GRETCH'S POV
I'm glad na kaming mga Dudes ay nagkalakas na ng loob. Kung hindi pa nagsacrifice si Ly ay siguro ay hindi pa rin kami makakaamin. Dalawa na lang ang hiling ko. Sana maging successful at sana ay magising na si Ly dahil miss na miss na namin sya. Teka nga, magising muna tong dalawang 'to.
Lumapit ako kay Marge at tinapik sya. 'Uhmm." Sabi nya. "Hoy. Margeee, Aalis muna ako ha? May meeting pala yung org namin ngayon." Pagpapaalam ko sakanya. "Ge. Shooo. Istorbo ka." Sabi nya at tumagilid ulit ng higa. Loko talaga 'to.
Tumayo na ko at inayos yung mga gamit ko. Sa dorm na lang ako maliligo. HAHAHA. Mabango pa naman ako e. Haha. Paglabas ko ng kwarto namin ay may napansin akong lalaki na para bang nagmamanman sa labas ng room ni Ly. Pasimple ko syang tinignan. Gwapo naman sya at may hawig kay Ly? Sino to? And parang nakita ko na sya somewhere. Pamilyar kasi yung mukha nya. Nagiwas sya ng tingin at kinausap yung nurse, siguro ay napansin nya na nakatingin ako sa kanya. Baka naman alagad to nung Supremo na yun?. Tatawagan ko na lang sila Marge mamaya. Sumakay na ko sa Elevator at bumaba na. Pagkasakay ko sa kotse ko ay agad agad kong tinawagan si A.
-Phone Convo-
A: Hello?
Ako: Dude, Wag kang magrereact dyan a. Cool ka lang.
A: Pinagsasabi mo dyan? Get straight to the point Dude.
Ako: Kasi paglabas ko kanina sa room ni Ly napansin ko na may lalaki na parang nagmamanman. Hindi ko sya kilala pero parang pamilyar yung mukha nya. Hindi naman sya mukhang harmful pero magingat parin kayo dyan ha?. Tawagan nyo ko kung sakaling may mangyari man.
A: Sige Dude, Sasabihan ko na rin si Marge. Ingat ka.
Ako: Sige Bye.
-End of Phone Convo-
Saktong pagbaba ko ng cellphone ay nasa tapat na ko ng Car ko. Hindi pa rin maalis yung lalaki kanina sa isip ko. Sana wala lang yun. Hayss. Makapagdrive na nga lang. Masyado nang nakakastress yung mga nangyayari.
Saglit lang ay nasa Ateneo na ko, Hindi pa kasi traffic dahil maaga naman akong umalis sa Hospital kanina. Pinark ko agad yung sasakyan ko sa tapat ng dorm at bumaba na. Sarado pa yung mga ilaw, siguro ay tulog pa yung mga yun. Tinignan ko naman sa watch ko kung anong oras na "4:30" na pala nang umaga. Dapat ko na silang gisingin dahil may training at pasok pa ang mga 'to. Buti na lang at may susi ako ng Dorm.
Dahan-dahan kong binuksan yung pinto at umakyat sa kwarto namin ni Fille at naligo na. Pagkatapos kong maligo ay ginising ko na si Fille.
"Fille, Wake up." Sabi ko habang tinatapik yung pisnge nya. "Hmm." Sabi nya. "Hey, Sleepyhead ! Wake up na." Sabi ko sa kanya. Dinilat nya naman agad yung mata nya. Nung nakita nya ako ay para syang nagulat at bigla nalang akong hinila at niyakap. "Waaaah ! Namiss kita Gretch !." Sabi nya. "Grabi naman, Isang gabi lang akong nawala namiss mo agad ako." Sabi ko sakanya. "Tsee. Ganyan ka naman e, Di mo ko namiss :3." Sabi nya sabay pout. Haha. Pinisil ko lang yung pisnge nya. "Ajujuju. Tampo na sya oh. Jk lang e, Syempre namiss kita miss na miss." Sabi ko sakanya. Mukha naman syang nashock sa sinabi ko. "Maligo ka na nga, Baho mo na oh :p." Sabi ko na lang para hindi awkward. Binato naman nya ako ng unan at tumayo na para pumasok sa CR.
Pagkapasok ni Fille sa CR ay bumaba na ko para magluto ng breakfast ng Team.
Habang nagmimix ako nung pancake mixture ay biglang may nagback hug sakin. "Hmmm." Inamoy ko sya at naamoy ko yung natural scent ni Fille. "You really miss me huh?." Sabi ko sakanya habang naaback hug pa rin sya sakin. Naramdaman ko naman na tumango sya sa likod "Hmm. Oo e, Wala akong human pillow kagabi." Sabi nya in a sad tone. "Haha. Human pillow mo pala namiss mo, Akala ko ako na." Sabi ko sa kanya. "Ikaw kaya yung human pillow ko, so technically, Ikaw yung namiss ko." Sabi nya sakin. Hinayaan ko lang sya na nakaback hug sakin, I'm savoring the moment when someone rudely interupt us.
BINABASA MO ANG
Enemies Turns to LOVERS? (Alyden Ft. Ateneo Lady Eagles)
Fanfictionnakaranas ka na ba ng Annoyed at first sight? Yung tipong unang kita mo palang sa kanya kumukulo na dugo mo? Kulang nalang isumpa mo siya sa tuwing magkakasalubong kayo? pano kung isang araw magising ka na Mahal mo na pala siya? Handa mo bang tangga...