JIRAH'S POV
Hindi ko alam kung bakit ako nainis kay Marge kanina nung nakita ko syang titig na titig kay Jia. Para bang may kumirot sa puso ko. "Selos lang yan!" Sabi ng utak ko. Ako nagseselos? What the heck No way !.
Habang nasa byahe kami papunta sa dorm ay napapansin ko yung madalas na pagtingin ni Marge sakin. Siguro ay napansin niya na hindi ko sya pinapansin simula nung galing kaming GYM. Nakita ko naman sa side mirror na sinenyasan nila Jho at Gizzle si Marge na para bang sinasabi na yari sya.
Ilang saglit lang ay nasa labas na kami ng dorm. Nagmadali nanaman syang bumaba at buksan yung pinto para sakin.
Pagbukas nya ng pinto ay agad akong bumaba at pumasok na sa Dorm ng hindi sya nililingon. Bahala sya. Pagpasok ko ay naabutan ko silang lahat na nakaupo na sa sala. "San sila Marge? Kanina pa namin kayo hinihintay a." Sabi ni Bebe Dzi. "Nasa labas pa sila." Sagot ko at umupo sa tabi ni Bebe Fille. "Okay ka lang ba?" Tanong niya sakin. Tumango lang naman ako.
Ilang saglit lang ay pumasok na sila Marge,Jho at Gizzle. Uupo sana sa tabi ko si Marge pero agad kong hinatak paupo si Jho sa tabi ko. Napakamot na lang ng ulo si Marge at doon na tumabi sa mga Dudes. Napansin ko naman na nakatingin samin yung mga team mates ko "Bakit?!." Tanong ko sakanila. "Mae, mamaya nga samahan mo ko mamili ng JELLY-ACE ha?" Sabi ni Ate Ella. Nagtawanan naman sila. Anong connect ng Jelly Ace?. Nanttrip nanaman tong mga to.
"Tama na nga yan, oh Jia and Mich ako na lang magiintroduce sa mga to ha? Para hindi na magulo. Okay yung nakaupo sa May malapit sa table siya si Ella yung katabi naman nya e si Mae. Sa may kaliwa naman ni Mae ay si Fille yung katabi nya e si Jirah,Jho,Gizzle,Jem,Ayel,Amy,Bea Tan sa may malapit naman sa center table e si A, Gretch and Marge and ako naman si Dzi ang team captain." Sabi ni Bebe Dzi. "Nice to meet you po :)." Sabi ni Jia. "Ang cute mo na nga ang cute pa ng boses mo." Sabi ni Marge. Napahawak na lang ako ng mahigpit sa throw pillow na hawak ko. "Ay. Thank you po Ate Marge." Sagot naman ni Jia. Hahaha. Ano ka ngayon? AteZoned :p. "Maka ate ka naman. Haha. Marge na lang di naman nagkakalayo yung age natin e :)." Sabi ni Marge. Ang landii talaga. "Nakooo. Dumadamoves na si Marge. Kung nakakamatay lang sana yung tingin baka kanina ka pa bumulagta dyan Marge. Hahaha." Natatawang sabi ni Ate Ayel. Sinamaan ko rin sya ng tingin at iyon nag peace sign lang naman sya. "Bebe Ji, kung nakakapagsalita lang yang throw pillow baka kanina ka pa nyan binulyawan." Bulong ni Bebe Fille. Tinignan ko lang naman sya. "Tignan mo halos masira na yang throw pillow sa higpit ng hawak mo." Sabi nya. Tinignan ko naman yung throw pillow na hawak ko. Tama nga sya. Agad naman akong napabitaw sa throw pillow na hawak ko.
"Nasan po yung magandang libero nyo?." Tanong ni Mich. Bigla namang lumabas si Bea Tan sa kusina. "I'm heeeere !." Sigaw nya. "Hindi po yung isa pa, yug number 13." Sabi ni Mich. Natawa naman kami doon. "So sinasabi mo na hindi ako maganda?." Kunwaring galit na tanong ni Bea Tan. Nakita ko namang napalunok si Mich. "Ah eh hindi naman po sa ganon. Maganda po kayong lahat lalo na si Ate Jirah." Sabi niya. Naramdaman ko naman na namula ako don. "Ay. Thank you. Haha." Sabi ko na lang kay Mich. "Tss." Narinig kong singhal ni Marge. "*ahemm* Selos *ahemm* Selos." Pangaasar ng mga Dudes sa kanya. Tinignan ko naman si Marge nakita kong naka poker face lang sya. "Tama na yan, Mich, yung sinasabi mong libero naming isa ay nasa Hospital at binabantayan yung isa pang team mate natin. Kaya mag ayos na kayo ni Jia ng gamit nyo at pagkatapos niyo ay pupunta tayo sa Hospital para naman makilala na rin nila Kayo." Sabi ni Bebe Dzi. "Yes Captain !" Masayang bati ni Mich. "Sa may room na kayo nila Jirah tumuloy dahil alam ko na may dalawang bed pa na bakante don. Bebe Ji, turo mo sa kanya yung room nyo." Utos ni Bebe Dzi. Kaya tumayo na ko para samahan sila sa taas.
Napansin ko naman na parang nahihirapan si Mich sa dala nya kaya I asked her kung kailangan nya ng tulong. "Mich, mukhang nabibigatan ka dyan a. Gusto mo tulungan na kita?." Tanong ko kay Mich. "Ay hindi na crush ay este Ate Ji pala. Kaya ko na po 'to." Sabi nya. Naghiyawan naman yung mga team mates ko nung sinabi ni Mich yung "crush" mga baliw talaga. Nginitian ko na lang si Mich. "I insist, sige na ako na magbubuhat nito." Sabi ko, wala nang nagawa si Mich kundi magkamot ng ulo and I found it cute. Akmang bubuhatin ko na yung Bag ni Mich nung may biglang magsalita sa tabi ko. "Tss. Daming sinabi." Sabi Marge atska binuhat yung bag ni Mich at nauna nang umakyat sa taas. Problema non? Tss bahala sya.
"Lagooot !" Sigaw nung mga Team mates ko. Hindi ko na lang sila pinansin at umakyat na nga sa taas. Pagpasok ko sa kwarto ay naabutan ko na kinukulit ni Mich si Jia. "Pandaaaaa !." Sigaw ni Mich kay Jia. "Bleeh Stitch ka !." Sabi ni Jia hanggang sa naghabulan na silang dalawa sa loob ng kwarto namin ni Marge. Ang cute nila tignan together. Hahaha. Infairness may chemistry sila. "Mga Bata ! Tama na yan, mag ayos na kayo baka makita pa kayo ni Captain nyan." Sabi ko sakanila. Napahinto naman sila sa paghahabulan at pumunta na sa cabinet nila. "Ikaw kasii e." Sisi ni Jia kay Mich. "Ikaw kaya nauna." Ganting sisi naman ni Mich. Hinayaan ko na lang sila at nilibot yung mata sa buong kwarto. Nakita ko na wala si Marge don kaya tinanong ko yung dalawa. "San si Marge?" Tanong ko sa kanila. "Lumabas po e. Pupunta po yata sa rooftop." Sagot ni Jia. Aano naman yun doon? Hmmm. "Sige, sundan ko lang si Marge ha? Kayong dalawa, bilisan nyo dyan at pupunta pa tayong hospital." Sabi ko sa dalawa at lumabas na nga ng kwarto.
Pagpunta ko sa rooftop ay naabutan ko si Marge na nakaupo sa may gilid ng rooftop habang nakatingin sa kawalan. Kaya nilapitan ko sya. "Pwedeng makiupo?" Tanong ko. "Kanina ka pa dyan?" Tanong nya. "Hindi naman kadadating ko lang. Lalim ng iniisip mo a." Sabi ko. "May problema ba?." Tanong ko ulit. "Wala naman, just uhmm... random things." Sabi niya. Natahimik naman kaming dalawa.
"Ji, why you acted that way kanina nung nasa GYM tayo?." Out of nowhere na tanong nya. "Ha?" Nagtatakang tanong ko. "I said why you acted that way kanina, you acted like a jealous girlfriend Ji." Sabi niya. Jealous girlfriend?! Like seriously?! Ako magseselos?! Bakit naman?! "Kasi mahal mo sya !." Sabi ng konsensya ko. "What?! Jealous girlfriend. Haha are you serious Marge?! No, I'm not jealous. Wala lang talaga ako sa mood kanina." Sabi ko sakanya. Napabuntong hininga lang sya.
"Eh ikaw?! Why you acted that way nung sinabihan akong maganda ni Mich? Are you jealous?!." Tanong ko sakanya while looking at her, siya naman ay nakatingin pa rin sa malayo. "Pano pag sinabi ko na nagselos nga ako?." Sabi nya sakin habang nakatingin na sakin. I was caught off guard. Nagseselos daw sya?! Hindi ko alam kung bakit may saya akong nararamdaman.
MARGE'S POV
Nung sinabi ko yun ay hindi sya nakapagsalita. Siguro ay nashock sya. "Ji. I'm jealous ! I don't know why but I felt it. Ayokong may tumitingin sayo ng ganon na iba, gusto ako lang.... Gusto ko ako lang yung nagbibigay ng compliment sayo. Diba? Sabi mo gusto mong malaman kung sino yung mahal ko? Then go here... You'll find out the answer. Sana pag nalaman mo yung sagot, Sana walang magbago satin. Kung may magbago man sana in a good way." Sabi ko sakanya. Sabay abot ng papel sa kanya at naglakad na palayo. Yeah ! Aamin na ko sa kanya, hindi ko na kaya itago yung nararamdaman ko for her. I just wish na walang magbago samin, hindi nya ko layuan once na nalaman nya na sya yung mahal ko.
-End Of Chapter-
-NeverInYourDreams12-
BINABASA MO ANG
Enemies Turns to LOVERS? (Alyden Ft. Ateneo Lady Eagles)
Fanfictionnakaranas ka na ba ng Annoyed at first sight? Yung tipong unang kita mo palang sa kanya kumukulo na dugo mo? Kulang nalang isumpa mo siya sa tuwing magkakasalubong kayo? pano kung isang araw magising ka na Mahal mo na pala siya? Handa mo bang tangga...