Chapter 77

9.8K 231 11
                                    

ALYSSA'S POV

Ilang araw na ang lumipas at ganon pa rin ang set up namin ni Den. Lagi nyang kasama si LA while ako naman ay abala sa pagtingin nung venue and sa training minsan ay kasama ko si Lau kasi lagi nya akong inaaya.

Nandito ako ngayon sa may field habang pinapanuod sila Jia na magpractice nung gagawin nila para sa araw na yun. Well, Bukas na yun kasi Friday na ngayon e at hanggang ngayon ay nag ddalawang isip pa rin ako kung itutuloy ko pa ba to or hindi.

Nakaupo lang ako sa ilalim ng puno na malilim habang pinapanuod yung ginagawa nila Jia at Mich natatawa nga ako kasi naman kanina pa inaasar ni Mich si Jia.

"Hoy ! Kayong dalawa umayos nga kayo, From the top !" Sigaw ni Ayel sa dalawa at iyon nga umayos na sila. At sinimulan na rin yung scene nila. Habang tinitignan ko sila ay pansin ko na may chemistry silang dalawa at alam kong hindi nila alam yun.

"Whooo ! Break muna Guys ! Masyado nyong kina-career yan e. Haha." Pagbibiro ko sakanila. Lumapit naman sila sakin at nilantakan yung dala kong 4 boxes ng pizza.

"Syempre naman Phenom. Kailangan naming career-in to dahil dito nakasalalay yung Lovelife mo no hahaha." Sabi ni Mich habang namumuhalan. "Ayssh. Kadiri ka talaga Mich ! Manners naman o!" Sabi ni Jia at binigyan ng softdrinks si Mich pati na rin ng tissue. "Sornaaa phowsssxzsczzz." Sabi ni Mich at nag beautiful eyes pa. Binato naman namin sya ng tissue.

"Kaumay oy !" Sigaw ni Marge sakanya habang sinusubuan si Jirah. Sila na kasi nung Tuesday pa kaya nga iyan kulang na lang langgamin sila sa kasweetan nila. Haha.

"Thank you guys ha? Sa pagsasayang ng oras at pag eeffort na maging successful yung plano natin. Atska thank you kasi imbes na gumagala kayo or nag-aaral e nandito kayo sa init ng araw para lang ayusin yung gagawin nyo. Salamat talaga Guys." Sabi ko sakanila.

"Sus Ate Alyssa. Wala yun no, Tayo tayo na nga tapos hindi pa tayo magtutulungan and deserve mo rin yan Ate Ly. Sa dami ba naman ng pinagdaanan mo and sinacrifice mo para samin e deserve mo rin sumaya Ate Ly and alam naming lahat na si Ate Den lang yung makakapagpasaya sayo." Sabi ni Jirah sakin and nginitian ko lang sya.

"Oo nga Ate Ly ! Haha. Kahit Out of town lang sa Sembreak ayos na samin. Hahaha." Biro ni Jho sakin. "Oo na. Hahaha." Sabi ko sakanila. "Di nga Ate Ly?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gizzle. "Haha. Yeah." Sabi ko na lang. "Owkaaay ! Beach here we come. Hahaha. Taraaa na ! Simulan na natin ulit. Nakakagana naman to. Hahaha." Sabi ni Mich at nagtatatalon pa. Iyon nga nagstart na sila. Napailing na lang ako sakanila. Mga sabik sa outing e. Haha.

Pinapanuod ko lang sila nung biglang nag ring yung phone ko. Sinagot ko naman agad yun. Tinignan ko naman yung caller ID at nakita ko na si Ella yung tumatawag.

-PHONE CONVO-

Ako: Hello?

Ella: Ly ! Uwi ka munang dorm. Si Den nagwawala, Hinahanap ka.

Ako: Ano?! Osige bye.

-END OF PHONE CONVO-

Pagkababa ko ng phone ay agad agad akong umalis sa field at sumakay sa kotse ko. Ano nanaman kayang ginawa ni LA kay Den at nagwala ng ganon yun. Aysssh ! Wala pang 5minutes ay nakarating na ako sa dorm.

Hindi na ako kumatok at pagpasok ko ay nakita ko sila Dzi,Fille,A,Ella, Mae at Gretch na pinapakalma si Den.

"Anong nangyayaro dito?" Tanong ko sakanila. Lahat naman sila ay napatingin sakin. Tumayo naman si Den at lumapit sakin. "Care. To. Explain. This. Valdez?!" Sabi ni Den sabay lahad ng Ipad nya sakin. Kinuha ko naman agad yun at tinignan kung ano yung sinasabi nya. Picture na pinost ng isang Fan, Picture namin ni Lau na mukhang naghahalikan at may caption pang "Lauly ♡." Shit na malagkit ! Patay ako neto.

"It's nothing Den." Sagot ko sakanya at inabot sa kanya yung Ipad nya. Kinuha naman ni Ella yun dahil baka maibato lang ni Den yun. Iba kasi yung aura nya. Nakakatakot.

"IT'S NOTHING?! OH REALLY ? KITANG KITA DYAN NA NAGHAHALIKAN KAYO !" Sigaw nya sakin. Napalunok ako ng ilang beses at ramdam kong nanlalamig yung kamay ko dahil natatakot ako kay Den. Ngayon ko lang sya nakitang ganito kagalit.

"Den kumalma ka nga !" Sigaw ni Capt kay Den. "Let her Ate." Sabi ko kay Capt. Hinarap ko ulit si Den para sagutin yung tanong nya. "Hindi kami naghahalikan dyan. Hinihipan ko yung mata nya kasi napuwing sya. Atska bakit ka ba galit na galit Den. Hindi ba dapat ako ang magalit dahil after mong sabihin na mahal mo ako ay iniwasan mo ako and take note ha? Nakipagholding hands ka pa sa ex mong Gago. Sabihin mo na lang na hindi mo talaga ako mahal para hindi ako umasa." Mahinahon kong sabi sakanya pero may mga diin sa mga salita ko. Ayokong sabayan yung galit nya dahil magmumukha akong guilty.

"We're just friends Alyssa." Sagot nya. Friends? Tsh. What a lame excuse. "Friends? Ganon na ba yung definition ng friends ngayon? Bakit di yata ako nainform? Friends lang pala yung naghholding hands ngayon and sweet sa public place and Babe ang tawagan? HAHA. Friends pala? Sabihin mo na lang na mahal mo pa sya at hindi mo naman talaga ako mahal na kaya mo lang nasabi yun kasi akala mo mamamatay na a---" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla akong hinalikan ni Den sa lips. It feels like my whole world stop and my eyes widen kasi nagulat ako. It feels so right ang lambot ng labi nya. Nagsimula ng gumalaw ang mga labi nya pero di pa rin ako nakapag respond dahil na shock ako and dinadama pa ng labi ko ang labi nya. Ramdam na ramdam ko yung kuryenteng dumadaloy sa'king katawan and yung mga paru-parong naglalaro sa tyan ko.  I was about to respond pero nagstop na sya and nilayo na nya yung mukha nya sakin.

"Mahal kita Alyssa, Mahal na mahal kita. Sana sa kiss na yan ay naramdaman mo na totoo yung nararamdaman ko para sayo." Sabi ni Den sakin at nag walk out palabas ng dorm and iniwan ako na nakatulala habang hawak ang aking labi. Hindi ko namalayan na napangiti ako.

"ARAAAAAY !" Sigaw ko. Pano ba naman binato ako ng unan and take note. Hindi lang isa kundi lima.

"HAHAHAHAHA. Yiiiieeeeeee ! Kilig yan." Sabi nila. "Tseeeeee !" Sigaw ko sakanila at pumasok sa kwarto namin ni Den. Hindi ko na maitago yung kilig ko at nagharlem shake ako habang tumitili.

That was the BEST KISS I've ever experience.

-Cut-

A/N: Lame again.

-NeverInYourDreams12

Enemies Turns to LOVERS? (Alyden Ft. Ateneo Lady Eagles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon