Chapter 37: My Gut Feeling is right?

12.8K 218 13
                                    

MARGE'S POV

Pagkatapos kong mag jogging at kausapin si Rex at bumalik na ko sa dorm. Hanggang ngayon ay nabbother pa rin ako sa tinanong sakin ni Rex. Hayss. Hayaan ko na nga lang muna. Si Jirah muna yung iisipin ko.

Pagpasok ko ay naabutan ko sila na busy sa pagaayos ng gamit. Hinanap agad ng mata ko si Jirah. Pero no sign of Jirah. Baka naman tulog pa, lumapit ako kay Jho para tanungin kung nasan si Besh. "Jowjow, San si Besh?." Tanong ko. "Oh? Nandyan ka na pala. Where have you been?."Tanong ni Jho habang nagwawalis. "Nagjogging lang ako. San nga si Besh?." Tanong ko ulit. "Tulog pa yata e. Di pa siya lumalabas ng kwarto niyo." Sabi niya. Hmm, hayaan ko muna siya bumawi ng tulog. Maaga pa naman para sa training kailangan niya rin kasi makabawi ng tulog dahil lagi siyang puyat sa kakaisip kay Rex at sa kakagawa ng paper works niya.

Naisipan ko naman na gawan si Besh ng pancake kaya pumunta muna ako sa kitchen. Nakita ko naman si Capt atska sila Ate Ayel na nagluluto. "Ate? Patapos na kayo?." Tanong ko sakanila. "Malapit na. Bakit?." Tanong ni Ate Ayel. "Magluluto po kasi ako." Sabi ko. Nakita ko naman na napatigil sila sa ginagawa nila at tumingin sakin. May mali ba sa sinabi ko. "B-bakit po?." Tanong ko. Lumapit naman si Ate Fille sakin at kinapa yung noo ko. "Wala ka namang lagnat." Sabi niya. "Wala nga po, bakit po ba?." Takang tanong ko. Nakakaloko naman kasi yung reaction nila e. "Magluluto ka nga? As in?." Tanong ni Ate Dzi. "Oo nga po." Sabi ko naman."Dzi mag pa-fiesta nga tayo. Hahaha. Syet ngayon lang magluluto si Marge !." Exagg na sabi ni Ate Jem. "Haha. Kayo talaga, akala ko kung ano." Sabi ko. Nagtawanan nalang sila. "Oh Marge mag luto ka na baka magbago isip mo e. Haha." Sabi ni Ate Ayel tapos ay lumabas na sila sa kitchen ang naiwan lang e si Capt and Ate Fille. Kinuha ko na yung pancake mix pati yung egg at pinaghalo na nga yun. Habang naghahalo ako ay nagsalita si AteFille. "Para kanino ba yan at parang napaka importante naman sayo nung taong yun dahil pinagluto mo pa talaga siya e kami nga never mong pinagluto e." Sabi niya. Tama naman siya e never pa kong nagluto, hindi dahil sa hindi ako marunong kundi dahil nangako ako sa sarili ko na yung taong mahal ko lang yung ipagluluto ko. "Para kay JirahBesh 'to Ate. Napansin niyo naman siguro na ilang araw na siyang malungkot. Gusto ko lang siya pasayahin miss ko na yung mga ngiti niya." Sabi ko at niluto na nga yung mixture na nagawa ko. Nakita ko naman na nagkatinginan sila. "Napansin nga namin yun. Pero bakit daw? Ilang beses na rin namin syang tinanong e pero sabi niya okay lang naman siya. Alam mo naman yun sayo lang nagsasabi yun." Sabi ni Capt. "Hmm. Tungkol po yata sa kanila ni Rex." Sabi ko. "At talaga yang Intal na yan ha?! Nako lang pag si Bebe Ji sinaktan niya humanda siya sakin" Sabi ni Capt. Una palang talaga hindi na siya boto kay Rex para kay Jirah dahil may pagkababaero kasi si Rex before siya tamaan kay Jirah. "Mukha naman pong nagbago na si Rex mga Ate." Sabi ko. "Sana lang." Sabi ni Ate Fille.

Natapos na kong magluto at inayos ko na nga yung pancakes syempre nilagyan ko ng designs. Kumuha ako ng chocolate syrup at nag form ng smiley face and naglagay din ako ng sulat na "I miss your smile." at nagtimpla na rin ako ng hot choco. Then tinakpan ko na baka mamaya e kainin ni Ate Ells 'to. Hahaha

JIRAH'S POV

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Pagdilat ko ng mata ko ay naramdaman ko na may parang papel na nakadikit sa noo ko. Kinuha ko yun at binasa. Galing pala kay Marge. Loko talaga minsan yun e. Hahaha. Ewan, nung nabasa ko yung sulat niya e napangiti ako. She never fails to make me smile. Tinago ko yung post-it sa may drawer ko at naligo na.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ko ng pang training at inayos na yung gamit ko. Nung nasigurado ko na ayos na yung lahat e bumaba na ko.

Naabutan ko naman sila na nakaupo sa sofa aba parang walang training ha?. Nakangiti lang sila sakin ng nakakaloko. Naawkwardan na ko kaya binati ko nalang sila. "Good Morning :)." Bati ko sakanila. "Ganda yata ng gising mo ha?" Sabi ni Ate Jem." Oo nga ! Ngayon ka lang ulit namin nakitang magsmile ng ganyan." Sabi ni Ate Ayel. "Wala naman, maganda lang yung gising ko."Sabi ko sakanila. "Hay tara na nga kain na tayo para hindi lang gising yung gumanda kay Bebe pati yung araw niya tyak gaganda." Sabi ni Capt. Okay? Ano raw? Pumunta na kami sa kitchen. Naabutan namin si Besh na nakaupo na agad sa table. Aga naman nito? Hahaha. "Besh? Madaya ka :3 Di mo ko ginising." Sabi ko sakanya nung nakaupo na ko sa tabi niya. "Haha. Sorry na po, Ang sarap kasi ng tulog mo e." Sabi niya. Napansin ko naman na yung breakfast ko lang yung nakatakip. "Bakit nakatakip 'to?."Tanong ko sa kanila. Nagtinginan lang sila at ngumiti sakin, yung ngiting may meaning. "Hoy, pag 'to kalokohan lang !." Sabi ko ulit baka kasi may niligay silang fake na ipis o gagamba dito e. Lakas pa naman mangtrip ng mga to pag umaga. "Wala noh. Buksan mo na ng makakain na tayo." Sabi ni Bebe Dzi. Tinignan ko lang si Marge tapos ay tumango lang siya sakin saying na buksan ko na daw.

Enemies Turns to LOVERS? (Alyden Ft. Ateneo Lady Eagles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon