ALYSSA'S POV
Nandito na kami sa GYM ngayon habang hinihintay namin si Coach.
Nakatanaw lang ako kay Den na kasama sila Ate Fille at nagtatawanan. Ang cute nya talaga, Buti pa sya masaya habang ako unti-unting namamatay sa sakit.
"Matunaw Dude." Sabi ni Marge na katabi ko. "Tss." Pagsusungit ko sakanya. "Ba't kasi hindi mo lapitan?" Sabi naman ni A. "Ayaw nya." Sabi ko. "Hayss. Desidido ka na talaga dyan ha?" Sabi ni Gretch.
"Yeah, After all, This is what she want." Sabi ko at huminga ng malalim. Siguro simula ngayon makukuntento na lang ako na tignan sya sa malayo.
"Ly !" Nagulat kami nung may sumigaw sa may entrance ng GYM. Paglingon namin ay nakita namin si Laura with her Friends. Kumaway sila kaya kumaway din kami.
Tumayo ako para lapitan sila. "Hi, Lau and Friends. Haha." Pagbibiro ko. "Hi Ly, Ahmm. May sasabihin kasi si Lau sayo." Sabi ni Ericka
"Ano yun Lau?" Tanong ko kay Lau sabay ngiti. "Ahmm, Ano kasi Ly e, P-pwede ba kitang imbitahan mamaya?" Tanong nya sakin na parang nahihiya pa. "May ano ba?" Tanong ko kay Lau. "Ah e, Wala hang out lang." Sabi ni Lau. "Hmm, Sure sige :) Basta libre mo a?" Pagbibiro ko sakanya. "Talaga? Haha. Sure :). I'll just fetch you sa dorm nyo." Sabi nya sakin.
"Ah, Pwede bang dito na lang tayo magkita? Text mo na lang sakin kung anong oras. Hindi kasi ako sanay na ako yung pinagddrive e :)." Sabi ko sakanya. Tumango naman sya at ngumiti. "Una na kami Ly ha? See you later !" Sabi ni Charmaine. Aalis na sana sila pero tinawag ko si Laura. Napahinto naman sila. Ang cute kasi talaga ni Lau "Ang Cute mo." Sabi ko kay Lau nung nakalapit na ako sa kanila and kinurot ko yung pisnge nya. Nakita ko naman na namula yung mukha nya. Ang kyuuut nyaaaa :). "Bye Lau and Friends. Haha. See you later." Sabi ko sa kanila at bumalik na sa team mates ko.
Lahat ng mata ay nakatingin sakin even her pero nung lilingunin ko na sya ay umiwas sya ng tingin sakin.
"Yiiieee ! Ikaw Ly ha? Laura ka pala a. Haha." Pangaasar nila Ella sakin. "Wag kang ano dyan Ells. Friends pa lang kami :)." Sigaw ko sakanya medyo malayo kasi sya e. So rinig na rinig ng mga team mates namin yung usapan namin.
"Friends pa lang? So it means…" Pagsali ni Ayel sa usapan namin.
"Hmm, We'll never know. Haha. Cute naman si Lau and mabait atska Single sya and Single ako so malay natin. Haha." Pagsakay ko sa trip nila.
Nagulat naman kaming lahat nung nag walk out si Den. "Lagooot !" Pangaasar sakin ni Ella. "Ano nanaman?" Asar kong tanong sa kanya. "Manhiiid !" Sigaw nung Team mates ko. Nagkibit balikat na lang ako at nakinig ng music sa phone ko.
Ilang saglit lang ay bumalik na si Den sa GYM dahil dumating na din si Coach.
"Oh, Kunin nyo na yung kapartner nyo." Sabi ni Coach. Hindi ko alam kung lalapit ako kay Den or ano, Sya kasi lagi yung kapartner ko pag may pinapagawa si Coach na ganto.
"Besh ! Partner tayo a." Sigaw nya. Napatingin naman ako sakanya. Partner daw kami? Yes ! Lalapit na sana ako sa kanya pero bigla syang umalis at pinuntahan si Ella. Napayuko na lang ako dahil napahiya ako at alam kong nakatingin lahat ng team ko.
"Ate Ly? Partner tayo?" Napaangat naman ako ng ulo ko nung may nagsalita. Pagtingin ko ay si Mae na nakangiti sakin. "S-sige Mae." Sagot ko na lang.
Naglakad na kami sa pwesto namin at nagsimula na ngang gawin yung drills namin. Nagulat kaming lahat nung may sumigaw.
"Ouch !" Napatingin naman kami ni Mae sa pwesto nila Ella and we saw that Den is lying on the floor while she's holding her ankle. Nagtakbuhan naman yung team mates ko sa kanya. Tatakbo na sana ako nung may humawak sa balikat ko, paglingon ko ay nakita ko si A at umiling sakin. Para bang she's giving me a sign na "wag kang lalapit."
![](https://img.wattpad.com/cover/24102207-288-k627029.jpg)
BINABASA MO ANG
Enemies Turns to LOVERS? (Alyden Ft. Ateneo Lady Eagles)
Fanficnakaranas ka na ba ng Annoyed at first sight? Yung tipong unang kita mo palang sa kanya kumukulo na dugo mo? Kulang nalang isumpa mo siya sa tuwing magkakasalubong kayo? pano kung isang araw magising ka na Mahal mo na pala siya? Handa mo bang tangga...