit ng likod ko! Hindi ko lang talaga pinahahalata. Pero shemay na bumbay! Masakit talaga sya! Di kaya ng powers ko bes.
May part pa nga na medyo color Violet na sya at puro pasa kaya ang sakit huhuhu. Tinatago ko lang, kasi mamaya pigilan nanaman ako ni Gluriang pumasok at mag trabaho 'no! Pero bukas papasok na ako at baka bumagsak pa ako! Walang makaka pigil sakin! Kaya ko 'to! Wag lang ipahalatang masakit kundi, patay.
Ay oo nga pala! May bibilin pa ako! Nakalimutan ko tuloy. San ba makikita iyon? Diko naman masyadong kabisado itong mall. Si Gluriang kase may pinabibili eh. Teka? Eto na ba iyon?
Buti naman tapos nako at sawakas ay nabili ko na. Napakahaba naman kasi ng pila at talaga namang nag aalboroto na iyung tyan ko. Beastmode na mga alaga ko!
Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid at sakto! Nasa mga kainan pa ako. Hay, mas lalo tuloy akong nagutom. Bahala na nga hindi ko na kaya mag pigil ng gutom.
Teka? Si Mr. Sungit ba iyun? Lumapit pa ako ng kaunti para masigurado ko kung sya nga. Oo! Syang sya talaga 'to! Confirm! May kasama syang napakagandang babae! Pero ba't ganon? Parang nag aaway sila? Tapos parang paiyak na iyung babae? Lumapit pa ako ng kaunti para marinig iyung usapan nila. Kasi naman, pag na curious ako ang hirap pigilan!
"Im sorry Enzo." Sabi ni ate mo girl habang tumutulo iyung luha nya. Shemay! Nakakaawa sya tignan promise.
"So mas pipiliin mo iyun?! Kaysa sa relationship natin?! Kaysa sa akin?! Bakit? May nagawa ba akong mali ha Ezzy? Mahal na mahal kita. Please don't leave me. I'm begging you, please." Mula sa galit nyang tono ay napalitan ito ng malambing na boses. Nakakaawa si Mr. Sungit. Ano ba iyan! Naaawa ako sa kanilang dalawa!
"I'm so sorry! Wala kang nagawang masama Enzo. It's just that kaylangan kong umalis. Para din naman satin itong ginagawa ko eh. I hope you understand. Sana maantay mo ako. I love you Enzo. I really do. Take care of yourself. For me please? Goodbye Enzo." Hinalikan ng babae sa labi si Mr. Sungit. Hay, mahal talaga nila ang isa't isa. Ang masasabi ko lang, sayang silang dalawa. Pagkatapos ay umalis na ang babae. Hindi ko napansing naiyak na rin pala ako.
Third Person's POV
Lingid sa kaalaman ni Yoona, nakita pala sya ni Renzo. Nahagip ng mata ni Renzo si Yoona nung hinalikan sya ni Ezzyline. Medyo namumukhaan nya si Yoona dahil na rin sa ilang ulit nilang pagsisigawan noon. Sinundan nya si Yoona ng makitang nyang naglalakad na ito palayo.
BINABASA MO ANG
Ms. Engot Meets Mr. Sungit (COMPLETED)
ChickLit"Kaya mo nga bang ipaglaban ang pag-ibig mo para sa kanya? Kung alam mong sa umpisa palang talo kana?" HIGHEST RANK: #59 IN CHICKLIT